/3/

3K 46 0
                                    

Tinamaan....

Isang buwan na ang lumipas at wala namang exciting na pangyayari, bukod sa kilala ko na lahat nung magpipinsan na montefalco at unti unti na kaming bumabawi sa negosyo. My mom started to create a small shop that sells sweets and delicacies. Samantalang si papa naman ay bumili ng tatlong innova sa tulong narin ng iba pa niyang kapatid, he would be a grab driver with my two brothers every MWF nga lang, because yung tuesday and thursday is for their alone time or whatever time and syempre yung weekends ay para saaming pamilya. We will help mom with her business. 

"Naku, sana dumaan rito sina rafael noh? puro si damon nalang nakikita ko these past few weeks"

napa-iling nalang ako sa usapan nina Kara at Jen, they're both my friends, kasama pa si eba na dine-date ni damon, the three of them are whipped by the montefalco boys' charms, pero ako ang naiiba, at sa paglipas ng isang buwan ay madami na ang galit saakin sa dami ng mga nirereject kong famous sa campus na ito, well i'm sorry. No man can tame me, lalo na kung balak nilang lokohin din ako sa dulo. 

"ang lalim nanaman ng iniisip mo friend" napangisi nalang ako dahil ako nanaman ang napansin nitong si kara, tumingin nalang ulit ako sa labas dahil hinihintay ko ang pagpatak ng ulan. 

"ang tagal namang dumating ni Ma'am Loisa, nakakabagot kaya tumunganga!" natawa kaming tatlo dahil kay jen, eh siya lang naman lagi ang nakatunganga kahit may teacher sa harapan, burlogs talaga to. 

Nag-usap lang kami saglit ng biglang pumasok si ma'am loisa at nakangiti saaming lahat, 

"change into your PE uniform now, diretso sa gym!"

lumabas siya after i-announce yung gagawin kaya naman kaming apat ay dali daling pumunta sa locker na nasa likod lang, pagkakuha namin ay dumiretso kami sa cr at doon nagbihis,

"guys sa labas lang ako ah" kahit di nakikita ni eba ay tumango lang ako at inayos ang pagkakasuot ko sa pang-itaas ko, atsaka ako naghilamos at naglagay ng unting powder na dala dala nung dalawa ko pang kasamahan na naglilip tint ngayon, 

"uyy aurelia, try to put some on your lips, mukha kang bampira sa itsura mo" 

"oo nga naman aurelia, hindi ka pa namin nakikitang maglagay ng abubot sa mukha mo"

"oo na maglalagay na" kinuha ko yung liptint na hawak ni jen at naglagay ng kunti sa labi ko, pero di pa doon nagtapos ang kalbaryo ko dahil nilagyan din nila ang pisngi ko na siyang ikinatuwa naman nila ng bongga. 

"ang ganda mo! no wonder bakit lumalapit ang grasya sayo!" tss. mga lalaki ang tinutukoy nila. Grasya sa paningin ng iba pero puno't dulo ng mga nadidisgrasya. hayss.

"lumabas na tayo, kanina pa naghihintay si eba"

nauna silang lumabas at ako ang pinakahuli dahil pumasok ulit ako sa cubicle dahil naiihi ako, narinig kong nagbukas yung pintuan ng cr at may pumasok sa kabilang cubicle, pagkatapos kong tignan ang repleksyon ko sa salamin ay lumabas na ako at nagulat akong nandun si josiah, rafael at azrael na mukhang nagulat din nung lumabas ako. 

"let's go na aurelia, for sure babatukan na tayo ni eba" hinila na ako ni kara kaya naman nagpatianod nalang ako hanggang sa makarating kami sa gym ay di nila ininda ang sama ng tingin ni eba saamin. 

"saan kayo nanggaling?" dedma ang dalawa.

"Ang gwapo talaga nilang lahat kakakilig! they noticed us jen, paano kumalma?!"

napailing nalang ako at napatingin kay eba na nakatingin din saakin kaya naman itinaas ko ang dalawang kamay ko at tumawa,

"umihi lang ako and look at my face eba, tinorture nila!"

My WomanizerWhere stories live. Discover now