Part 1

208 6 3
                                    

Maganda,

Mabait,

Honor Student,

Role model,

Mga attributes na nakikita sa akin ng karamihan. Lahat sila nakatingin sa akin habang naglalakad ako sa hallway ng school.

Sanay na ako sa ganyan. Sa mga tingin nila, nakikita kasi nila ako bilang epitome of perfection. Tss... kung alam lang nila, hindi perfect ang buhay ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng makita ko si Marion Dash, na naglalakad pasalubong sa akin. Ang aking pangarap. Pangarap na abot kamay ko na pero hindi ko lubusang makuha, kasi pagmamay ari na sya ng iba.

Sa sandaliang pagtama ng aming mga tingin sa isa't-isa, nakitang kong binigyan nya ako ng isang ngiti. Sa ganitong gesture nya na ganyan, nagiging abnormal ang tibok ng puso ko.

Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa dumating ako sa realization kung ano nga ba ang posisyon ko sa kanya. Panggulo.

Nakita ko kung paano nya halikan sa pisngi si Andrea Marie. Ang kanyang girlfriend. Ang babaeng labis kong kinakainggitan. Sana ako nalang sya. Sana, sana talaga.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad bago pa ako tuluyang maiyak. Pilit kong sinasabi sa sariling "okay lang yan denise, makakasama mo naman sya sa saturday eh." tama. Sa saturday, masosolo ko sya sa saturday.

Preoccupied ang isip ko kaya hindi ko namalayang mabubunggo ako kay Mico. Ang lalaking alam lahat ng lihim ko.

Halos matumba ako sa impact ng pagkakabunggo namin, buti nalang naalalayan nya ako ng kamay nya.

"Sorry.." Sabi ko, tinignan nya lang ako. Inakbayan at sinabayan sa paglalakad.

"tsk, tsk, tsk... kelan ka ba magsasawa denise?" Tanong nya.

Alam ko yung tinutukoy nya.

"Ewan, hindi ko din alam." Sagot ko sa kanya. Kahit alam nya na ang lihim ko, pinili nyang wag ipaalam kay andrea. Hindi ko alam kung bakit pero yun ang dahilan para sya ang pagkatiwalaan ko ng lahat.

Tama kayo ng iniisip. Ako si Denise marie. Miss Perfect kung ituring dito sa school. Ay isang Third Party. Third Party sa relasyon ni Marion at andrea.

THIRD PARTY StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon