Prologue

12 1 0
                                    



Naglalakad ako sa kalawakan este kawalan. Imbis na kalawakan ang mapuntahan ng puso ko sa kawalan ng kahalagahan napunta. Guess what? I just saw the guy whom i like for three months having fun with a girl at hindi ko pa kilala.

Bakit hindi nalang ako? Yung kalandian niya, mas malandi pa ako don kung gugustuhin niyang landiin ko siya ng husto. Nakakatampo. Sabay sipa ko sa pader nang hindi nalalaman kung saang lupalop na ako ng mundo napunta. Inabutan na pala ako ng gabi kakaisip ko sa malandi kong crush.

"Hoy. Pahinging food." Medyo pasigaw na sabi ko sa kapatid kong lalaki na si Ramie. Dalawa lang kami ang magkapatid at ako ang panganay. Sa totoo lang ang hirap maging panganay, lalo na kapag yung kapatid mo ay mas popular sa mga girls kaysa sa'yo. Not fair. Magkapatid kami, pogi siya medyo maganda naman ako. Pero ba't ganon, napapansin kong parang walang nagkakagusto sakin.

"Get it yourself." Napatigil ako sa paghigop ng iniinom kong tubig at tinignan siya. Nanonood siya ng tv mag isa. At spongebob pa ang pinapanood niya.

"Pfft. Nice english man." Ginulo ko ang buhok niya at agad niya naman akong tinapik sa kamay at binigyan ng cold look, signal para tanggalin ang kamay ko. Ayaw na ayaw niya ng ginugulo ko yung buhok niya, dahil masisira daw kuno yung hairstyle na pinaghihirapan niya. "Sorry naman, pero bakit spongebob?" Teasing my little brother is great. So great na bigyan niya na naman ako ng masamang tingin at hindi nagsalita. Isa pa yan, ayaw na ayaw niya na inaasar siya kapag nahuhuli ko siyang nanonood ng mga palabas pambata.

Kukuha nalang ako ng pizza na nakalagay sa mesa but then, i saw another person's head na bigla nalang lumitaw. "Hi ate!" Oh it's her. Kaya naman pala tahimik si Ramie at sinasamaan lang ako ng tingin dahil andito ang girlfriend niyang si Dolley So.

"Hello, andito ka pala. Mabuti't nandito ka para mabait si little brother. I have to thank you for this Dolley. Have fun." Umakyat na kaagad ako sa kwarto ko at tsaka nagdive sa malambot kong kama. I can't bear to watch them looking so loveydovey kapag nagstay ako don. Tinalo na ako sa lahat ng kapatid kong iyon. Di ko alam kung saan niya natagpuan ang mala manikang babaeng yon, ang sarap ibahay dahil sa cacutan. Ang ganda ng genes, may kuya kaya yon? Nah. Napabuntong hininga nalang ako. He's still sixteen but acting all so grown up, nanonood padin ng spongebob. He is still a kid after all.

Nakatingin ako sa kisame nang pumasok na naman sa isip ko si crush. Shit. Please, let me forget him just for now. Sabay takip ko ng unan sa mukha ko at sumubsob dito. Sana hanggang forever na, kaso walang forever. Jusko pano nalang kung yung first love ko gusto kong kalimutan forever tapos hindi pwede dahil wala ngang forever. No. Stop! Sa tingin ko kailangan ko ng beauty rest. Yes that's right! And i should grab some foods tomorrow. Gotta celebrate for still being single! Nbsb. Jesus!

The day after tomorrow. Nagcelebrate nga ako, at ngayon madaming foods ang nakahain sa harapan ko ngayon. Merong burger, fries, pizza, pasta, pork ribs, beef steak. Hindi ako nag iisa dahil sumama yung kapatid ko pati si dolley. Ambabait ng mga to, nagpupumilit kasi tong si dolley na sasama daw sila para damayan ako, kaso yung kapatid ko nakasimangot na naman. Wasting time daw.

"Who are you texting?" Tanong ng kapatid ko kay dolley na nakalukot ang pagmumukha. "Nothing. It's just my brother." Sagot ni dolley nang hindi nililingon si ramie. Ako subo lang ng subo ng fries tas burger. So, may brother siya? Ano kaya itsura non? Malamang pogi pa kay superman yon. Pinapanood ko lang silang dalawa nagsusubuan. Sakit sa mata dahil wala akong lovelife puro foods lang ang life ko. Maya maya lang ako tumayo si dolley.

"Ate CR lang kami." Paalam niya. Tumango naman ako. "Come with me Ram." Umalis na silang dalawa and i feel relief. Tinignan ko ang pagkaing nasa harapan ko. Yung feeling na busog ka na pero gusto mo pa?. Yun yung feeling, yun nga lang pahinga muna ako dahil sasabog na ang tiyan ko. After resting a bit napansin kong may lalaking nakatayo sa tabi ko pero hindi ko ito pinansin.

"Hey." Rinig kong sabi ng lalaki. Feeling ko ako ang kausap dahil parang para sakin talaga yung 'hey' eh. Feeling ko lang dahil prrang pag nagsalita siya 'hey' eh sakin palipad yung salitang yon.

"Hey. Are you deaf?" The way he was saying it bothers me kaya nilingon ko na. Crap! "You deaf. Tell your stupid brother to stop seeing my little sister. I don't like it." Tumigil ang mundo ko. Yung makapal niyang black na kilay, yung mata niyang kulay dagat, blue na may pagkadark green. His pointed nose na mas matangos pa kay ramie. Yung lips niya... na parang roses. Parang nakaliptint siya?...yung hair niya naging long na, na nakatali. He looked like Hijikata Toushiro sa anime! Ay shit! Why did he have a long hair? I wonder wh—

"Are you listening?" Iwinawagayway niya ang kamay niya. Pero hindi ko alam kung bakit. At bigla ko nalang hinawakan ang kamay niya at nag Hi five. "You!" Biglang sigaw niya. I was suddenly back to my senses nang pumasok sa tenga ko ang malakas na sigaw na iyon. "Crap!" It's the second i said that. Pero bigla nalang siyang nawala ng bumalik ang kaluluwa ko sa katawan ko. He left.

His back. Ilang segundo lang but i saw it! Yung likuran niya at ang nakatali niyang mahabang buhok.

A sudden flasback of his face.
No way! It can't be! It's him! My first crush and first love.

 No way! It can't be! It's him! My first crush and first love

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-----

Wait wait wait! Wha-what little sister!? Princess?! No way! Dolley!

Crush, Notice Me Please!Where stories live. Discover now