Chapter Twenty-seven

Start from the beginning
                                    

 

Hindi naman siya nahirapan sa pagpili ng kulay para sa kuya dahil parehas sila ng gusto ang maraming bagay. Natutuwa rin siya dahil hindi niya man hilingin lalo na sa school ay binibigyan siya nito ng paboritong chocolate.

 

“Promise. Hinding-hindi ako maglalakbay sa malayo dahil maglakbay man ako ay nasa harapan ko na ang hinahanap kong prinsesa.”

 

Tumingin lang siya sa kanyang kuya na nakatingin lang sa bracelet na ginawa niya para rito. Tumataba ang kanyang puso tuwing iisipin na hindi siya nito iiwan hanggang pagtanda nila. Na naririyan lang ang kanyang kuya na ipagtatanggol siya.

 

“Shana.” Sabay silang lumingon at nakita nila doon ang nanay ng batang babae.

 

“Tita.” Mahinang banggit ng kanyang kuya.

 

“Paano ba ‘yan aalis na muna kami, Liam. Pwede ko na bang kunin si Shana?”

 

"Si Tita naman."

 

"Sige na aalis na muna kami. Ibabalik ko rin si Shana sa iyo next week." Pumunta ang batang babae sa kanyang ina at kumapit sa kamay nito.

 

"Ingat po kayo." Nagkasalubong ang kanilang tingin.

 

 "Salamat. Oh, Shana paalam ka na kay Kuya mo." Wika nang kanyan ina sa kanya. Nalulungkot siya dahil mawawalay na naman sila sa isa’t isa, pero sa pagkakataon na ito ay ayaw niya nang umalis lalo na’t natatakot siyang baka makahanap na ito ng panibagong prinsesa bukod sa kanya.

 

"Kuya hanggang sa muli, paalam.”

Nasapo ko ang aking dibdib at umupo. Anong klaseng panaginip ba iyon at pinagpapawisan ako ng malamig ngayon. Madilim ang lugar at ako lang ang mag-isa ngayon sa aking kwarto. Halo-halo ang nararamdam. Natatakot, nalulungkot at kinakabahan. Sino-sino ang mga iyon at bakit ganoong klaseng panaginip ang pumasok?

Pinilit ko na lang na ipikit ang aking mga mata at bumuo ulit ng panibagong tulog. Siguro ay wala lang iyon, mga panaginip na namang nagpapagulo sa akin. At sa bawat panaginip na iyon ay nadadagdagan ng mga tauhan. Ngunit iba ang panaginip na iyon, nagkakaroon na ito ng mukha, hindi katulad ng dati ay madilim.

Tinanghali ako ng gising kaya naman ay na-late ako sa usapan naming apat. Bukod doon ay hindi ko na napagluto ng agahan si Liam. At aniya’y sa opisina na lang ito kakain. Hindi naman ito nagalit, at sabay pa kaming umalis sa rest house.

Nakahalukipkip ang tatlo nang aking abutan sa entrance ng Resort.

“Sorry, natagalan.” Nahihiya kong pahayag sa mga ito.

“May ginawa na naman kayong kababalaghan ni Sir Liam, ano?” Usisang tanong ni Diane sa akin.

Mabilis naman akong umiling sa kanyang tanong.

I'm His Private DancerWhere stories live. Discover now