Chapter 48: Never

Start from the beginning
                                    

"Wala, I'm perfectly fine. Naabutan ko 'to pagkalabas ko ng office. May police officers na rin dito to investigate what just happened."

"Okay, Umuwi ka na rin para makapagpahinga."

"Yeah, maybe this is just about work o baka napagtripan lang. Ang weird kasi matapos sirain ang sasakyan ko ay nag-iwan pa ng mga cash all over my car. Kaya gusto ko ring malaman kung sino ang may gawa."

"S..sige, basta mag-ingat ka. Take care, Kyle."

"I will and you too. Goodnight. I'll see you tomorrow. Bye."

Huminga ako ng malalim matapos kong maibaba ang tawag. Thank God at ayos lang si Kyle.  Grabe, kung sino man ang may gawa noon.

Nagpunta ako ng kusina para makapaghanda na rin ng hapunan ko. Naisipan kong maghanda nalang ng sandwich o kaya naman burger. Tinakam ako sa ideya na iyon habang inihahanda ang mga gagamitin ko. Halos maglaway ako nang matapos ko ang inihahanda ko. May beef patty, sausages, maraming cheese, sauces pati veggies. Dinala ko iyon sa living room at nagdala na rin ako ng juice. Binuksan ko ang TV habang kumakain. Mangangalahati na ako sa pagkain nang umilaw ang cellphone ko na nasa tabi. Kinuha ko iyon at nakita ko ang isang text galing sa di nakaregister na number. Nang buksan ko iyon ay napakunot ang noo ko sa nilalaman.

"Open the box. It's yours."

Nagtype ako ang messages at tinanong kung sino iyon pero instead na sumagot sa tanong ko ay nakareceived uli ako ng parehong text message. Nakaramdaman ako ng pangingilabot nang maalala ko ang box kanina. Sunod sunod ang parehong text na iyon sa cellphone ko. Napalunok ako habang tumatayo para kunin ang box na naiwan ko sa counter ng kusina. Muli kong tiningnan ang cellphone ko at nakita kong sunod sunod pa rin ang pagdating ng mga messages na iyon. Kinuha ko ang box at dahan dahang hinila ang ribbon. Nang buksan ko iyon ay tumambad sa akin ang isang singsing. Napanganga ako sa nakita ko. May isang maliit na note sa loob.

This suits you better.

Iyon ang nakasulat. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtype ng text sa siraulong nagpadala nito.

"Leave me alone."

Naibaba ko ang cellphone ko sa counter. Napahilamos ako ng mukha. Mukha isa 'to sa mga lalaking gustong manligaw sa akin.

"Hindi ba nila maintindihan na ayoko!"

Namewang ako habang kinakagat ang labi ko sa sobrang inis. Nakita kong umilaw ang cellphone ko. Mukhang nagreply sya.

"Never."

Napahigpit ako ng hawak sa cellphone ko. Seriously? Ang creepy ng ginagawa nyang to. Bumaling ako sa singsing na nakalagay sa loob ng box. Maganda iyon at kung hindi ako nagkakamali ay tunay na diamond ang bato na naroon. Kapag ako nainis ay ibebenta ko talaga 'to. Muling tumunog ang cellphone ko. Nang iangat ko iyon para tingnan ay galing naman sa ibang numero na mukhang sa landline.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now