Chapter 7 ----------->>> "D.M.K"

7.5K 128 18
                                    


A/N: Annyeonghaseyo readers done editing :) Enjoy reading.

____________________________________________________________________________

C H A P T E R 7 " D A H I L   M A H A L  K  I T A "

     Blangko ang tingin ni River habang nakatutok ang mga mata sa kawalan. Kasalukuyan siyang nakahiga sa kama sa bago niyang kwarto sa bahay ni Ice. Nang ma-annul ang marriage ng mga magulang niya, Ice's parent's insisted Na tumira na siya sa bahay ng mga ito. Hindi naman tumutol ang kanyang mga magulang at ipinangakong tutustusan pa rin siya ng mga ito lalo na ang kanyang pag-aaral.

Bastards, mura niya sa isip.

    Pero Wala na siyang karapatang sabihin iyon ngayon. Pare-pareho lang sila selfish, ruthless and evil, sariling interes ang inuuna kahit masaktan o masira ang iba.

   Pinangangalagaan lang ng mga magulang niya ang interes ng mga ito, malas lang niya at mukhang pabigat siya at di nakakatulong sa paglago noon, kagaya na lang ng pagiging pabigat at hadlang ni Peachy sa interes niya.

This is how the world works.

River closed her eyes.

    Yes, ganito ang mundo; be strong and thrive, be weak and you'll perish. Eat or you'll be eaten.

   Wala siyang dapat pagsisihan. She can't afford to regret it. She won't.

   Tumayo siya lumapit sa dresser. Binuksan niya ang drawer at kinuha ang dalawang sulat Na nakatago do on. This morning bago pumunta sa school, dumating ang kartero at siya ang nakatanggap ng mga sulat. Her heart almost stopped beating nang makita niyang may dalawang sulat galing kay Peachy para sa kanya at kay Ice.

    Kinuha niya ang lighter na nakatago rin sa drawer; Para yun sa pagsindi ng mga kanila sa munting altar. Lumabas siya ng silid at tinungo ang likod bahay upang hanapin ang malaking parang ginagamit sa pagsunog ng mga tuyong dahon. Sinindihan niya ang dalawang sulat na galing kay Peachy at ihinagis sa lata. Pinanuod niya hanggang sa tuluyang masunog. Bago iwan iyon ay binuhusan muna niya ng tubig ang usok.

Bumalik siya sa silid at muling humiga sa kama saka tumitig sa kisame.

Hindi ko to pagsisihan, she told herself.

    "Anong ibig mong sabihin na wala na siya sa school? Shit! Anong nangyari? San siya nagpunta? Bakit hindi mo ko tinawagan?" Ice was furious. Hindi ito makapaniwala sa mga nangyari. Pagdating nito galing ng Baguio nang hapon iyon, Si Peachy kaagad ang gustong puntahan nito. Nabigla ito nang malaman mula kay River na wala na ang babae sa dati nitong bahay at nag-drop out na rin ito sa school.

" Her father believed it was best to get her out of the school and to have her start somewhere else. Masyado ng maraming pangit na nangyari sa kanya dito." Kabaligtaran ng kababata, River was very calm.

"Anong maraming pangit na nangyari?Tungkol ba sa pagbu-bully sa kanya? Di ba natigil na yun when you made friends with her?" He demanded.

"She was locked in the storage room the whole night nung prom. She's claustrophobic kaya she had a quite a mental breakdown dahil sa trauma."

"She what?" His hazel eyes were filled with emotions River dared not identify. It was concern, deep worry, anger and shock, all dahil nasaktan si Peachy. He clenched his fist then started running out the house.

"San ka pupunta?" She hated the desperation in her voice.

"Kay Peachy, magtatanong ako sa mga kapitbahay nila kung alam nila kung san siya lumipat."

"Bakit pa? She doesn't like you!" God, she was horrible! Pero hindi na niya puwedeng bawiin ang nasabi na, naihanda na niya ang sariling masunog sa kasalanan.

Natigilan ito.

"After you left, sinabi niya sa akin na she can't accept your confession. Ikaw daw ang unang lalaki na nagbigay sa kanya ng attention kaya naman natutuwa siya, pero sinabi rin niyang she doesn't see you that way. Hindi niya lang nasabi sayo dahil she feels indebted to you."River watched Ice's profile hardened, pero patuloy itong sinaktan sa kanyang kasinungalingan.

" If you look her now when she's unstable, you just might put pressure on her, that's not good for her."

   Umiwas ito ng tingin sa kanya at sa unang pagkakataon simula nang makilala niya ito, naramdaman ni River that Ice was shutting her out of himself. It scared her.

       Nilapitan niya ito at lamang hahawakan, pero mabilis itong umiwas na para bang masusunog ito kapag hinawakan niya. Pakiramdam niya ay sinampal siya nito.

      Still shocked, wala siyang nagawa kundi panuorin lang ang lalaki na mahinahong umakyat sa hagdanan patungi sa kwarto nito.Nakulong ito hanggang umaga. Nang lumabas ito, alam niyang hindi na ito Ang Ice na nakilala niya.

He was smiling, teasing, and laughing again like his normal self. Pero Hindi nito pwedeng lokohin si River. He acted too normally that she knew it was not normal.

Lahat ng ito ay kasalanan niya.

*******************************************************************"

A/N: HI READERS! I hope you would like this chapter !? Haha well kung type nyo then VOMMENT!!!

@GeeEmHeart♥♥♥

"Dahil Mahal Kita..."(SPG) [COMPLETE]Where stories live. Discover now