/14/

1.8K 19 1
                                    

Scandal.....

Pagkatapos kong patayin ang tawag ay halos tumili ako nung pagtalikod ko ay naroroon si azi na nakatingin saakin ng taimtim. 

"kanina ka pa diyaan?"

"yes, may susundo ba sayo?"

"wala, magcocommu---" i saw his eyes darken and his jaw clenched in anger, i can also see that his eyes scream frustration, pero para saan?

"cocommute? nakita mo bang gabi na?!" imbes na mapaigtad ay napataas ako ng kilay sakanya, ayoko pa naman ng sinisigawan at nagiging emosyonal ako.

"edi magpapasu---"

"no, ako na ang maghahatid sayo" bumalik na siya sa kusina at napangisi nalang ako bago sumunod sakanya. 

Pagkapasok ko sa kusina ay nakita kong naroroon silang lahat at tahimik na pinapanuod si jen habang minamarinate ang porkchop. Dahil nakita kong wala ng upuan ay balak ko nalang na tumayo sa gilid pero nakita ako ni azrael kaya naman ay hinila niya ako at pinaupo sa kandunga niya na siyang nakapagpa-init sa pisngi ko, my friends and even Damon doesn't give a single glance at us pero pakiramdam ko ay mas pupula ang pisngi ko kapag tumingin sila o inasar man lang nila ako. My body was stiff at first pero kalaunan ay nasanay na rin ako sa pag-upo sa kandungan niya at sa init ng katawan niyang ramdam na ramdam ko mula saaking likuran, 

Jen finished marinating and deeping it into flour, eggs, and bread crumbs. She turned on the stove and placed the frying pan there, put a little bit oil and when it is ready, inilagay niya ang porkchop sa kawali ng paitsa dahil tumulo ang kakaunting itlog doon ay tumalsik ang mantika na siyang kinatatakutan pala ni jen ng palihim, 

"i thought you know how to cook?" nagpipigil na tawa ni kara na kaagad namang sinamaan ng tingin ng isa. 

"but i hate frying, masisira yung skin ko!" kaagad niyang kinuha yung hawakan ata ng kaldero para ipangsalag sa mantikang tumatalsik kaya tumayo na ako at lumapit sa pwesto niya at ako na ang nagluto, 

"ok lang aurelia, bisita ka dito"

"nah, ayoko namang masira ang skin mo" nginitian niya lang ako at hinalikan ako sa pisngi, she's really the sweetest among the three. Nakita kong nagpatulong siya kay azrael na may kunin sa gilid at halos masunog ang porkchop na niluluto ko dahil sa nakita kong meron naman palang ibang upuan higit sa kandungan niya. 

You're best at this huh, azrael? After how many minutes ay natapos na ako sa pagpriprito kaya naman yung mga lalaki na ang naghain sa mesa nila jen, ang katabi ko ay si eba at sa dulo ay si kara, sa kabila naman ay si azi, damon at si jen. 

"kainan na!" inabot ni azrael ang kanin kay jen at kara na nasa dulo, sunod kay eba at damon, pagkatapos ay siya na mismo ang naglagay ng kanin sa plato ko, he even handed me the hottest and biggest breaded porkchop even though damon have it first. 

Nagpahinga lang kami saglit bago magpasyang umuwi na, si eba ay sasabay kay damon samantalang ako ay sasabay kay azrael, si kara ay susunduin ng kanyang kapatid mamayang alas otso ng gabi kaya nauna na kami. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang mailang dahil sa nakapaskil na ngiti sa mga labi ng kasama ko.

"anong nginingiti mo diyaan?"

"wala lang, i am just happy, bawal na bang ngumiti ngayon?" inirapan ko na lang siya at tinuon ang atensyon sa magandang tanawin sa labas. Dahil sa pagod ay nakaidlip pala ako habang nasa biyahe, nagising nalang ako ng tinapik ako ng marahan ni azrael. 

"malapit na tayo sa bahay niyo" nakita kong ilang bahay nalang at yung amin na ang susunod kaya dali dali ko siyang pinahinto at kahit nalilito ay sinunod niya ang gusto ko.

My WomanizerWhere stories live. Discover now