Chapter 47: White Gold

Start from the beginning
                                    

"Come on, Let's eat."

Nagslice si Kyle ng cake at inilapit sa bibig ko ng hawak na kutsara. Ngumiti ako at sinubo iyon.

"Hindi naman ako baby para subuan."

"Yes you are, you're my baby. Parang hindi ka naman nasanay."

Ito ang mga bagay na hindi ko alam tungkol kay Kyle noong mga panahon na magkaibigan kami. Kung malambing na sya noon ay mas sumobra ang paglalambing nya ngayon. He's sweet, thoughtful kahit na medyo may pagkapasaway. Kahit ilang beses ko syang ipinagtabuyan noon at sinabi na kaya ko ay hindi nya ako iniwan. Mas pinili nyang manatili sa tabi ko kahit alam nyang wala iyong kasiguraduhan. Sumugal sya para sa aming dalawa.

Magkahawak kamay kaming lumabas ng coffee shop pero may batang bumunggo kay Kyle.

"Ay nako pasensya na masyado kasing makulit ang batang 'to."

Lumapit sa amin ang isang babae na mukhang mommy nung cute na bata. Nakita kasi nya na natapunan ang kamay ni Kyle ng juice na dala dala nito.

"It's okay. Ganyan talaga pagbata."

Nakangiting sabi ni Kyle. Humingi uli ng pasensya yung babae. Hindi naman big deal dahil bata naman iyon at saka aksidente.

"Mauna ka na sa sasakyan, maghuhugas lang ako ng kamay sa loob."

Inabot sa akin ni Kyle ang susi ng sasakyan nya bago sya pumasok uli sa coffee shop. Pinatunog ko ang sasakyan ang binuksan ang pinto. Natigilan ako nang makarinig ako ng kung anong kaluskos. Tiningnan ko kung saan iyon nanggaling. Isang itim na kotse ang bigla pumarada sa kabila at nagmamadaling pumasok doon ang isang lalaking may hawak na kamera.

"Love?"

Napalingon ako at nakita kong nakabalik na si Kyle. Binalik ko ang tingin sa kotse pero nakalayo na ito.

"What's wrong?"

Takang tanong nito na sinundan din ng tingin ang kotse.

"Nothing."

Nagkibit balikat lang ako at pumasok na sa kotse.

Lumipas ang maraming buwan hanggang sa umabot ng tatlong taon. Tuluyan ko ng nakalimutan ang lahat. Maayos na ang buhay ko at masaya na ako. Wala na akong mahihiling pa. Habang nagmamaneho ay hindi ko mapigilang mapangiti sa nakikita kong singsing sa daliri ko. White gold iyon, simple pero napakaelegante. Ang isang bagay na pinangarap ng napakaraming babae. Bahagya akong natawa nang maalala ko kung paano ito ibinigay ni Kyle. Maraming nagtatangkang manligaw at pumorma sa akin pero ngayon ay mayroon na akong maidadahilan.

Kinalimutan ko na ng tuluyan ang tungkol sa condo at sa glass house sa Tagaytay. Sa umpisa palang ay hindi naman talaga iyon akin kahit na sa akin na nakapangalan kaya wala akong karapatan. Wala naman akong natatanggap na kahit anong tawag o notice sa mga inabandona kong property at isa pa hindi na rin ako nagkaroon ng oras para bisitahin iyon, para saan pa?

Wala na rin akong balita sa magkakapatid maging sa mga kabigan nya. Minsan kong nakita si Link sa isang lugar noon. Nagulat ako sa pag-aakalang baka mapansin nya ako pero wala syang naging reaksyon matapos akong makita. Hindi rin ako nagpakita ng kahit anong emosyong magsasabi na magkakilala kami. Siguro ito na rin ang pinakamabuting paraan.

Para akong nahimlay ng pagkatagal-tagal. Na panaginip lang ang lahat, masaya at masakit na panaginip. Nakagawa ako ng sariling mundo sa isipan ko kasama ang ibang tao at ngayon nasira na iyon ay kailangan ko ng bumalik sa totoong mundo ko. Hindi sila totoo, hindi ko sila kilala.

Nakarating ako sa building ng tinutuluyan kong condo unit. Gusto ko ng makauwi para magbabad sa bath tub. Sumasakit kasi ang binti ko dahil na rin sa kakahigh heels. Pumasok ako sa elevator pero bago pa iyon sumara ay may nakita akong lalaki na humahabol. Mabilis kong pinindot ang open para maayos syang makapasok.

"Thanks."

Ngumiti lang ako sa kanya. Akmang pipindutin nya ang floor nang marinig ko syang magsalita.

"Oh, same floor? 21st"

"Yeah."

Hindi naman sa pamilyar ako sa lahat ng tao sa floor namin pero ngayon ko lang sya nakita. Mukhang napansin nya iyon pagtitig ko kasi narinig ko syang mahinang tumawa.

"May bibisitahin kasi ako. Ikaw? You live here?"

Tumango ako at ngumiti.

"Oh? You're getting married?"

Napatingin ako sa gulat na mukha noong lalaki. Naalala ko ang sinabi ni Kyle. Wala rin ako sa mood para makipagget-to-know sa lalaki kaya tumango ako. Pagod ako ngayon, gusto ko ng magpahinga.

"Yeah, I'm getting married."

Tumunog ang elevator at bumukas. Hindi ko na nilingon ang lalaki at tumuloy na ako papunta sa unit ko. Hindi ko na rin nakita kung saan sya dumaan.

~~~~~

AN: Everything started with his obsession and I'll ended it that way. The next chapters will say how far he can go for the girl he ever wanted.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now