Chapter 9: Jealous

Começar do início
                                    

"Jane, hindi ka ba maglalunch?"
Agad akong napatayo ng biglang marinig ang boses ni Trisha mula sa pinto ng office. Napatingin ako sa wrist ko. 12:05 na ng tanghali. Nanlaki ang mata ko at agad na kinuha ang sling bag ko. Tumakbo ako palabas ng office.

"Babalik ako!" Walang lingong sigaw ko kay Trisha na nakakunot ang noo.

Patay! Late na ako! Haisst!

Hindi na ako gumamit ng elevator sa halip ay naghagdan na lang ako, para mas mabilis.

Pagkababa ko ay agad akong tumungo sa Café Morina.

"Thanks to our new and best photographer." Naabutan kong nagsipalakpakan ang lahat, bumungad sa akin ang nakangiting si Kai habang nakikipagkamay sa bawat taong naroon.

Mas lumaki ang ngiti niya ng may isang lalaking lumapit sa kanya at kinamayan siya. Hingal akong napasabunot sa buhok ko, agad akong umupo sa tabi. Muli kong tiningnan ang mga tao sa loob, masaya sila lalo na si Kai.

Bakit kasi kita iniisip kanina pa? Ano ba kasi ang nangyayari sa akin?
Muli kong sinabunutan ang sarili ko dahil sa pagkalate at dahil na rin sa ngiti ni Kai habang nasa harap niya ang lalaking iyon.

Hinanap ko ang lalaking iyon habang nasa labas, nakatalikod siya sa kinaroroonan ko kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"Jane, bakit ngayon ka lang? Tsaka bakit ka nandiyan? Pasok ka." Napakagat labi ako ng hilahin ako ni Erin papasok ng Café. Nagring ang bell na nasa pinto, kaya naagaw ko ang lahat ng atensyon nila.

Pansin kong napalingon si Kai sa direksyon ko habang naglalakad papuntang unahan. Maya maya pa lumapit sa akin si Miss Hikari.

"I forgot to say, that Jane is our new model. Dahil din sa kanya nakapasok din tayo sa best model award. Nominee din tayo dahil sa last shot natin with the theme red velvet." Nagsipalakpakan ang lahat, magandang balita iyon, pero masama ang araw ko ngayon. Dahil sa katabi ni Kai.

Bakit ba kasi ako nagkakaganito?

"Racel is our model too, greet him." Bulong sa akin ni Miss Hikari. Agad naman akong lumapit sa Racel na iyon na isa din sa DJ namin.

"Racel right?" Prangka kong tanong.

"Ma'am Jane kayo pala." Bati niya sa akin, I smile at him para naman hindi niya mahalata na galit ako sa lalaking ito. My old classmate who make my world like hell, no not looks like dahil 100% hell talaga ang maging kaklase siya. A violent and pa innocent man na akala mo kung sinong pogi.

"Nag apply din pala kayo." Ay hindi! Hindi ako nag apply! Sunga!

"Uhm excuse me muna sa inyo." Napalingon ako kay Kai ng umalis siya sa tabi ni Racel. Hinabol tingin ko siya, patungo siya sa banyo.

"Excuse me too." Sinundan ko siya sa banyo. Naabutan ko siyang naghuhugas ng kamay. Sinapo niya ang noo niya at agad na may kinuha sa bag. Isang kit ang inilabas niya.

"Pwede ka namang lumiban muna kung hindi mo pa kaya." Pansin kong nagulat siya ng pumasok ako sa banyo. Agad niyang itinago ang medicine kit sa bag. Naghugas din ako ng kamay. At tumingin sa kanya gamit ang salamin.

"Kaya ko naman na." Humarap ako sa kanya at hinawakan ko ang noo niya, halatang nagulat siya sa ginawa ko. Medyo mainit pa siya then pinagpapawisan pa, kaya kumuha ako ng panyo sa sling bag na dala dala ko, then pinunasan ang pawis niya.

"Skip mo muna ang segment mo para mamayang gabi, magpahinga ka muna."
Hinawakan niya ang braso ko, kaya napatigil ako sa ginagawa ko.

"Kapag sinabi kong kaya ko, kaya ko. Hindi kita nanay para makinig sayo, tsaka boss lang kita." Agad niyang isinara ang bag niya at lumabas ng banyo. Naiwan akong mag isa sa banyo sa mga sandaling iyon.

It's ComplicatedOnde as histórias ganham vida. Descobre agora