Si mama nakakatakot mambanta. Ano kaya ang nakita ni papa sa kanya? May pagka-warfreak kasi si mama eh.
“Alam mo naman honey na ikaw lang ang babae sa puso ko”
Biglang namula si mama.
“Ikaw talaga honey bolero ka kahit kelan” sabi ni mama, medyo pa-bebe pa ang pagkakasabi niya.
Sweet naman nila. Magkakaroon kaya ako ng relasyon katulad nila? Problemahin ko muna yung paggising ng maaga ko bukas, kelangan ko pa kasing mangopya ng assignment.
The next day, 7:00 am
“WAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!”
*BANG*
Biglang pasok si mama sa pintuan.
“Ano meron?!!” sabi ni mama na may hawak hawak na walis, pang self defense niya ata.
“Late na ako!!” sabi ko.
*pak*
“Buisit ka naman anak, akala ko pa naman kung ano na nangyari!” sabi ni mama.
Aray, nabatukan pa akoT___T
Wala akong time maligo(oo na, yak na pero late na ako! mas importante ang makapagkopya ng assignment kaysa ligo) kaya nagbihis na ako agad, naglagay ng sandamakmak na pabango at kumuha ng tinapay at zooom!
Takbo ako papunta sa jeep at nakaupo naman ako.
Kaso. . . ang sikip at mainit. Katabi ko pa si mr. putik.
Mr. Putik as in amoy putik siya. Kuya naman, kaaga aga sana naghilamos ka naman-___-
Sana di mawala ang powers ng pabango ko sa sobrang init. Pagbaba ko ng jeep- zooom!
Takbo naman papunta sa room!
Please sana wala pa si sir pogi.
Pagpasok ko, wala pa siya. Yes! Hallelujah! Late si sir pogi! Sana everyday syang ganito(oh wag magmalinis, hinihiling niyo rin toh araw araw, absent pa nga ang hiling niyo sa teacher eh)
Punta ako bigla sa pinakaclose ko sa room- si Patricia Portacio, Pat for short. Top ten rin sa classroom namin meaning, matalino siya. ewan ko ba kung bakit di ako nahahawa sa katalinuhan niya eh madalas naman kaming magkasama.
“Pat! Bili! Pakopya ng assignment!” sabi ko sa kanya.
Oh diba? Ganyan ang kaibigan. Wala nang hi o hello, assignment agad ang hanap.
“Ha? Um clover. . .” sabi ni Pat na parang nalilito ata.
Imposible naman na wala siyang assignment.
“Bakit?” sabi ko. o baka naiwan niya assignment niya?
“Ms. Gaviola” biglang may tumawag sa likod ko. pagtalikod ko. . . O__O
“Sir!” medyo napatalon pa ako sa gulat.
Sh*t!!! Huli ako sa akto!
“Nasaan ang assignment mo?” sabi ni sir sakin, poker face lang pero alam ko na galit siya.
Bilis Clover! Mag-isip ka ng palusot!!!
“Umm. . . naiwan ko po” sabi ko.
Ano ba yan, di naman ganun ka-creative yung excuse ko pero sana maniwala si sir.
Marami namang nakakaiwan ng assignment nila, diba?
Pero instead na magalit si sir, ngumiti pa siya.
“It’s alright, naiiwan ko naman rin minsan ang assignments ko nung student pa ako. Iwasan na lang nati na mangyari yun” sabi ni sir.
Tama ba ang narinig ko? Seryoso ba si sir? Oh baka nagde-daydream lang ako?
YOU ARE READING
Sir! (On hold)
HumorSabi nila lahat daw tinuturo sa eskwelahan pwera nga lang sa pagmamahal. Pero pano kung sa mismong nagtuturo mo natutunan ang magmahal? Estudyante ka- mas masaklap, tamad ka pang estudyante. May patutunguhan ba ang pagmamahal mo sa kanya?
Lesson 3: Assignment part 2
Start from the beginning
