Parang biglang lumiwanag ang paligid at tila may mga anghel na kumakanta ng hallelujah.
Isa bang anghel si sir?
O baka isa siyang santo?
Ang bait mo sirT.T
Pogi na, mabait pa. Ang perfect teacher. Waaah!! Mas lalo kitang nagiging crush sir!
Solved na ang assignment problem ko.
“Ulitin mo na lang dito sa classroom ang assignment mo” sabi ni sir.
.
.
.
May bago akong problema. Hindi ko alam ang mga tanong ng assignement. Iniisip ata ni sir na ung alam kung sinagot ko talaga yung assignment ko, alam ko na yung sagot.
Pucha, pano na to?
Bumalik na ako sa upuan ko at kumuha ng papel.
Ay oo nga pala, wala akong papel. Habang nakatalikod si sir, humingi ako ng papel sa kaklase ko.
Ano naman ang ilalagay ko dito? eh hindi ko nga alam ang mga tanong. Huhuhuhu~ akala ko pa naman safe na ako.
“Tapos ka na ba ms. Gaviola?” sabi ni sir.
10 minutes na pala ang nakakalipas, Lucky Clover Gaviola IV-Aquamarine parin lang ang laman ng papel ko.
“Umm. . .” sabi ko.
Wala na akong kawala nito. No choice, sabihin ko na kay sir kaso baka biglang maging devil si sir instead na anghel.
“Di ko po talaga nagawa yung assignment” sabi ko. Ayun, bulungan ang mga classmates.
Tss. As if naman gumagawa kayo ng assignments niyo-___-
Isa pa hindi naman ito ang first time na nangyari. Ilang beses na ako napapagalitan kapag wala akong dalang assignment. Minsan pinapalabas. Minsan naman minaminusan kaya nagiging negative tuloy ang score ko.
Kaso bago to si sir eh kaya di ko matansya kung anong punishment ang pwede nyang ibigay sakin. Sa totoo lang, kinakabahan ako.
Ngumiti ulit si sir.
Teka. . . nakangiti na naman si sir?! Naka-drugs ba si sir? Hindi ngiti ang normal na reaksyon ng teacher kapag sinasabi kong wala akong assignment. Wagas na sermon at kick out sa room ang madalas ng nangyayari- syempre based on experience.
“Atleast you told the truth. For now I’ll let this one slip but next time, I won’t take it easy. Understood, ms. Gaviola?” sabi ni sir.
Nosebleed.
“Yes po sir” sabi ko.
“Name, address, contact number, name of guardian” sabi ni sir.
Ha. . .? ako ba kausap ni sir?
“Po?” sabi ko.
“That was your assignment, gawin mo na” sabi ni sir at pumunta na siya sa harapan at nagturo.
Yun lang yung assignment? Pucha naman! Sana palaginawa ko na! bakit kasi hindi ko man lang tiningnan yung assignment na sinulat ni sir sa board, di sana ako mapapahiya.
Pero grabe sa bait si sir. Mala-santo ang bait. Dapat Saint Nick de Guzman na lang ang pangalan ng school namin.
Paglabas ko ng room, bigla akong tinawag ni sir.
“Ms. Gaviola, I’ll be keeping an eye on you” sabi ni sir at umalis na.
*dug tug dug tug dug tug*
Bakit parang bumilis ang heartbeat ko? di kaya. . . kinilig ako kay sir? Ay lintik hindi pwede Clover! Ang landi mo! Hindi pwede as in NO NO NO!
. . . .
Teka. . . malamang bibilis ang heartbeat ko kasi crush ko si sir. Crush at first sight eh. Edi ok lang to! Sige lang heart tumibok ka lang dyan! Hanggang crush lang naman to eh kaya go lang.
Habang nasa canteen. . .
"Ang bait ni sir Nick noh? Mantakin mo nginitian ka lang nung sinabi mo na wala kang assignment. Kung si Maam Alfaro yan, tatadtarin ka nun ng sermon" sabi ni Pat.
"Oo nga eh, di pa rin ako makapaniwala na teacher natin siya. Tingin mo may girlfriend na yun?" sabi ko.
"Bakit? Mag-aapply ka?" sabi niya.
Pwede.
Syempre joke lang yun.
"Tinatanong ko lang naman" sabi ko.
"Ang gwapo ni sor tapos ang bait pa kaya meron sigurong girlfriend yun" sabi ko.
"Swerte naman ng girlfriend niya" sabi ko.
For the first time in forever, ngayon lang namin napagusapan ang lovelife ng teacher namin.
The next day. . .
"This week you're going to have a groupwork. Importante ang groupwork na to sa grades niyo so work hard. Nakapili narin ako ng leaders niyo" sabi ni sir.
Di na ako nakinig kasi mas mababa pa sa score ko sa exam namin kahapon sa math ang chances na mapili akong leader. Usually kasi top ten ang pinipiling leader.
Eh tapon ako kaya nga nga na lang.
"Group 3, si ms. Gaviola ang leader niyo" sabi ni sir.
O____O
"Po?!" sabi ko sa sobrang gulat.
"Goodluck" sabi ni sir sakin at nagpatuloy sa pagbibigay ng pangalan ng leaders.
Langya naman oh! Hindi ko kayang maging leader!!!
After ng class nung lumabas na ang mga classmates ko, lumapit ako kay sir.
"Sir, di po ako pwede maging leader" sabi ko.
Lakas ng loob ko diba? Eh kasi naman kahit yung nanay ko hindi ako gagawing leader noh.
Isa pa alam naman ng lahat na madalas ang leader lang ang gumagawa ng work.
Dapat leader work na lang ang tinawag nila.
"Bakit mo naman nasabi yan Ms. Gaviola?" sabi ni sir.
Oo nga noh, kelangan ko pala magbigay ng matinong rason.
"Honest answer po sir? Iresponsable po kasi ako sir. Ayoko namang ihatak pababa ang grades ng classmates ko dahil sakin" sabi ko.
Baka awayin pa nila ako. Mga hindi kasi sila sanay sa mababang grade eh.
"You know why I chose you Ms. Gaviola?" sabi ni sir.
"No po sir" sabi ko.
"Kasi I believe that you can do it. I hope that you'll believe in yourself as well" sabi ni sir.
Dun sa sinabi niya, parang nawalan ako bigla ng hininga.
Ngayon lang may nagsabi na naniniwala sila sakin.
Sige sir, dahil gwapo at mabait ka- I will not let you down!--Gaya ng sabi ng rexona.
"Sige po sir, I'll try" sabi ko.
"Kaya mo yan Ms. Gaviola" sabi ni sir.
.
.
.
.
Sana ngaT____T
a/n: thank you for reading!:)
YOU ARE READING
Sir! (On hold)
HumorSabi nila lahat daw tinuturo sa eskwelahan pwera nga lang sa pagmamahal. Pero pano kung sa mismong nagtuturo mo natutunan ang magmahal? Estudyante ka- mas masaklap, tamad ka pang estudyante. May patutunguhan ba ang pagmamahal mo sa kanya?
Lesson 3: Assignment part 2
Start from the beginning
