Chapter 1 "Mama! Papa!"

5.2K 111 6
                                    

Meet Chimon as Neil photo above.

Chapter 1

"Mama! Papa!"

Neil POV

Si Mama ang taong laging nasa isipan ko kapag gutom ako, kapag nagising ako dahil sa isang masamang panaginip, kapag natatakot ako at lahat lahat na. Sabi nga nila Mama's boy.

Hindi ko man mawari kung ano ang mga pangyayari dahil bata palang ako noon ay malaking epekto na sa akin ang pagkawala ni Mama. Sa tuwing nagugutom ako hinahanap ko siya. Sa tuwing nagigising ako wala siya sa aking tabi, tuwing inaaway ako ng aking mga kalaro walang nagtatanggol sa akin.

Maaga akong naulila kay mama. Limang taong gulang palang ako ng siya ay pumanaw. Kahit na bata palamang ako noon ay ramdam ko na ang sakit. Isang araw nawala nalang siya na parang bula. Sabi ni papa na aksidente si mama at hindi na siya kailanman darating pa dahil nasa langit na siya. Tumatak iyon sa aking isipan.

Paano kaya pumunta sa langit? Pwede ba akong lumipad? Pangarap ko noon makasakay ng eroplano. Para makita man lang si nanay. Miss na miss ko na siya. Kaya minsan naiiyak nalang ako. Tatakbo ako ng napakabilis at sinasalubong ang hangin. Ramdam na ramdam ko ang hangin sa aking buong katawan. Gusto kong lumipad. Pero alam ko. Napaka-imposible.

Si papa? Lagi siyang nasa work ng mga panahong buhay pa si Mama. Uwi, tulog, gising at trabaho. Yan lang ang rotation ni Papa araw araw. Close din naman ako kay Papa eh pero hindi katulad ng kay Mama.

Nang mawala si Mama, lagi ng nasa bahay si papa. At unti-unti nga akong mas lalong napapalapit sa kanya. Pinunan niya ang mga ginagawa ni mama. Nakikipaglaro pa siya sa akin. At unang beses kong maramdaman na masaya din pala na makabonding si Papa. Kahit na wala na si Mama, ramdam ko nun na hindi nagkulang si Papa. Hindi niya pinakita sa akin na nalulungkot siya.

Kaya naman palagay ko unti-unti ay nakabangon kaming dalawa ni Papa sa isang trahedyang magpapabago ng aming buhay...

*********

Isang taon ang lumipas at nagpatuloy ang buhay namin ni Papa na wala si mama.

"Anak. Halika dito." Ani papa.

"Yes pa?" Aniko.

"Anak Happy Birthday!!!" Anito at sabay abot ng regalo sa akin ni Papa.

"Pa. Ano po ito?" Aniko.

"Buksan mo na anak nang makita mo na ang regalo sayo ni papa." Ani papa.

Agad ko naman itong binuksan at nagulat ako sa laman ng kahon.

"PSP!!!!" gulat at masaya kong turing.

"Nagustuhan ba ng anak ko?" Anito.

"Papa I love you po!! Opo naman papa, salamat po." Aniko at sabay ko namang niyakap si Papa at hinalikan sa kanyang pisngi.

Agad ko namang binuksan at sinimulang gamitin ang regalo sa akin ni Papa.

Nakita ko namang masaya si Papa na masaya ako sa ibinigay niya sa aking regalo. Kinuha naman nya ang kanyang telepono at nakita kong parang may kausap siya.

Kitang-kita ko kung paano umabot hanggang tainga ang ngiti ni Papa. Na-aalala ko ang ngiting iyon ni Papa. Huling makita ko ang mga ngiting iyon ay ng nabubuhay pa si Mama. Tuwing naghaharutan or lampungan sila ay ganun siya kung ngumiti.

Hindi ko napansin na nabitawan ko na pala ang nilalaro kong PSP at napatingin naman sa akin si Papa.

Pinulot ko naman ito kaagad at sabay tumakbo sa aking kuwarto.

Saving My Step Brother ( Boyxboy ) Book 3 Kde žijí příběhy. Začni objevovat