PROLOUGE

48 5 0
                                    

Nandito pa rin ako sa room namin kahit uwian na, inaayos ko pa kase yung mga gamit ko. Naglalakad na ako papuntang pintuan ng may humigit sa braso ko at kinaladkad ako papunta sa likod ng building.

Ang bilis maglakad ng taong ito, hinihingal na ako eh. Sinilip ko ang braso ko at inangat ang paningin sa taong may hawak nito, laking gulat ko ng makita kung sino yun.

"Aray," mahinang sabi ko ng bigla nya akong isinandal sa pader. Doble yung masakit sa'kin, yung braso ko na namumula na at tsaka yung likod ko na tumama sa pader.

"Stop going out with him." malumanay na sabi? o utos nya sa'kin.

"Huh?" Nasabi ko na lang, dahil hindi ko alam ang sinasabi nya.

"H'wag ka nang lumabas kasama sya. Hindi mo ba yun maintindihan?" iritado nang sabi nito.

"Bakit naman?" Tanong ko nang ma-gets ko kung sino yung tinutukoy nya.

"Dahil ayoko," aniya at tsaka inilapit ang mukha nya sa mukha ko. "at dahil akin ka lang." dagdag nito at tsaka umayos ng tayo at tinitigan ako.

"Ano?" hindi makapaniwalang tanong ko ngunit nginisian nya lang ako at naglakad palayo.

I'm Dating His BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon