Chapter 7: Puesta de sol (SUNSET)

Start from the beginning
                                    

"May problema ba?"

"This is what we called body heat." Ramdam ko ang pag init ng katawan ko ng sabihin niya iyon. At ramdam ko din ang pamumula ng tainga ko sa mga oras na iyon.

"Baka mas lalo akong magkasakit, kailangan ko ng magpalit ng damit." Humiwalay siya ng yakap ng sabihin ko iyon. Bumungad sa akin ang pink niyang bra na kanina ko pa naaaninag sa likod ng damit niya.

"Okay ka na ba?"

"Kumuha ka na ng damit, nilalamig na ako." Utos ko sa kanya, lumapit siya sa cabinet at kumuha ng damit pero bago niya ako suotan ay naghubad na siya sa harap ko. Napatungo ako ng gawin niya iyon, nakakahiyang tumingin sa maputi at makinis niyang katawan, pero pansin ko ang ribbon tattoo niya sa bandang baba ng kanyang bra. Maliit lang iyon pero pansinin dahil maputi ang balat niya.

"Huwag ka munang pumasok, baka mahilo ka na naman." Napatunghay ako ng ulo ng lumapit siya sa akin na nakasuot na ng damit. Sinuotan niya ako ng pulang damit na isa sa paborito ko. Napatingin din ako sa wall clock, 9:35 na ng umaga.

"Kai! Kai!" Napalingon ako sa labas ng bahay ng marinig ang boses ni Tita Andrea.

.
.
.
.
.
.

11:25 na ng umaga ng makakain ako, pinagluto ako ni Tita ng soup na palagi niyang niluluto every morning.

"Salamat sa pag alaga kay Kai." Hinawakan ni Tita ang kamay ni Jane habang nasa hapag kainan kami.

"Okay lang po iyon."

"Pasensya na, stranded kasi ang biyahe kaya hindi ako nakauwi agad."

"Sorry Kai."

"I'm fine Tita, babalik na po ako sa kuwarto ko." Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad pabalik ng kuwarto. Medyo hilo pa ako kaya dahan dahan lang ako sa paglakad.

.
.
.
.
.
.

Jane's POV

"Salamat talaga Jane."

"Tita hindi niyo naman po sinabi agad sa akin na mahina pala ang immune system ni Kai."

"Nakalimutan ko, pasensya na. Busy lang talaga ako sa pag aasikaso ko sa bago kong trabaho."

"Nga pala nasa Australia po sina Mommy."

"Ah oo, nagkausap na kami kagabi. Salamat din dahil sinamahan mo siya kagabi."

"Maliit na bagay lang po iyon."

"Kapag maayos na si Kai, bonding tayo treat ko."

"Talaga po." Napangiti ako sa sinabi ni Tita Andrea.

After kong makakain ay nagpahinga muna ako bago umuwi sa bahay.

.
.
.
.
.
.

"Good afternoon ma'am." Bati sa akin ng mga katrabaho ko dito sa station. Huling biyernes ngayon ng Hulyo kaya bukas pwede akong pumasok ng tanghali.
Nagtungo sa opisina ni Mommy para asikasuhin ang magaganap na bagong segment para bukas, si Kai ang nakaduty bukas ng gabi sa segment na iyon kaya makakapagpahinga pa siya sa umaga pero naisip ko na may photoshoot pala ulit bukas ng tanghali sa Cafè Morina. Kaya medyo nag aalala ako kay Kai.

"Siguro naman makakapasok na si Kai bukas?" Tanong ni Trisha sa akin, may iniabot siyang isang folder.

"Anu ito?"

"Ipinasa iyan sa akin ni Matt, dahil wala ka kahapon ako na ang nagcheck ng bawat files." Binuksan ko iyon, tumambad sa akin ang rating ng station. Ayos naman kaso may mga napansin akong bad comments.

"Kahapon bang ratings ito?"

"Definitely, pansin kong medyo nagbago ang ihip ng hangin sa ratings natin ngayong linggo."

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now