Chapter 31

7.5K 231 15
                                    

Chapter 31

MONICA

Ilang araw na sa hospital si Marco. Hindi nila ako hinayaan na makita siya kasi hindi daw nila alam kung ano ba ang magiging reaction ni Marco. Sinabi naman ni Tito at Tita na hindi naman sila galit sa akin. Yung mga bagay na malabo daw sa amin ni Marco ay kami ang umayos.  Kaya binigay nila ang susi ng condo unit ni Marco sa akin. Ako daw bahalang mag ayos ng kwarto namin ni Lucas. Ako ang bahalang mag alaga kay Marco habang hindi pa siya makakalakad at habang nakabenda pa din ang kamay nito. Malapit na daw lumabas din sa hospital si Marco. Nagpapasalamat na lang ako na halos nabugbog lang katawan niya. Walang major injury talaga. Ayun nga lang alagain kasi yung isa niyang paa nakacast at yung dalawang kamay nga daw ay may benda.



"Ano kayang magiging reaction ng Daddy mo pag nakita ka?"




Andito kami sa isang room na nilaan ng magulang ni Marco para makapaglaro ang anak ko. Malaki naman kasi ang unit  ni Marco. Tatlo ang kwarto. Yung pinakamalaki ay yung silid nito. Ilang beses na nga ba akong nakapunta dito dati? Yung isang room ang ginawa kong tulugan naming dalawa ng anak ko. Buti malayo yun sa kwarto ni Marco kaya hindi naman siguro niya agad makikita si Lucas. Pero sabagay hindi pa naman siya makakalakad talaga. Ilang araw pa lang halos kaming tumitigil dito nang bisitahin kami ni Tito Mark Ethan. May mga kasama ito na mag aayos ng isa pang silid para palaruan  ni Lucas. Halos punuin niya ng laruan iyon. Parang nakikinita ko na magiging spoiled ang anak ko sa Lolo niya. Masaya ako sa anak ko kasi sa wakas nakakilala na siya ng ibang pamilya bukod sa akin. Kahit kasi sa magulang ko hindi nila alam na nagkaanak ako. Baka kasi kung anong marinig ko, matagal na nila akong pinapasunod sa kanila kasi maayos naman na daw buhay nila doon pero mas pinili ko na magpaiwan. Tapos ano na lang ang iisipin nila na nabuntis ako na hindi kasal? o buntis ako pero hindi ko kasama ang ama ng anak ko. Ang daming conflicts. Kaya mas pinili ko na ilihim ang anak.


"'Ma.. ma."

Binigay niya sa akin yung isang laruan. Mukhang kailangan ko munang makipaglaro sa kanya para mamaya papatulugin ko na siya.




"Dad..dy."




Bigkas ko. Hindi pa naman huli para matutunan niya yung salitang yun.  Pero hindi nagsalita si Lucas, kahit anong pilit ko hindi man lang ito nagtry para sabihin yung salitang sinabi ko. Natatakot ako na excited sa paghaharap ng mag ama. Nakakatakot yung galit ni Marco pag dumating ang araw na yun. Pero alam ko matutuwa ako para sa anak ko kasi makikilala na niya ang ama niya.


Lumayo ako dati na hindi alam talaga kung para saan. Kung masyado lang ba akong naguluhan sa sitwasyon. Hindi ko alam kung magkakaayos pa kami ni Marco. Naiintindihan ko naman kung hindi na niya ako matatanggap. Kung si Lucas lang yung magiging dahilan kung bakit kailangan  niya akong pagtiyagaan. Wala akong inaasahan sa kung ano man sa amin ni  Marco. Ako ang umalis dati. Wala akong karapatang magdemand ng kahit ano kay Marco.



MARCO

Ilang araw nga ba ako sa hospital? Pasalamat na nga lang ako at isang paa ko lang napuruhan. Sa ilang araw na yun umasa ako na dadalaw siya sa akin. Imposible naman na hindi niya nalaman yun, na naaksidente ako. Imposible naman na hindi yun masasabi ni Neon. Kaso si Neon lang lagi ang nakikita ko, hindi siya kasama. Hindi ko binibigyan ng pagkakataon si Neon na makausap ako. Kahit sa tingin ko parang gusto niyang magpaliwanag. Lagi kong iniiba ang  usapan namin. Masakit na ang buo kong katawan. Ayaw ko na pati puso ko masaktan pa dahil sa mga paliwanag niya.



"Mom, bakit papunta ito sa unit ko? Sinong mag aalaga sa akin doon?"

Alam ko na alagain talaga ako dahil sa mga natamo ko. Yung dalawang kamay ko nakabenda, yung isang paa ko nakasemento. Kaya dapat sa  bahay ako. Andun si Mommy para alagaan ako o si Daddy para alalayan ako.




"Mom, mag isa lang ako sa condo. Ayaw kong magpaalaga sa ibang tao."


"Mas maganda na sa condo ka muna. Si Daddy mo ang bahala muna ulit sa company. Kaya hindi din kita maaasikaso."



" Grabe Mom, hindi naman ako imbalido talaga. hindi naman oras oras aalagaan mo ako. Hindi mo ba ako mahal?"

"Ang drama mo, Marco."

"Sabagay wala naman talagang nagmamahal sa akin."

Hindi na nagsalita si Mommy. Ako pumikit na lang din. Kaso hindi ko namalayan na nakatulog din ako kasi pagising ko nasa loob na ako ng silid ko.



"Mommy"


Pero mahina ata pagkakasabi ko kasi ilang minuto na wala pa din si Mommy. Mukhang papabayaan ata akong mag isa. Siguro para masanay na din talaga akong mag isa. Pinilit kong umupo. Hindi naman pwede na nakahiga lang ako. Buti malapit lang ang wheel chair sa may kama. Pero mahirap pa din sa akin na lumipat dun. Buti sana kung mahahawakan ko ng ayos ang wheel chair kaso masakit pa din ang mga kamay ko. Pero pinilit ko pa din. Kaso bago pa man ako tuluyan na makatayo ay nagulat na lang ako sa sigaw mula sa isang taong hindi ko inaasahan.


"Marco! Ano bang ginagawa mo?Baka mahulog ka!"



"Matagal na naman akong nahulog."


Seryosong sabi ko. Ito pala ang plano ng aking ina.


"Ano ba ang ginagawa mo dito Monica?"



Inalalayan niya ako na humiga ulit. Parang hindi man lang ito natinag sa pagkaseryoso ng boses ko.



"Ako yung mag aalaga sa'yo. Sabi ni Tito at Tita."



"Pinagbibigyan mo lang ang magulang ko kaya andito ka? Paano pag hindi ko na kailangan nang mag aalaga? Iiwan mo ba ako ulit katulad ng dati?"



Dapat talaga magalit ako sa kanya. Pero ang tangi kong nagawa ay magpakahinahon at sumeryoso lang. Takot ba ako? Takot nga ba ako na baka nga lumayo pag nagpakita na naman ako ng galit?



"Hindi ko din alam Marco. Naguguluhan pa ako. Ang malinaw lang talaga sa akin ay ang alagaan ka."




Pumikit na ako. Kung aalagaan niya ako hanggang sa maging maayos ako? Pwede kayang humiling na sana hindi  na ako gumaling?


_casper_

Love Drunk (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon