Chapter 12 ----------->>> "D.M.K"

8.5K 147 15
                                    

* J E A L O U S A N D A N G E R N E S S *

She was smiling, she was laughing! Sh*t!. Ni hindi nito napansin na dinaanan na pala ang kotse niya.!

She looked happy. She looked happy with that bastard.

Malakas na busina mula sa mga kotse ng nasa likuran ni Ice ang nagbalik sa kanya sa kasalukuyan. Kanina pa pala naging green ang ilaw pinaharurot niya ang kotse.

******************************************************************

"Do it again. It's not good enough!" Hinampas ni Ice ang lyrics sheet sa mixing console sa control room. Sa kanilang bahagi ng salamin sa live room, kung saan tumutugtog ang banda, nagkatinginan ang mga myembro sa isa't isa. Buong araw na nilang nire-record ang isang kanta at hanggang ngayon ay hindi pa nila matatapos dahil pinapaulit-ulit ito ng binata.

Bilang composer at record producer, isa Sa mga major roles ni Ice ang mag-coach at mag-guide sa mga musicians at ikontrol ang mga recording sessions. Lahat ng albums at kanta na na-produce niya ay hit sa charts at sa sales kaya naman very valuable asset siya ng recording company nila.

But more than that, gustong-gusto siya ng mga na katrabaho niyang musicians at singers dahil he was very tact at very positive sa pag-criticize at alam na alam niya kung paano ang tamang paraan ng pagkasabi ng mga criticisms upang ma-improve ang pagre-record. Subalit nang araw na yun, iba ang kaso.

Very mean ang mga remarks niya at wala na niyang nakita ng tama sa ginagawa ng mga musicians. Pati nga ang mga taong nasa control room ay hindi nakaiwas sa maanghang niyang puna. Ang totoo, kanina pa nagtitimpi ang mga miyembro ng banda sa kanya. Kung hindi lang siya kilala ng mga ito at alam na hindi naman talaga ganito ang ugali niya, baka kanina pa siya pinatulan ng mga ito.

"Ice, I think you need a break." Tinapik ni Edmund sa balikat si Ice.

"Bakit mukha na ba akong pagod.?"

Gustong mapabuntong hininga ng CEO ng recording company. Mga artist Talaga, oh, ang daming topak! Naisip niya.

Hindi niya pinatulan Ang sharp answer ni Ice, sa halip ay nanatili siyang kalmado. Kagaya ng ibang tao sa loob ng recording studio na iyon, kilala niya si Ice at alam niyang hindi naman talagang ganito ang normal na ugali ng mestizo na binata.

"Take a break. It's an order; boss mo ko, remember? Come on, Ice, you know you need it." For a moment, akala ni Edmund magwawala ang binata at magiging smart aleck sa kanya at sasabihing kung ayaw niya Sa ginagawa nito ay maghanap na siya ng bagong record producer. Kapag nagkataon ay malaking problema iyon. Ice was the best music producer and composer around at wala siyang balak na napunta ito sa ibang record company. Nakahinga siya nang maluwag nang mapalis ang mukha nito at makita na napabuntong-hininga.

" You're right, siguro nga kailangan ko ng break." Bumaling ito Sa salamin ng live room at tumingin sa banda. Tahimik na naka tingin ang mga ito sa kanila ni Edmund. Pinindot nito ang button ng microphone para narinig ito ng grupo.

"Let's call this a day. I'm really sorry kung masama ang ugali ko ngayon. Pangako, okay na ako bukas."

Binalingan ni Ice ang mga employees sa control room.

"Guys, thanks for bearing with me,pasensya na." That said, he left the room.

*****************************************************************"

Pag dating sa unit niya, ibinagsak ni Ice ang katawan sa malambot na sofa saka tonakpan ang mukha ng kanyang braso.

Ito na ang pinakamasamang recording session niya mula nang maging recording producer siya. He was never like this. He may be childish and arrogant pero very professional siya. Kahit anong problema niya ay hindi niya hinahayaang maapektuhan iyon Ang trabaho niya.

Ngayon araw na ito, however, hindi niya talaga mapigilan ang palabas ng inis at galit niya.

Pauli-ulit naglaro sa isip niya ang eksena sa pedestrian lane kanina. River smiling tenderly at Dave, River laughing with Dave, River touching Dave lightly on the arm.

Sh*t!

Nahalbot niya ang vase na nakapatong sa side table at marahas na ibinato iyon sa dingding. The vase made a violent sound when it crashed on the wall, pero mas bayolente pa rin ang nararamdaman niya. He covered his face in his hands.

He was seething with rage. Is this jealous?

Na sabunutan niya ang buhok. Sa pagkakaalala niya, Hindi pa niya nararamdaman ang ganitong rmosyon kahit kailan, hindi pa niya nararamdaman na parang namimilipit ang sikmura niya sa galit lang sa may kasama ng lalaki ang taong gusto niya. Never noong may gusto siya kay Peachy, never noong nobya pa niya si River.

Kay Peachy noon, kahit marami siyang napapansin na mga lalaking tumitingin dito dahil maganda, he was never really felt this way. Kay River naman , well, marami rin umaaligid dito, pero never siyang nagselos dahil secure na secure ang pagtingin nito sa kanya. He knew that she would never look at any other man, there was no reason to be jealous, because he can never lose River, pero ngayon....

"Sh*t" he groaned.Pero ngayon I lost her, damn it!

Nasuntok niya ang sofa. Maya-maya ay napasandal siya sa backrest ng upuan at ilang segundong napatitig sa kisame.

Yes, I really lost her. He swallowed hard.

Dapat, hindi siya nakakaramdam ng Ganito. He should feel anger, hatred, repulsion, anything negative about River, but....damn it! He should not feel jealousy! He should not feel tortured or miserable not having her with him.

Hindi pwede, dahil hindi niya ito dapat patawarin sa mga ginawa nito. She doesn't deserve that.

Cursing, tumayo siya mula sa sofa at hinalbot ang car keys na inilagay niya kanina sa center table saka tinungo ang pinto upang lumabas ng unit.

*****************************************************************

A/N: Where do you think he would go? Mapride pa kasi si Ice !

They naka update na naman guys!! Medyo sinisipag dalawa pi kasi ang on-going series ko eh.!!

Vomments!!!! And suggestions are accepted. I love comments I can really appreciate it if you'll give me that anyway thank you very much for reading my story! :)

@GeeEmHeart

"Dahil Mahal Kita..."(SPG) [COMPLETE]Where stories live. Discover now