“Ayaw mo noon? Nalaman mo kaagad ang baho niya bago mo pa siya naging boyfriend. At least, hindi ka nasaktan.”

“Sabagay. Tama ka. Tara na nga. Baka hinahanap na nila tayo sa taas.” Tumayo na kami ni Arianne sa buhanginan at nagsimula nang maglakad pabalik sa villa. Pagbalik naman ay may ilang bote na nang alcoholic drinks sa mesa. Syempre, ngayon lang kami nakumpleto kaya hindi mawawala ang inuman.

“Oh, saan kayo nanggaling? Tamang-tama lang ang dating niyo. Session time na.” turan ni Leo.

“Nagpunta lang kami sa beach. Wow! Anong pulutan?” tanong ni Arianne.

“Tadah!” Nilapag ni Zed at Errol ang isang bowl na puno ng finger foods. May potato balls, fishball, kikiam at may sisig din.

Umupo na kaming lahat sa mesa at nagsimula na sa session namin. Kwentuhan dito, kwentuhan doon. Para bang ang tagal-tagal namin hindi nagkita. Well, matagal nga naman ang tatlong taon diba? Hahaha!

Nakakailang bote na ako ng san mig light nang napagdesisyunan kong lumabas papunta sa balcony. Inokupa ko ang isang cabana habang bitbit ang isang bagong bukas na san mig light.

Tandang-tandang ko pa ang araw na natuto akong uminom.

*Flashback (College Days)*

“Bakit namumugto ang mga mata mo?” tanong ni Errol pagkababa ko ng sasakyan. Si Tatay Roger na ulit ang maghahatid at sundo sa akin. Ayaw pa kasi akong bilhan ni Mom ng sarili kong kotse at isa pa, ayoko munang makita si Casey.

“Wala. Nagkaproblema lang. Dumating na ba ang iba?”

“Oo. Ikaw na nga lang ang kulang. Tara na.” sabay na kaming pumasok ni Errol sa classroom. Simula noong araw na ‘yon nagbago na ang lahat. Pinili kong baguhin ang lahat.

“O, nandito na pala si Alex eh.” Sambit ni Leo.

“Ok ka lang ba?” tanong ni Arianne.

“Oo naman. Kayo talaga. Wala ‘to. Ako pa.” sagot ko dito.

“Bakit mo pala kami pinatawag?”

“Mag-bar hopping tayo mamaya.” Yaya ko sa kanila. Alam kong mali pero ito lang ang naisip kong paraan para makalimot ako.

“Oo ba!” sabay-sabay na sagot nila. Ayos! Makakapag-bar na din kami. Nasa tamang edad na naman kami kaya pwede na kaming uminom.

Pagkatapos ng huling klase namin ay nagsi-uwian muna kami para magpalit ng damit. Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagpalit ng t-shirt at shorts at sneakers. Naglagay ako ng isang pumps sa backpack ko. May dala namang kotse si Errol kaya pwede ko iwan mamaya ang gamit ko sa kanya.

Pababa na ako ng hagdanan ng mapansin ako ni Mom. Syet! Tatakas lang sana ako dahil alam kong hindi nila ako papayagan. Ako na may curfew. Badtrip.

“Saan ka na naman pupunta?” mataray na tanong ni Mom. Alex, mag-isip ka na ng palusot!

“Mag-oovernight lang ako sa kaibigan ko.” Palusot ko dito. Sana bumenta kundi lagot.

“O sige, papayagan kita ngayon pero umuwi ka kaagad bukas ng umaga. Maliwanag?!” Lord, thank you sa isang himala! Pinayagan din ako ni Mom sa wakas. Tumango naman ako sa kanya at saka lumabas ng bahay. Dumiretso muna ako sa park malapit sa amin dahil doon kami magkikita ni Errol.

Ayos na sana ang lahat pero pagdating ko sa park, nakita ko si Casey. Nakaupo sa swing at mukhang malalim ang iniisip.

Umupo ako sa isang bench na nasa harap ng swing. Nakatalikod ako sa kanya. Nagsimula na akong tanggalin ang chucks ko at nagpalit ng pumps.

Lab U, Insan! (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon