Chapter 1

77.3K 620 20
                                    

Alyza’s point of Veiw

“ Alyza Laine!! Na saan ka na?! Bat ba lagi mo na lang akong binababaan ha?!” eto na naman ang boses niyang nakakairita. Keaga-aga ang init na agad ng ulo.

“ Nathan… Sorry na..” I answered in a husky voice. Syempre dahil maganda ako effective to.

I heard him sigh in the other line. Kausap ko siya sa telepono.

“Fine. Just please pumasok ka na. Ilang araw na akong nagaalala sayo… Bye” ibinaba ko na ang linya.

Makailang araw naman akala mo nawala ako. Para dalawang araw lang ako nagfile ng leave ah. Medyo OA.

Ako nga pala si Alyza Laine Montesa. Matino akong babae DATI! Pero ngayon nagkanda leche-leche naang buhay kong tahimik. Matino parin naman ako ngayon pero ibang matino. Gets?

Bumangon na ako at dumiretso sa CR. Naligo at nagbihis ng pang-office attire. Trabaho ko? Personal secretary ni Nathan yung kausap ko kanina. PERSONAL. Alam niyo na.

Kumuha lang ako ng isang tinapay at agad na lumabas ng condo unit ko. Bigay sa akin to Nathan baka naman sabihin niyo mayaman ako. Pagkarating ko sa parking lot agad kong nakita ang Monterro na iniregalo niya sa akin last week.

Birthday niya kasi last week. Hindi ko nga alam kung bakit ako binigyan niya nito eh hindi ko birthday at lalong birthday niya nun.

Inistart ko na ang engine at pinatakbo ko na.

“ Ma’am Laine nakabalik na po pala kayo. Naku kung alam niyo lang kung gaano nagalala si Sir Nathan.” Eto agad ang bungad sa akin ni Mang Jerry pagkarating ko sa guard house.

Ngumite ako sa kanya bago sumagot.

“ Hay naku Mang Jerry yang lalaking yan sinermonan ako kanina. Ang aga – aga pa eh init agad ng ulo.” Tumawa kaming sabay. Parang tatay ko nato si Mang Jerry eh. 4 na taon na kaming magkakilala.

Inabot ko sa kanya ang card ko para makalabas na ako ng tuluyan sa building nato. Sosyal kasi tong condo na binigay sa akin ni Nathan. Bawat labas ng mga tao nakarecord at bago ka makalabas kailangan mong ibigay ang I.D mo at irerecord nila ang oras ng paglabas mo hanggang sa oras ng pag-uwi mo. Kapag naman umuwi ka ng lampas twelve at umaga ka na nakauwi may multa kang twelve thousand. Ayos nuh? Buti na lang talaga si Nathan ang nagbabayad ng gastusin ko.

Dapat lang siya may gusto na dito ako tumira eh.

“ Sige Ma’am ok na. Ingat sa pagdadrive”

“Sige po Mang Jerry. Una na ako. Salamat uli” pinaandar ko na ulit ang sasakyan ko at tumungo na sa companya ni Nathan.

The HNS Incorporation. Sobra siguro siyang mahal ng tatay at nanay niya pati pangalan ng kumpanya nila sa kanya kinuha.

Pagkarating ko sa HNS agad akong binate ng mga guards, at lahat ng staff ni Nathan. Bakit? Maganda kasi ako.

“ Hi Dapnhe. Good Morning” bati ko sa secretary ni Nathan.  PERSONAL secretary ako. TANDAAN niyo ok?

Nanlaki ang mga mata niya sabay kinusot-kusot niya pa. Ano bang problema ng babaeng to?

“ Ok ka lang?” tanong ko sa kanya, tumayo siya at hinawakan ang dalawa kong kamay. Bigla niya akong niyakap at umiyak.

LUH?!! Anyareh?! Nawala lang ako ng dalawang araw ganto na agad eksena namin.

Hinimas-himas ko yung likod niya para tumahan na siya. Kawawa naman. Siguro kung ano-anu na naman pinagawa sa kanya ni Nathan. Tsk!

“ WAHHH!!! ALYZAA!! BUTI NA LANG BUMALIK KA NA!!! ALAM MO BANG LAHAT KAMI DITO TAKOT NA TAKOT KAY SIR SY…. ANG INIT NG ULO NIYA TAPOS BIGLA SIYANG SISIGAW NG BAD WORDS SA LOOB NG OFFICE NIYA… WAHHH!! NAKAKATAKOT!!!” sumbong niya sa akin. Aba sino ba naman hindi matatakot dun.

Dirty Job (Published Under Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon