CHAPTER XXI

8.7K 178 5
                                    

ALEXANDRA POV


Naglalakad na kami papuntang ilog.

Kinabit ko yung braso ko sa braso ni Da. Di naman niya ito tinanggal.

Pero ang totoo nilalayo ko lang siya sa reymart na yun.

Nasa harapan namin yung mga friends ni da. Habang nasalikod kami nakasunod sa kanila. Ayos na sana kaya lang..

Saamin sumabay sa paglalakad tung bb.boy na to. 

Kwentohan sila ng kwentohan.

Hays.

Pagdating namin dun sa ilog pwestohan lang sa my malaking bato.

May bitbit kaming chichiriya at softDrinks.

Nagsimula ng maligo ang iba sa ilog. Habang sina megan at lea yung kumukuha ng litrato.

Picture sila ng picture.

Ang kukulit nila kaya natatawa na din ako.

Minsan hinihila nila ako at pini-picture-an. Post daw ako ng ganito ng ganyan. Game naman ako. Hahaha. Model ang peg. Para daw may remembrance ako sa lugar nila.

Maganda naman talaga dito. Malamig ang tubig na nagmumula daw sa toktok ng bundok.

"Teka.." sabi ni lea ng matapos niya akong kunan ng litrato.

Sinundan ko ng tingin kung saan siya papunta.

Papunta siya sa kinaroroonan ni da.

Naiinis na talaga ako kay da.

Kinuhaan ni lea si da ng litrato ng lihim..

"AYIEEEE!!!"

Tuksohan nanaman sila. You know why?

Kasama lang naman sa litrato si bb.boy!

"BAGAY!!!!"

"MAGKAKATULOYAN NA YAN!"

Super tuksohan talaga ang mga kaibigan ni da sa kanilang dalawa. Feel na feel nila.

Ako naman feel na feel na ang pag-seselos.

Pinamulahan pa nga ng pisngi yung reymart!

Bigyan ko kaya ng mag-asawang sampal tung reymart na to para feel na feel niya ang mapulang pisngi! G r r...

Para na silang kambal tuko! Kanina pa nakadikit.

Ano nga sabi nun ni da? CATHCHING UP daw. Yun ang ginagawa nilang dalawa ni reymart.

Whatever.

Nung umalis si reymart sa tabi ni da dahil tinawag ito ng kaibigan niyang si roger saka ako lumapit kay da.

"So.. tapos na ba ang catching up ninyo?" sarkastiko kong sabi dito.

Pero di naman yun na pansin ni da. "Likely, ang dami niyang kwento.. blah-blah-blah.."

Tss.. manhid. Di man lang ini-isip ano na nararamdaman ko. Diba?

Sana naman bukas Alex time na diba?

"Bat tinatawag mo siyang bb. Boy? Ako nga wala kang tawag ee." Sumbat ko sa kanya.

Oh baket hindi? Girlfriend nya ako pero ALEX lang tawag niya sa akin.

Pero yung reymart na yun na childhood friend niya bb.boy? SO unfair!

"At ano naman tawag niya sayo huh?" Ako pa din.

"Ei.." si da.

Pero di na nito natuloy ang sasabihin dahil Lumapit na naman si reymart sa amin.

Love me, Hate me : STRANGER [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon