CHAPTER VIII

14.1K 343 27
                                    


GIRL 1 POV


No way?

Is this for real?

Bakit ba kay liit ng mundo para sa aming dalawa?

Ng pumasok siya sa pintong iyon halos di na ko makakanta. I was really stunned. Pasalamat na lang ako na dalawa kami ni archie na kumakanta. Di ko mapigilan di mahigit ang aking hininga tuwing nag tatama ang aming mata. Shes still.....

Yeah.

Pangit pa din talaga siya.

And I can't stop checking her out! Pssh.

Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. Mas malakas pa ata sa musika na tinotogtog namin. Nakakabingi. Nakakalunod. Ngayon lang ulit ako kinabahan.

Palakpakan na ang mga tao. Salamat natapos din yung kanta. Whooh! Nanginginig ako. Agad akong pumunta ng table namin at agad kong ininom ang isang baso ng alak. Shot muna pam pawala ng kaba.

"Ayos ka lang?" Si archie. 

Tinangoan ko siya. Di ako mapalagay sa kina-uupuan ko. Feeling ko nakatingin siya sa akin.

Haist. 

Kailangan ko na ata mag paalam ng maaga kay mhel at kena tita at tito. Ayoko siyang nakikita. Bumabalik kasi lahat ng feelings na ibinabaon ko sa limot.

---


PRINCE POV

Naka upo na kami sa isa sa mga table dito. Pinakilala ko na din si bhebs sa iba kong kaibigan na di pa nito kilala. Pero para naman wala ako nitong kasama. Kasi naman itong si bhebs ayan katabi ko tulala! Tss. What happend? Halos kaladkarin ko na siya papunta dito sa kinauupuan namin. Ei, kani-kaninalang halos ako tong hilain niya papunta sa loob dahil late na kami.

Palak-pakan na ang mga tao ng matapos yung kanta. Nilingon ko ulit si bhebs. Nakatingin ito kung saan.

"Isang malaking bagsak naman jan para sa pinsan kung wala pa din kupas. Idol!" Si Mhel.Palak-pakan naman ulit ang mga tao. 

"Last song na ba yun? NO? Syempre! Dahil my late na dumating. Ini-imbitahan ko na kumanta ang isa sa pinaka maganda kong kaibigan. PRINCESS LIM!!!"

Ng marinig ko ang pangalan ko bigla akong na estatwa sa kina-uupuan ko.

Langhiya ka mhel-tot!

Di nga ako tumayo. Halos lumubog ako sa kina-uupuan ko. Aist! Pag tripan ba naman ako!

Humanda siya sakin mamaya!

"Princes! Princes! Princes!" Aist. Ayan na they are chanting my name na. Nakisama pa talaga yung iba kong bugok na kaibigan. Mga walang hiya!

Bhebs?

Nilingon ko siya. Hahanap ako ng kakampi.

Eiii?

"Bhebs?" Tsk. Di man lang ako pinansin. Nakatitig lang ito. Kanino ba ito nakatingin? Hmp!

"Bakit?" Si bhebs. Sa wakas nakuha ko din atensyon niya. Niyogyog ko kaya siya. Tss.

Bakit daw? Wala ata tong kamalay malay sa nangyayari sa paligid niya.

"Kakanta ako! Makinig ka. Okay?" Sabi ko na lang. Tumango naman ito.

Kakainis naman tong si bestfriend di ako pinapansin. Pinuntahan ko yung guitarist, binulong ko yung kanta na kakantahin ko.

Hinga ng malalim pam-pawala ng kaba napa subo ako. Walang hiya!

Love me, Hate me : STRANGER [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon