T w e n t y F o u r

Magsimula sa umpisa
                                    

Huminto ang kotse sa isang malapalasyo ng salamin. Paano ba naman lahat ng ding ding at pader ay gawa sa high class na salamin. Pero tinted sya sa labas. Pagpasok sa loob kita mo ang labas. May mga sumalubong sa amin maids.

"Sir Martin." Bati kay Lev ng isang maid na medyo may edad na. Napatingin sya sa kin. Ngayon lang kasi nila ako nakita.

"Asawa ni Zander." nagulat sila ng sabihin ni Lev yun. Parang di pa sila makapaniwala na sa ganitong itsura nabaliw ang alaga nila. Well. Who knows..

Pumasok kami sa loob and the house never fails to amazed me. Grabe ang mga mwebles ng paligid. Sabi ni Lev, more than a million dollars ang nagastos sa bahay na yun. Gusto daw ni Tito Andro na lahat ng Alejo na uuwi may matitirahan bahay na ma ooccupy lahat ng Alejo. Well, tamang tama ang bahay. Sa second floor, may 20 rooms habang sa 3rd floor may 20 rooms at may pool sa 4th floor. Grabe ang laki.. Ang garden nila parang maze. Ang sasakyan sa garage nila aabot ng 100. May sariling golf course si Tito Andro sa loob ng lugar na pag aari ng Alejo. Hindi ko pa nga daw nakikita ang isa pang mansyon sa France. Baka himatayin na ako pag nakita ko.

"Dito ka muna. Kukunin ko lang ang mga susi." said Lev at sandaling nawala. Nakaupo ako sa mamahalin couch na sabi eh galing pa yun sa Germany at yun tinatapakan kong carpet galing pa ng Saudi. Palingon lingon ako sa paligid. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isang life size painting ng pamilya ni Zander. Wala pa si Alexa sa painting. Tanging si Zander na nasa age of 7 lang siguro. Si Tito Andro at Tita Rosetta. Sa ngiti ni Zander sa picture hindi ko aakalain na sya ang asawa ko ngayon.

Nakita ko ang isang mahabang table sa baba ng painting. May mga picture frames dun. Nakita ko sina Zander at Alexa kasama ang Papa nila. Picture ni Mama at Tito Andro. Then may picture din kami ni Zander na kasama namin si Tito Andro at Alexa.

Nakaramdam ako ng insecurity. Dahil gusto ko na magkaroon kami ni Zander ng family picture. Yun karga nya ang anak namin. Napahawak ako sa puson ko. Dinatnan na ba ako?

"SAM!" nagulat ako sa sigaw ni Lev. Nasa hagdan na sya at inaaya ako umakyat. Sumunod na ako.


---

Inakyat namin ang 2nd floor. Tahimik sa hallway. Sabi ni Lev ang kwarto ni Tito Andro at Alexa nandito sa second floor.

"Here." nagtaka ako ng huminto kami. Huminto kami sa gitna ng hallway.

"Anong pinto?" I asked him dahil ang dami namin kaharap na pinto. Saan dun?

"Thats why we need this." hawak nya ang isang mahabang bakal na parang panungkit. May sinungkit sya sa dingding at biglang bumukas. May hagdan lumabas mula sa pintong yun.

"Dyan?" tanong ko sa kanyang patawa tawa. Di ko naman akalain na magkakapinto at hagdan dun. Hidden door?

"Akyat na." Tinulak nya ako paakyat sa improvised na kahoy na hagdan. Madilim sa inakyat namin. Then maalikabok pa. Tinakpan ko ang ilong ko.

"Nasaan kaya ang switch?" narinig kong sinabi ni Lev. Madilim kasi at wala ako makita. Hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

CLICK!

Nagbukas ang mga ilaw. Nagulat ako.

"Welcome to our hide out." Namangha ako. Hide out nga. Isang buong kwarto pala yun na may dalawang kama sa magkabilang side. Nakatabi ang mga gamit sa kahon. Pero yun mga posters, at handwritings nila Zander kitang kita pa din sa pader na para bang hindi natanggal.

Hinatak ni Lev ang kurtinang nakatakip sa bintana. Saka ko lang nakita ang sinag ng araw. Mas lalong tumambad sa harapan namin ang kwarto. Naupo ako sa kama.

"Kama ni Zander yan. Magaling ka talaga pumili." nagulat ako at napatayo sabay tingin sa inupuan kong kama. Hindi ko akalain kay Zander yun. Malay ko ba?

"So anong gagawin natin dito?"

"Well, nabasa mo na ba yun binigay ko sayo.." naalala ko ang envelope na binigay nya na galing France. Dahan dahan akong umiling dahil di ko pa talaga sya nabubuksan.

"Sorry.. Di ko pa nabubuksan." natawa si Lev. Grabe to.

"Okay lang. Pictures lang naman yun."

"Ha? Picture nino?"

"You and Zander." mas lalo akong naconfused sa sinabi nya.

"Paano ka nagkaroon ng mga pictures namin ni Zander?

"Baka ako dapat ang magtanong sayo nyan.. Paano kayo nagkaroon ng pictures ni Zander?" tinuro ko ang sarili ko.

"Ako?" he nodded sabay tawa. Wala akong kaalam alam sa pinagsasabi nya.

"Loko ka. Ano ba yun?" pangungulit ko. Nalilito na talaga ako.

Lumapit sya sa mga boxes na nakatabi sa gilid ng kama ni Zander. Binuksan nya ang isa at parang may hinahanap. Nakatingin lang ako sa ginagawa nya.

"Found it." he said sabay inabot sa akin ang isang lumang photo album. Nakalagay sa harapan ng cover.. "2nd  year Camp"

"Open it." said Lev. Nagtaka ako. Binuksan ko ang photo album. At nakita ko ang isang lumang picture ng mga bata na nasa isang camp site. May mga nakatayong matatangkad na bata at may mga babae na nakaupo. Kung titignan, nasa age of 12-14 ang mga lalakeng nakatayo at yun mga babaeng bata naman nasa 9-7 years old .

"Anong meron dito?" asked ko kay Lev at binuklat nya ang hawak kong photo album.

"Sino yan?" he asked ng ituro ang isang batang babae sa picture. May katabi syang matangkad na batang lalake na nasa highschool na. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Kilala ko ang batang yun..

AKO YUN EH.



---

iamnyldechan ❤️

Sorry for typo errors.
Fresh pa kasi sya so no edits pa sya. Hehehe!

That's My Husband Next Door ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon