/20/

1.7K 18 0
                                    

Marupok....

Wearing my loose fit checkered skater dress and camel gladiator sandals, nilugay ko lang ang buhok ko at sinuot ang isang puting sumbrero bago dumiretso sa kusina kung nasaan naroroon si kuya silver, si eion, si kuya jax, jaxon at jason. Nakita ko silang nakikipagtawanan kala kuya eli when they noticed me.

"kain ka muna bunso bago tayo umalis" kumuha lang ako ng toasted bread at dinala yun sa living room at nanuod muna ako ng kung ano ano bago kami nila kuya umalis, pupunta kasi kami sa lim ket kai dahil may imemeet daw si kuya silver na client niya dahil isa siyang free lance photographer, and nung nalaman nila kuya jax sumama na sila.

"hoy pilak, chicks ba yung kliyente mo? ganda ng diskarte mong photographer ah" nagtawanan naman silang limang lalaki sa sinabi ni kuya jason kay kuya silver.

"pre kaibigan ko yun pati mga pinsan nun, tsaka meron na akong chicks sa australia" tinukso naman nila si kuya silver pero ako ay nananahimik lang rito sa sulok. Guess who woke up on the wrong side of the bed, right?

Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako at nakita kong ako nalang mag-isa sa kotse, naka-lock lahat ng pinto pero bukas ang aircon at may siwang ang bintana. Nung medyo naayos ko na yung sarili ko ay tsaka lang ako bumaba ng kotse. Naglibot libot muna ako bago ko mahanap sina kuya sa loob ng hap chan kaya naman nagtext ako kay eion na nasa labas ako at sinabing samahan niya muna ako dahil may bibilhin lang ako kaya naman nakita kong tumayo siya mula sa kinauupuan niya at lumabas na.

"what do you want to buy?"

"bibili lang ako ng sapatos pati yung mga karton para sa delivery ni mama ng cakes"

"let's go" paalis na sana kami kaya lang ay natapos na atang makipag usap sila kuya silver doon sa kliyente nila dahil lumabas na din sila ng resto.

"hey eion, girlfriend mo? "

Nakita ko ang isang lalaking medyo pamilyar ang mukha, his devious eyes, those thick brows, the pink lips and his hair and the built of his body, meroon siyang kahawig. Napatingin naman ako doon sa babaeng kasama niya, and the one word to describe her? Gorgeous.

"she's my cousin knoxx, and please tell your brother that she is off limits" so he's knoxx, pero sino yung kapatid na tinutukoy ni eion?

"oh azi's one lucky man ha, talagang magaling pumili ang kapatid kong yun, but i'll tell him to back off kung wala siyang balak pakasalan yung pinsan niyo"

nagpaalam na sila sa isa't isa samantalang ako ay napanganga, kaya naman pala he's familiar! iyun pala ang kuya ni azi at ni claudette! napa-iling nalang ako bago kami dumiretsong magpipinsan sa store ng mga sapatos at bumili ng dalawang sneakers para saakin at bumili din sila ng kanila, pagkatapos ay pumunta kami sa bazaar kung saan meroong mga equipments and ingredients para sa pagbebake and kinuha namin ang order ni mama na 500 boxes for cakes and cupcakes.

"where do you want to eat?" napatingin naman silang lahat saakin at inaabangan ang isasagot ko. spoiled parin talaga ako sakanila.

"sa hap chan nalang" tumango sila at dumiretso na kami doon, habang nag-oorder si kuya jax at kuya jaxon ng kakainin naming lahat, yung tatlo naman ay naghanap ng mauupuan dahil punuan ngayon sa hap chan.

"bunso ikaw nga magdala muna nitong mga gamit" kuya jaxon handed me the boxes he have in his hand at nung nakuha ko na ay tsaka niya kinuha ang dalawang tray at si kuya jax ay ganun din ang ginawa tsaka kami umakyat sa second floor kung nasaan naroroon sina kuya silver dahil punuan na rito sa first floor.

"they're there, let's go"

Naupo agad kami sa lamesang inokupa nila kuya silver ng magulat ako kung sino ang naroroon sa hindi kalayuang table sa hilaga namin, the whole clan of the montefalco again, buti nalang at di kami masyadong halata dito.

My WomanizerWhere stories live. Discover now