Chapter 29: Unstoppable

78 1 0
                                    

Chapter 29: Unstoppable

Hope's POV

"WINTER!" sigaw ko.

*BLAGG!*

Napatigil si Mart sa paghalik sa akin at nagulat siya, miski ako ng makita ko kung sino ang biglang sumira ng pinto sa rooftop.

"KAYA PALA DI KITA KAYANG PAGKATIWALAAN EH. HAYOP KA!" sigaw ni Jake at biglang tumakbo papunta sa gawi namin.

Agad naman tumakbo si Mart papunta kay Jake at sinalubong ito ng suntok.

"TAMA NA!" sigaw ko pero imbis na tumigil sila, sinuntok ni Jake si Mart dahilan para tumalsik yung salamin ni Mart.

Hindi ko alam kung bat hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"HAYOP KA!" Jake sabay suntok kay Mart.

"TUMIGIL NA KAYO!" Ako. Pero wala pa rin tigil. Nagulat ako ng biglang sinipa ni Mart si Jake dahilan para tumalsik si Jake patungo sa mga malalaking box at nawasak ang mga ito.

"TAMA NA PLEASE!!!" tumulo na lalo ang mga luha ko. Sobrang lakas ni Mart, hindi talaga siya mapigilan.

Nagulat ako ng biglng dumukot ng dos por dos si Mart sa may pader.

// lub dub // lub dub //

Wala na akong nagawa kaya't mabilis akong tumakbo patungo doon sa gawi ni Jake.

Akmang pupukpukin na sana ni Mart si Jake pero bigla akong humarang dahilan para ako yung mapukpok.

"OUCH!" Sigaw ko ng tumama sa braso ko yung dos por dos dahilan para humandusay ako sa sahig.

Gulat namang napatingin sa akin si Mart. Kitang kita sa mukha niya na hindi niya sinasadya.

"S-Sorry. Im so sorry" sabi ni Mart at dahan dahang lumuhod at inalalayan ako makaupo. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya pinagtabuyan.

Napaiyak nalang ako at nagulat ako ng niyakap niya ako.


"M-Mart... Please" tanging nasabi ko. Kumalas naman siya sa pagkakayakap niya sa akin.

"Umalis ka na. Ayaw na kitang makita pa" sinabi ko sa kanya ng di siya tinitignan.

"I-Im just trying to save you... From him" sabay tingin niya kay Jake na nakatingin sa amin habanv iniinda yung sakit ng katawan niya.


"Nasisiraan ka na ba? Ikaw nga itong pahamak hinayupak kang rapist ka" Malutong na sabi ni Jake.

"Baka ikaw ang nasisiraan. Ikaw nga itong manggagayuma" Mart.

O_O

Ano daw? Gayuma???

FUDGE! Jake?

Napatingin ako kay Jake na halatang may gulat sa mukha niya.


'A-Anong gayuma? " Jake. Biglang tumayo si Mart at naglakad patungo kay Jake.

"Gayuma para kay Hope, gagawin mo yun diba? " Mart.

Napakunot noo naman ako sa kanilang dalawa. Ano bang pinagsasasabe ni Mart.

"M-Mart pwede ba... Hindi magagawa ni Jake yun. Saka ano ba--" napatigil ako ng biglang may hinugot si Mart sa bulsa ni Jake.


Hinagis niya iyon papunta sa akin at nasalo ko naman iyon. Kunot noo kong tinignan ang maliit na babasaging bote.

Come Back, HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon