CHAPTER 1

24 4 0
                                    

Joanna Valdez's P.O.V.

"Please, dont see
Just a boy caught up the
dreams and fantasy~"

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko, it's alreay 6:00 am. Bumangon na ako at naligo pagkatapos nagbihis at nag-ayos para sa pagpasok sa school.

Ako nga pala si Joanna Axel Shan Valdez, 16 years old at fourth year high school, nag-aaral sa isang, hmmm sabihin na nating medyo sikat? kase madaming nag-aaral na mayayaman doon at minsan may makikita ka pang mga artista, yun ay ang 'Laurassia Academy'.

Lumabas na ako ng kwarto ko at sumalubong sa'kin ang napakaganda kong pinsan na si ate Yaiza Alex Shane Valdez second year college na si ate at mag-18 na din sya ngayong August 03.

Close na close kame, kase wala din syang kapatid kagaya ko, kaya ang turingan namin sa isa't-isa ay magkapatid.

Magkapatid ang Daddy ko at Daddy nya kaya magkagaya kami ng apelyido. 'Yun ang sabi nila.

"Good morning!" nakangiti at masiglang bati nito sa'kin.

"Good morning din. " nakangiti kong sambit sabay lapit sa kanya at humalik sa pisngi nya.

"Tara na sa baba?" aya nya sa'kin. Napansin kong hindi pa sya naka-uniporme kaya naman tinanong ko sya.

"Ate, bat hindi ka pa naka-uniporme?" takang tanong ko.

"Ah yun ba? Maaga pa kase e. 8:00 pa ang pasok ko, kaya mamaya pa ako.

"Ah, ganun ba?" nasabi ko na lang.

"Good morning po!" bati naming dalawa ni ate kila Tito Ace at Tita Yuri.

"Good morning mga ija" nakangiting bati ni Tita, ngumiti at tumango naman si Tito sa'min habang nagpapatuloy pa rin sa pagbabasa ng dyaryo.

Habang kumakain ng agahan, sina ate at tita lang ang nag-uusap. Kagaya ko ay napansin din ni tita na hindi pa naka bihis si ate kaya naman nagpaliwanag na naman sya, haha.

"Mamaya pa po kase ang klase ko Ma~, naman eh kanina tinanong din ako ni Ann." Pagmamaktol ni ate habang nakanguso. Hahaha ang cute nya.

"Hahaha" tawa ni tita. "Sorry naman, hihihi" aniya at nagtuloy-tuloy sa pagkain.

Wala pa sa kalahati ng laman ng plato ko ang nakakain ko ng may bumusina sa labas.

Akmang tatayo pa si tita ng magprisinta na ako.

"Tita, ako na po." Sabi ko. Ngumiti naman sa'kin si tita at tumango.

Tinungo ko ang pintuan at lumabas ng bahay papunta sa gate at laking gulat ko ng makita ko dito si Rill. Prente syan nakatayo sa gilid ng kanyang motor at nakatingin sa'kin.

"Tara na?" Sabi nya.

"Ah, oo. Magpapalam lang ako" sabi ko naman. Tinanguan nya lang ako.

Bumalik ako sa loob ng bahay at kinuha ang gamit ko at saka nagpaalam.

"Tito," sabi ko at lumapit sa kanya saka nagmano at ginawa ko rin kay tita. "Tita, ate aalis na po ako." Paalam ko sa kanila.

"Sige ingat ka ija. " sabi ni tito.

"Thanks po tito." Nakangiting sabi ko habang naglalakad na papuntang pinto palabas sa dining room.

"Ingat ka Ann." sabi ni tita.

"Kita na lang tayo mamaya Ann."sabi naman ni ate.

"Sige po, mauna na po ako." sabi ko at lumabas na sa bahay.

"Hindi ka ba nangangalay?" Tanong ko sa kanya, kase naman yung pwesto nya kanina, pwesto nya pa rin ngayon.

"Nangangalay syempre, ang tagal mo kaya." masungit na sabi nito.

"Ang sungit." nakangusong bulong ko sa sarili ko.

"Oh." Inabot nya sa'kin yung extrang  helmet nya. Ang sungit nito, may mens siguro, hehe.

"Aissttt, bakit ba ang tagal mo?" Inis na tanong nito.

"Teka lang, di pwedeng maghintay? Hindi ko kase maikabit, andami kong hawak-hawak na gamit." Maktol ko dito. Lumapit sa'kin si Rill.

'wahhh'

Ang lapit nya sa'kin. Nagulat na alang ako ng may biglang nag-click, lock pala ng helmet kase kinabit nya sa'kin. Matapos ang ginawa nya ay iniiwas ko ang tingin sa kanya, pariramdan ko kase ang pula na ng pisngi ko.

Sumakay na sya sa motor nya at umangkas naman ako, inipit ko sa gitna namin yung mga dala kong gamit tsaka humawak sa hawakan sa likod ng motor nya.

Kahit ang tagal tagal na nya akong inaangkas sa motor nya, hindi ko sya magawang yakapin, nahihiya kase ako sa kanya.

Siguro 3 years na nya akong hinahatid sundo, pero nahihiya talaga ako sa kanya lalo na't babae ako at lalaki pa rin sya. Simula kase nung nagkaroon sya ng motor ako lang ang inaangkas nya. Ewan ko pero kinikilig ako, hihihi.

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa parking lot ng school. Nagulat ako ng bigla nya akong hawakan sa bewang at inakay pababa ng motor nya kaya naman napasandal ako sa dibdib nya.

"Tara na." sabi ni Rill at tsaka sinabayan ako sa paglalakad.

"Sige." Sabi ko tapos inayos ang gamit at salamin ko.

Habang naglalakad kami hindi talaga maiiwasan ang mga inggitera. Tss.

"Sabay na naman ba silang pumasok?"

"Oo, palagi naman eh."

"Nerd na akala mo maganda." Hays.

"Nakakainis sya, hindi naman maganda."

Inis akong tumigil at humarap sa kanya.

"Bakit maganda ka ba?" inis na tanong ko dito.

"Oo, maganda ako." proud na sabi nito. Tumawa ako ng pilit.

"Ikaw? Maganda? Saang banda? Bakit parang di ko nakikita? Alam mo kung wala kang magawa pumunta ka na lang sa elementary." mahabang sabi ko sa kanya.

"At bakit naman ako pupunta sa elementary?" mataray na tanong nito sa'kin.

"Baka sakaling matuwa sila sa'yo kase mukha ka ng clown, mukha ka pang make-up na tinubuan ng mukha." Nang-iinis na sabi ko sa kanya. Haha, mukha namang effective. Umusok na yung malalaking butas ng ilong nya, pfft.

"Tigilan nyo na sya." Sabi ni Rill na halatang naiinis na din. Naglakad ito patungo sa'kin at hinawakan ang kamay ko at bahagyang hinila palayo doon.

Sumama naman ako sa kanya at nagtungo na sa room namin.

Umupo naman ako sa pinakahuling upuan katabi ang bintana sa kanan at sa kaliwa naman ay si Rill.

Natahimik na lang ako ng pumasok na si Miss Leona Jeon. Ang ganda ganda ng ngiti nito. Siguro naka-score na naman ito kay Sir Rem Labong, hehe. Crush na crush nya kase si Sir at ang alam ko nililigawan na ito ni Sir.

Anyways, natapos ang pagtuturo ni Miss ng tumunog ang bell. Nagtuloy-tuloy lang ang klase namin hanggan sa mag-lunch na kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Dating His BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon