PILIPINO: Lahing PILI (Chosen) at PINO (fine)

266 2 0
                                    

PILIPINO: Lahing PILI (Chosen) at PINO (fine)

Zul Kifli Manansala

Bismillahi Rahmani Raheem!

Salamat! Hayaan mong simulan ko ang librong ito sa isang positibong salita na palasak na sa ating pandinig, isang salita na binibigkas ng kahit na sinomang Pilipino kapag siya ay natutuwa o naliligayahan sa anumang naganap o natanggap. Isang positibong salita na sapat na rin upang suklian ang anumang paghihirap. Malimit na tugon kapag nakararamdam ng hiya sa taong nag-aalok ng anumang bagay. "Tol

kain tayo?" "Sige lang Tol, Salamat.." Pamilyar hindi ba? Parang salitang ito ay may taglay na magic na kayang gawing positive ang ambiance. Walang duda na makapangyarihan nga ito dahil ultimong si Hesus (Eesa) ay nagwika nito bago siya tuluyang pumanhik sa Makapangyarihan. Kung kokontrahin mo ang sinabi kong ito dahil sa wala ito sa iyong bibliya eh hayaan mo munang ipaliwanag ko muna sa iyo nang mabuti ang kahulugan ng salitang ito at isantabi mo muna ang iyong mainit na balak na ipagtanggol ang iyong libro. "Salamat" Dating binibigkas na "Sallam sa lahat" na ang ibigsabihin ay "Kapayapaan sa lahat".

Kung wapakels ka sa paliwanag ko at tataasan mo lang ako ng nagsasalubong mong kilay "Salamat ulit". Ayan ganyan sana ngitingiti rin pag may time. Sabi ko naman sa iyo eh, may powers ang salitang ito. Kaya sa tuwing may pag-iinitan ka ng ulo ng kahit na sinong "wala sa hulog" magpaSALLAMat ka lang. Tiyak na matutuwa sa atin si Bathala. Oh iba nanaman yung reaksyon mo, nalunod ka ba sa ginamit kong termino? Umamin ka halos itago mo na sa baul ang salitang ito tapos ipinadlock mo at binali ang susi sabay tapon sa malalim na dagat at ibinaon ang baul. Sabihin mong exaggerated ako, tutulis ang ilong mo na parang si Pinocchio. Mas mabenta kasi sa iyo ang salitang, Diyos, Panginoon, Papa Jesus, Papa God o para mas in, yung mas madalas mong isigaw ang Lord Patawad! Parang si Bassilyo lang ang peg. Ginamit lang natin ang salitang Diyos nang dumayo sa atin ang mga Kastila at tinuruan tayo na sambahin ang tinatawag nilang Deus na kung hindi ako nagkakamali ay hango naman sa isang diyosdiyusang Griyego na si Zeus. Oh diba sounds family este sounds familiar pala, malamang batang garena ka a.k.a adik sa Dota. Nakabisinangatutot ka na naman, nakasambakol, mataas pa sa puyo mo yang kilay mo. Iniisip mo na pauso ko lang yung Deus galing kay Zeus, tamang hinala ka rin talaga. Sarri hindi ko po pauso ito, likas na tsismoso at pakialamero lang po akong tao. Nabasa ko kasi ito sa liham ni Gat. Rizal kay Ginoong Pablo Pastells noong Enero 9, 1893 (Dapitan). Sabi niya tinatawag natin ang Makapangyarihan na Diyos; ngunit ito ay nagpapaalala lang sa atin sa Deus ng mga Latino o kaya'y sa Zeus ng mga Griyego. Muli ko pong lilinawin ha, si Gat. Rizal po ang nagsabi niyan hindi ako. Kaya siguro umuusok ang tumbong ng mga prayle sa kaniya sa galit. Ang God naman na sa wikang Hebreo ay "Gawd"ay tumutukoy sa isang rebulto. Diyos-diyosan ulit! Ang Lord naman na sa wikang Filipino ay Panginoon kung hahanapin mo sa Strong's Hebrew Dictionary ay katumbas ni Baal, pamilyar ulit? Naman, eto yung pangalan na ipinakikilala ng mga sinasaniban. Kundi diyos-diyosan eh diyos naman ng mga may sapi. Aba teka! Oh baka sabihin mo bias ako, hindi ko pinaliwanag ang salitang Bathala. Wait, let me explain!

Ang Bathala ay hango sa dalawang salita, ang Bath/Beth (tahanan) at Allah (Makapangyarihan) ibigsabihin kaya pala ginagamit ng mga sinaunang Pilipino ang salitang Bathala dahil ang Pilipinas na minsang binansagang Maharlikha (Mahal ng Maylikha) ay tahanan ng Allah. Oh, pauso ko na naman? Wag kang magalit kay Rizal walang syang kinalaman dito. Narinig ko kasi sa isang Pari na ang Bethlehem ay nangangahulugan daw na (Beth) House of (Lehem) Bread. Kaya raw si Hesus (Eesa) ay ang tinapay na hindi nauubos. Bakit nga ba hindi natin alam ang mga bagay na ito, ako man kalian ko lang nalaman salamat sa kaibigan kong si Ruddy at sa ninuno naming na si Ka Pepe.

Ano ang dahilan ng kawalan natin ng ideya sa mga bagay na ito?

Sa pinakasimpleng pamamaraan ay susubukin kong ipaliwanag sa iyo kung paano. Oh pati ba naman ang paggamit ko ng salitang "susubukin" ay pagtatawanan mo? Wag mong ipilit ang salitang "subukan" dahil ang ibigsabihin nito ay "to spy" magmatyag, magmanman o sa salitang kalye "mamboso", lalo lang tuloy akong napaisip bakit kaya ang hilig ng pinoy sa salitang subukan? Wala itong pinagkaiba sa walang pusong habilin ng mga magulang sa anak sa tuwing lalakad sa daan "Anak mag-iingat ka ha TUMABI ka sa sasakyan!" tapos kapag umuwing nasagi ng Taxicle galit ang magulang. Hay naku po, ang iba talagang peyrents ang hirap ispelengin, eh kasi nga "magulang nga sila". Pero hindi ko isinulat ito para talakayin ang balarila ni G. Lope K. Santos o ang Binagong Ortograpiya ni Rio Alma. Hindi ito ang gusto kong ipaliwanag.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Apr 20, 2023 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

PILIPINO: Lahing PILI (Chosen) at PINO (fine)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin