CHAPTER 2 : WELCOME TO HELL UNIVERSITY

Start from the beginning
                                    

Isang lalaki ang nakatayo sa harap ko. Lalaking sa tingin ko isa ring student tulad namin, hindi naman kasi nalalayo ang suot niya sa suot ng iba rito. Ang pinagkaiba nga lang kung paano nila dalhin ang uniporme na nakapagbigay ng takot sa akin. May kasama pa siyang dalawa sa likod niya.

"At sino ka naman? You know what kesa tumayo ka diyan tulungan mo na lang yung babae. "Nabigla ako sa bigla niyang pagtawa ng malakas, tawa na parang nababaliw. At ano naman timatawa tawa niya. Bumalot ng ingay ng tawa niya ang buong corridor. Humawak pa siya sa tiyan niya na ikinagitla ko dahil sa hawak niyang kutsilyo. Kutsilyong may bahid pa ng mga dugo.

D-dugo? Lalo tuloy akong nanigas sa kinakatayuan ko. Sino ba namang tao ang hindi matatakot kung may isang taong my hawak ng kutsilyong may dugo at nasa harapan ko pa talaga siya.

Nahinto siya sa katatawa at tiningnan ako ng mariin. Isang tingin na parang pinagmamasdan ang susunod niyang aatakihin. Napaatras tuloy ako ng wala sa oras. Muli siyang tumingin sa amin At pinahid ang kutsilyong may dugo sa kanyang uniform.

"Get their names." Tapos Nauna na siyang umalis, naiwan ang isang babae para kunin ang mga pangalan nga namin. Why? Para saan ang mga pangalan namin?

"Names please." Tanong ng babae saka binuklat ang notebook na hawak niya.

"T-tricia Lee." What the hell is happening here?

"Denise M-martinez."

"Richiane Quitaña and She's Alexa Roux." Turo sa akin ni Richiane nga ang pangalan. Tiningnan naman niya ako saka tinaasan ng kilay. Ano bang problema niya?

"Trying something new? " Tanong sa akin nitong babae. Ano raw?

"Anyway, thats not even big deal. But remember school pa rin to and as students you guys are obligated to follow our rules. Unless, gusto niyo ng mamatay." Isinara niya ang hawak niyang notebook.

"CLEAR THIS AREA NOW!"Sigaw niya na umalingawngaw sa buong corridor . Agad naman nila akong hinila palayo doon at ganoon din ang ginawa ng iba.

"S-sino ba sila?" Tanong ko. "Alexa, alam mo ikaw kanina ka pa ah. After all what happen ganyan pa rin sasabihin mo. We almost meet our deaths." Kung di ako nagkakamali siya si Tricia. Mas maiksi kasi ang buhok niya kumpara dito sa dalawa. Siya rin tong kanina pa dada ng dada.

Ano bang masama sa pagtatanong? E wala akong ka ide-idea sa nangyayari e.

"Oo nga, sigurado ka bang ayos ka lang? Parang wala ka sa sarili mo e." At siya naman si Denise.

Nakatingin silang tatlo sa akin. Naghihintay ata sila ng sagot mula sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at umiwas ng tingin. Andidito na nga pala kami ngayon sa room. Mabuti na lang at katabi ko ang bintana. Paano ko nga ba sasagutin ang tanong nila? May part sa akin na gustong sabihing hindi ako okay at may part sa akin na nagsasabing okay lang ako. Naguguluhan na ako sa nangyayari. Malinaw sa akin na wala akong kilala rito. Maging sa tatlong to na kanina pa ako tinatawag na Alexa. Pero parang kilalang kilala nila ako. Alam niyo yung feeling na para kang na reincarnated at dating buhay mo ang naalala mo. Masakit sa ulo!

"Ssg officers." Nabaling ang tingin ko kay Richiane, oo siya si Richiane na kanina pa iba ang tingin sa akin.

"Huh?" Tanong ko.

"Sabi ko sila ang SSG Officers. Tinatanong mo kung sino sila right? Beware of them, they're dangerous. Lalo na kay Supremo. " Saka siya sumali sa kulitan ng dalawa.

SSG officers? Kaya naman pala kinakatakutan sila. Naalala ko tuloy yung inasta ko kanina. Malay ko ba! Pero bat sila matatakot? SSG officers lang naman sila meron naman sigurong mas mataas pa sa posisyon nila di ba? The head? Coordinators? Ganun di ba?

Nahinto ang lahat sa pagkwekwentuhan ng may biglang pumasok. Isang babaeng sobrang napaka pamilyar sa akin. Babaeng nagbigay kahit papaano ng pag-asa sa akin.

"Good morning class. Im your new teacher. Ms. Guillermo can't now longer be your teacher. Call me Ms. Saltibaldez, my pleasure to meet you all." Hindi ako nagkakamali siya nga! Siya ang babae sa library at isa siyang guro? Sobrang laki ng pinagbago niya, magmula sa suot niya sa ayos ng buhok, at kilos. Just wow! May kinalaman ba siya sa nangyayari sa akin ngayon? Alam kaya niya kung asan ang mga kaibigan ko?

"Nagpapakamatay ka ba?" Tanong ng isang estudyante. Nabaling tuloy ang attensyon namin sa kanya."Hawak mo na ang kalayan mo pero mas pinili mong hawakan pa to ng iba." Dagdag pa ng isa. Anong ibig nilang sabihin?

"Hell University is still a school, my dear." H-hell University? Thats a weird name para sa isang school. T-teka parang nabasa ko na yan somewhere.

"This is not a school! Hell University is a hell." Kita ko ang pagsilay ng ngiti ng taong nasa harapan namin ngayon. Ngiting hindi pangkaraniwan, nakakatakot. Laki ng pinagbago niya, para siyang ibang tao.

"Then welcome sa akin. But as long as nasa klase ko kayo, ako ang teacher niyo. But sabi niyo nga we're in hell, so i can be your teacher or i can be your worst enemy. Thats what i like being here, literally a hell." Nagulat kami ng may biglang nagbato sa kanya ng kutsilyo. Sa bilis ng pangyayari magugulat ka na lang talaga sa isang iglap may hawak na siyang kutsilyo. Mabuti na lang at mabilis din ang kamay niya at nasalo niya ito agad. How the hell she do that? Lalong nagiging komplilado ang lahat kanina pa ako nakakakita ng mga hindi kanais nais na scenes.

"Welcome to Hell University bitch!"
Aniya ng isang babaeng kararating lang na i think classmate namin. Siya rin ang babaeng nagbato ng kutsilyo kay Ma'am Librarian.

TEKA AYON NAALALA KO NA!

Naalala ko na kung saan ko yan nabasa. Kung saan ko yan narinig. NO! T-this cant be happening! So it means nasa loob ako ng libro?!

HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now