Chapter 6: I miss you and I love you

Start from the beginning
                                    

"Ito ang ginagawa sa akin ni Mommy kapag may sakit ako." Inilagay niya ang likod ng kanang palad niya sa noo ko, at sa noo naman niya ang kaliwang likod palad.

"Uminom ka na ba ng gamot?"

"Mamaya maya gagaling na rin ako." Hindi ko pa ganoon kakilala si Jane pero parang siya kilalang kilala na ako, dahil feeling close alam niyo ba yon? Haist nahihilo na nga ako nakakapag isip pa ako ng kung ano ano.

"Saan ba nakalagay?" Tumayo siya at pumunta sa kusina, binuksan niya ang lahat ng drawer para mahanap ang gamot. Pero bigo siya, napansin kong may nakalimutan siyang buksan.

"Hindi mo nabuksan ang maliit na drawer na iyon." Sabay turo sa pinakagilid na drawer na malapit sa coffee maker.

"Ito ba?" Tanong ni Jane, tumango tango ako bilang sagot. Pagbukas niya agad siyang napangiti. Inilabas niya ang isang transparent na kit, puro gamot ang laman niyon. Inilapag niya iyon sa mini table sa harap ko. At bumalik sa kitchen.

"Ipagluluto kita ng makakain para makainom ka na ng gamot."

"Sure kang maalam kang magluto?" Pabiro kong tanong kay Jane na nakapamay awang na nakatingin sa loob ng refrigerator.

"Oo naman, kaya nga culinary ang tinapos kong kurso." Napahiya ako doon, nakalimutan kong iyon pala ang kursong natapos niya. Ibinalik ko na lang ang atensyon sa TV dahil wala din naman akong maitutulong sa kanya.

Habang nanonood ay ramdam kong inaantok ako. Papikit pikit kasi ang mata ko at tila pagod na pagod.

.

.

Jane's POV

"Maglilinis na rin ako ng bahay para mas maging ayos ang pakiram.....
Napatigil ako sa pagsasalita ng makita ang nakapikit na si Kai, lumapit ako sa kanya at lumuhod upang maayos ang kumot niya. Aktong tatayo na sana ako ngunit napansin ko ang kagandahadn niya, mahimbing siyang natutulog. At kahit may trangkaso siya hindi nabawasan ang ganda niya, hindi ko namalayan na hinawi ko na pala ang buhok niya na syang tumabon sa magandang tanawin na nasa harap ko. Maya maya pa ay pinatay ko ang ang TV para mas mahimbing ang tulog niya.

Bumalik ako sa kusina upang ipagpatuloy ang niluluto ko. After several minutes nang matapos ako, then after that I sweep the floor, hindi naman sobrang kalat ng bahay kaya natapos ko agad mawalisan lahat ng sulok. Ang nagpamessy lang ay ang mga comforter at unan na nasa sahig. Ibinalik ko iyon sa sofa pero parang hindi iyon doon nakalagay dahil iba ang kulay at hugis. Napansin kong may burda ng pangalan ni Kai ang comforter at unan kaya siguro ito ang gamit niya tuwing gabi. Napatingin ako kay Kai bago umakyat ng hagdan para idala sa kuwarto niya ang unan na pakalat kalat pati ang comforter

Dalawang pinto ang sumalubong sa akin ng makaakyat ako, lumakad ako ng kaunti at patuloy na hinanap ang kuwarto ni Kai. Sa paglalakad napansin ko ang isa pang pinto, bali pang tatlo iyon sa mga pinto. Sinubukan kong buksan iyon, at tama nga kuwarto ni Kai dahil picture agad niya ang bumungad sa akin, isang malaking poster niya na nakadapa, nakaharap sa camera at naka peace sign pa ang daliri. Pikit ang mata niyang nakangiti sa poster na iyon, may pagkachinita din pala ang babaeng iyon kapag ngumingiti.

Inilapag ko na sa kama niya ang unan at comforter, simple lang ang kuwarto niya pero ang ganda dahil sa mga design sa wall na puro picture niya na siguro shot niya dahil ang ganda ng anggulo. I'm not a photographer pero maarte ako sa pagpili ng anggulo ng litrato. Lalabas na sana ako ng mapansin ang isang maliit na box na nasa tabi ng mini table sa may bandang pinto. Kulay puting box na may card pang nakasabit, napansin kong may nakalagay na congratulation. So may nagbigay sa kanya ng regalo.

Hindi ko na lang iyon pinansin pa at lumabas na ng kuwarto.

Habang pababa ng hagdan ay pansin kong bumabangon si Kai, kaya lumapit agad ako sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng mapansing na parang nasusuka siya. Agad kong kinuha ang plangganita na pinaglagyan ko kanina ng tubig.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now