Prologue

111 13 24
                                    

Welcome to my Domain.

-Kyum.🍑

-------------

"Sino ka?" Umalingawngaw ang kakaibang lalim ng aking boses, Ang lamig ng hangin na umiikot sa buong kwarto ay walang-wala sa tono ng aking pananalita.

Confusion has consumed my entire thoughts. Hindi na mapagtanto kung ano ang kailangang unahin mula ng makita ang lalakin nakaitim--- Tahimik na nakaupo sa hindi kalayuan, Nakikiramdam at nag-aabang sa aking pag-gising.

Masama ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa malapit na silya. Nakasuot ito ng itim na hooded jacket, Nakatago ang kalahati ng mukha sa ilalim ng kaniyang suot na sumbrero.

Nag-uumapaw ang sakit ng aking ulo at halos matibag ang aking pagkakaupo sa puting higaan.

Ilang minuto rin akong namilipit sa sakit mula ng magising ako. Halos magsuka na ako sa sobrang sama ng nararamdaman. Gulat at pangamba ang sumalubong sa akin ng maimulat ko ang aking mga mata at makita ang kulay puting kisame.

Madilim ang buong kwarto at taging tunog lamang ng aparatus ang aking mahihimigan.

"Fucker, Sino kang gago ka?" Mas malakas kong sambit sa naka-upo di kalayuan sa akin.

Ang lalaki ay hindi pa rin natitinag at nanatiling nakayuko. Kinakabahan ako sa taong ito. Mukha itong mamamatay tao na madalas makita sa horror movie.

Kahit halos dumoble ang paningin ay pinilit kong pagmasdan ang buong kwarto. Hindi pamilyar at lalong hindi ko alam kung bakit ako naririto.

Hindi ko maalala ang kung anong ginagawa ko rito. Nasaan si Frior? Si Arjo? Nasaan na silang lahat? Nag-inuman nanaman ba kami at nawalan ako ng malay?

Aba't--- Sinabi ko na sa kanila na huwag na huwag akong dadalhin sa hospital kapag matuluyan nanamang malasing! Mag sisimula nanaman ang pangsesermon ni Tito Admiral kapag malaman niya ito.

'Pagbubuhulin ko silang lima kapag nagkita kaming muli.' Inis na pag-babanta ng aking isip sa mga kaibigan.

Muling nahagip ng aking mga mata ang lalaking nakayuko, Wala pa rin itong imik at nananatiling tahimik.

Naputol ang pasensya ko. Ang lakas ng trip ng mokong na ito ah. Ako pa talaga ang napiling pag-tripan? Huwag niyang sabihin na mas matanda siya dahil kaya ko itong patulugin kahit pa kakagising ko lamang.

"Hoy, Anong ginagawa mo dito? Magnanakaw ka ba? Wala akong pera, Doon ka sa bahay ni Tito ko at limpak limpak ang kayamanan doon." Iritado kong sabi, Doon ito huminga ng malalim.

Bahagya akong nanginig ng makita ang pag-galaw niya. Dinalaw ng takot ang sistema ko. Aba't hindi pwede. Wala pang tatlong segundo ay muli kong nabawi ang pagkagulat at ibinalik ang nakasimangot na mukha.

'Akala mo matatakot mo akong mokong ka?' Pahamon na sabi ng aking isip.

"Mr. Zoe Manuel Frank, Bumalik ka ba sa normal?" Dahan dahang umangat ang kaniyang mukha, Direktang tumingin sa akin.

Para akong tinambol sa ulo, Nagulat ako sa pag-mukukha ng loko. Aba't mukha pa yatang mas bata ng isang taon 'tong isang yan sa kaysa sa akin!

Siguro'y senior high lang ang gagong 'to. Ang lakas ng loob mag punta rito ah.

"A-anong pinagsasabi dyan?" Galit kong bulyaw dito. Kinakabahan dahil baka alam nito ang gawain naming mag-totropa.

'Shit, Isusumbong ba niya kay Tito na kumukupit pa rin ako sa credit card niya? Tangna sinong nag-laglag sa'kin?'

From Zoe, The melted dreams. (BOOK 2)Where stories live. Discover now