PROLOGUE

84 12 102
                                        

Chocolate Series #1: Forget me Not

This is a work of fiction. Names, Places, Events, and Businesses are either products of the Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, is purely coincidental.

WARNING: This story contains chapters that can harm the reader mentally which could lead to triggering panic attacks, depression, anxiety, and the likes. I will put a warning on every chapter that will contain self-harm, violence, and sexual harassment.

I am hoping that you are all holistically well. 

PLAGIARISM IS A CRIME!

***

Ilang beses ba dapat tayong masaktan bago matauhan?

Tatlo? Apat? Lima?

O wala sa pagpipilian?

Ako kasi hindi na mabilang ng dalawang kamay ko kung ilang beses na akong nasaktan, pero sa dinamiraming beses... hindi pa rin talaga ako natatauhan.

Kaya heto ako ngayon, sa pang labing limang pagkakataon... susubukan kong muli.

Kahit hindi sigurado... mag babakasakali.

Para sa oras na dumating ang tamang bilang upang magising ang pusong hindi ipinaglaban,

Walang pagsisisi akong mararamdaman, dahil kahit sa pinaka huling sandali... nagawa ko siyang ipaglaban.

Agad akong napatayo sa dati naming inuupuan sa aming tagpuan nang makita ko siyang lumabas sa Cloud Bar.

Saglit na nag tama ang aming tingin, pero agad din siyang umiwas at dere-deretsong nag lakad... papalayo saakin.

Agad akong tumayo at hinabol siya. Desperadang makausap siya... desperadang maayos pa.

"Julse! Julse, mag usap naman tayo, oh." Walang tigil sa pag patak ang aking luha, sapat upang makagawa ng umaapaw na lawa.

Tinatahak ang pamilyar na daan na minsang tinuring amin,

Nabuo upang ang mga tao'y libangin,

Magiging saksi rin pala ng pusong alipin.

Huminto siya bigla at hinarap ako. Walang emosyon ang kanyang mga mata at tila nagtitimpi na lamang.

"Ano nanaman ba 'yun? Bilisan mo... inuubos mo nanaman yung oras ko." Walang gana niyang saad.

Ipinagsawalang bahala ko ang masasakit na salitang sinabi niya.

Kaya kopa... Kaya pa... ata?

"J-julse..." Kung akala ko wala ng ilalala ang iyak ko kanina, nag kakamali ako. Halos hindi na ako maka hinga at maka kita sa sobrang pag iyak. "Sinubukan ko naman, eh... sinubukan kong kalimutan ka... pero mahal pa rin kita. Hindi ko kaya... Ikaw lang ang meron ako at kung aalis ka, walang-wala na ako." Lumuhod ako sa harapan niya.

Wala na akong pake kung mag mukha akong kawawa o alipin niya... tanggap ko kung babalikan niya ako... kahit dahil sa awa nalang.

"Tumayo ka nga. Huwag mo namang gawing kaawa-awa yung sarili mo! Xea, ang dami-daming gustong magmahal sayo. Pakiusap... huwag na saakin." Pangungumbinsi niya. Halata ang pagiging problemado dahil sa sitwasyon namin ngayon.

Tumayo ako at pilit hinahawakan ang kanyang kamay pero agad niyang itong itinabig. "Yun na nga, eh. Ang dami-daming iba, pero sayo parin ako umaasa. Ang daming iba pero sayo ko gustong-gusto na magpaka tanga. Pinaniwala mo ako, eh... paniwalang-paniwala ako."

Forget me notWhere stories live. Discover now