Chapter 6

17.2K 394 10
                                    








Nung humiga siya sa tabi ko hindi pa din ako makapaniwala na nangyari yun. Unang gabi pa lang namin na magkasama bumigay na agad ako. Pinagkanulo ng aking katawan at puso. Pero hindi naman ako nagsisisi na nangyari yun. Oo medyo masakit pa din ang bahaging yun ng katawan ko pero para sa isang lasing na gumawa nun hindi ko naman naramdaman na napwersa ako. Lahat ng expectation ko para sa pangyayaring yun eh nalampasan naman ni Marco. Ayun nga lang ganap siguro ang kaligayahan na mararamdaman ko kung parehas kaming nasa katinuan. Kung parehas kami ng nararamdaman.






Gusto ko sanang sulitin ang oras na ganito. Na yakap yakap niya ako at parehas kaming walang saplot. Kaso lasing nga siya. Paano kung hindi niya matandaan? Paaano kung kinabukasan bigla bigla na lang siyang sumigaw ng "Rape"? Kasi sabi nga niya dati, nung matino siya, walang mangyayari sa amin unless hahalayin ko siya. Kaya kahit medyo masakit pa din ang katawan ko dali dali agad akong tumayo. Binuksan ang ilaw at naghanap ng itatakip sa kahubdan ko. Saka ko binalingan si Marco. Na medyo nagulat ako. Hindi pala medyo lang,gulat na gulat pala ako. Kasi nakatihaya siya. Sa pagmamadali ko siguro naalis ko yung kumot sa ibabaw niya.





Mukhang handang handa pang lumaban yung sa kanya. Hindi na ako magtataka kung nasaktan ako ng sobra ng mag isa ang katawan namin. Kaya pala. Para akong nagmamasid sa isang likhang sining. Perpekto ang pagkakalilok. Ilang beses akong napalunok dahil sa tanawing yun. Kung pwede nga lang na hanggang ganyan na lang ang ayos niya  hanggang kinabukasan. At ako kahit nakatayo lang din habang nakatitig sa kanya. Kaso may mga ebidensiyang kailangang iligpit. Buti na lang sa kumot lang nag mantsa yung katibayan na wala na yung matagal kong iningatan, madali lang palitan. Kaya inalis ko yun. Itatawag ko na lang maya para papalitan. Kinuha ko din yung hinubad ni Marco, kahit sobrang mahirap na bihisan siya kasi baka mapadikit o mapahawak ako sa kanyang pagkakalalaki. Baka hindi ko mapigilan, baka hindi ko alam ang magawa ko. Babae lang ako. Marupok. Naging matagumpay naman ako na bihisan siya. Kaya sarili ko naman ang nilinis ko. Buti na lang walang mga marka siyang iniwan na makikita agad. Yung mga namumulang bahagi ng katawan ko ay halos sa dibdib lang pababa. At habang binabalikan ko kung paano ang pagpapakasasa na ginawa niya dun parang bigla akong nakaramdam ng uhaw. Ang init lang.










"Good Morning!"







Nakangiting bungad sa akin ni Marco. Tumabi din naman ako sa kanya kanina matapos kong ayusin ang sarili ko. At dahil din sa pagod at epekto ng alak mabilis na din akong nakatulog.







"Pasensya na kagabi.."







"Pasensya para saan?"





Medyo kinabahan ako sa sinabi niya? Pasensya? Nanghihingi siya ng pasensya siya sa nangyari? Yung tipong hindi niya sinasadya. Yung tipong pwede kong isagot na "Ok lang. Ano ba naman yung virginity na nawala?"








"Pasensya kasi nalasing ako. Na nahirapan ka pa atang dalhin ako dito."









"Ayun ba? Ok lang. Nagpatulong naman ako sa  tao sa bar"









"Hayaan mo mamaya pag nag inum tayo ulit hindi na ako malalasing. Nakakahiya na mas malakas ka pang uminum sa akin"









"Mag iinum ulit tayo maya?"






At mangyayari ulit yung kagabi? Ganun ba yun Marco? Paglasing ka lang pwede akong maging bahagi ng buhay mo. Paglasing ka lang pwedeng maging tayo? Saan ba nakakabili ng alak? Yung walang ubos.







Love Drunk (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon