chapter 3

21.8K 224 16
                                    

Lunes. Buong weekend na hindi kami nagkita ng magaling kong boyfriend dahil ayon sa kanya ay dadalaw daw siya sa province ng lola niya. Sinungaling! Di niya alam na alam kong magkasama sila ng pinsan ko.

Si Irene naman ay may bible study daw na dinaluhan. Huh, ang kapal..dinamay pa ang religion sa kababoyan niya.

Sa loob ng dalawang araw ay wala akong ibang ginawa kundi ang bigyang pansin ang mga bagay na kailangan kong baguhin sa sarili ko upang ipamukha kay Josh kung ano ang panghihinayangan niya balang araw.

Hindi ko rin sila susumbatan sa kababoyang ginawa nila. Magkukunwari akong walang alam sa kasinungalingan nila at paiikutin ko sila katulad ng ginawa nila sakin.

Kung hindi pa ako naligaw sa silid na iyon ay di ko malaman ang mga kahayupan nila.  Ngayon ko lang din napagtagni-tagni ang mga coincidence na nangyari noon. Kaya pa palagi silang sabay na nawawala noon. Iyon palay lihim silang nagtatagpo. Di ko iyon noon pinapansin dahil tuwing magkasama kaming tatlo ay pormal naman silang mag-usap. Halos di nga sila magpansinan pero iyon palay higit pa doon ang mga nangyayari tuwing nakatalikod na ako. Ang tanga-tanga ko talaga noon pero iba na ngayon dahil sila naman ang gagawin kong tanga!

Napapansin ko rin sa pinsan kong iyon na kahit super hinhin na parang matimtimang birhin ay mahilig itong magsuot ng mga revealing na damit. Pero dahil sa kilos nito ay di mo aakalaing may tinatago itong kalandian.

Mula sa mahaba at itim kong buhok ay nagpagupit ako ng shoulder length at pinalagyan ko ng fringes. Pinarebond ko rin ang tuwid ki ng buhok kaya mas lalo itong tumuwid at pwede na maging endorser ng shampoo at pinakulayan ko rin ito ng kulay light-brown para mas lalong lulutang ang pagkamestiza ko.

Nagwardrobe makeover din ako. Iyong mga simple kong damit ay pinalitan ko ng mga damit na medyo revealing pero sopistikada. Ayaw ko rin namang magmukhang trying hard pok-pok! Iyong mga flats ko ay pinalitan ko ng mga heels at iyong mga regalong branded shoulder bags sakin ng mommy ko ay inilabas ko mula sa pinagtatambakan ko at pinalit ko doon ang mga bodybags na karaniwan kong ginagamit.

Nagpaturo din ako ng mga tips sa pagmemake-up sa dalawang kaibigan kong sina Jiro at Yen. Expert sa pagmemake-up iyong dalawa dahil rumaraket sa mga beauty pageant si Yen at si Jiro naman ang make-up artist nito. Babae ang puso ni Jiro kaya lahat ng kakikayan at kaartehan ay alam niya kaya mentor di siya ni Yen sa mga sinasalihan niyang contest.

Kahit sa dalawa ay di ko sinasabi ang natuklasan kong kahayupan ng boyfriend ko at pinsan. Di narin sila nagtanong about sa biglaan kong make-over dahil matagal na nila itong iniungot sakin pero ako lang iyong laging umaayaw dahil akala ko ay kompleto na ang buhay ko dahil nasa akin na ang pinagwapong lalaki na minahal ko kaya di ko na kailangan pang magpaganda pang lalo.  Pero mali pala ako, while we are together he's fucking my cousin behind my back!

Iyong mommy ko naman ay parang gustong magpaparty nang makita niya ang new look. Halos maluha pa ito dahil naging babae na daw ako. Kahit ako gusto ko ring maluha pero sa ibang dahilan. Naalala ko kasing botong-boto ang mommy ko kay Josh at halos anak na ang turing niya sa ulupong na iyon. Isa si mommy sa mga masasaktan kung malaman niya ang kahayupan ng lalaking iyon pero sisiguraduhin kong di kami madedehado. Masasaktan muna sila bago kami.

Napukaw ang pag-iisip ko nang tumunog ang cellphone ko. Alam kong si Josh ang tumatawag dahil  personalize ang ringtone niya sa phone ko.

Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag niya.

"Hel-lo", pigil ang emosyon kong sagot.

" Hi hon..I missed you.", gusto kong masuka sa  lambing ng boses ng hayop.

Kung noon ay para akong baliw na kinikilig tuwing babanatan niya ako ng ganitong linya niya ay ngayon gusto kong sumigaw sa galit.

"Hon? Hon...are you still there?",

" Yes hon, I'm still here", tiim -bagang kung sagot kahit gusto ko na siyang sigawan at murahin.

"Gusto mo ba hon, susunduin kita diyan kasi gusto na kitang makita.",

Ngayon ko lang napagtantong tanga pala talaga ang lalaking ito at di man lang napansin ang kaibahan ng bati ko noon sa kanya noong baliw na baliw pa ako sa kanya kaysa ngayong mulat na ako sa kalokohan niya.

" No hon, hintayin mo lang ako diyan. Malapit narin ako diyan.", sinadya kong pinalambing ang boses ko tulad ng dati.

"Ok hon,take care ok! I love you...",

Ou noon paniwalang paniwala mo ako pero ngayon isaksak mo sa baga mo iyang I love you mo!

" Of course I will. Isabay mo narin si Irene sa paghihintay sakin. Gusto kong makita kayong dalawa."

"Huh? Si Irene?",

" Ou, si Irene. Iyong pinsan ko , pareho ko kasi kayong namiss",

Gusto kong makita ang mga pagmumukha ng mga taong nanloko sakin upang ipaalala sa sarili ko kung gaano kasakit ang nagawa niyo kaya sisiguraduhin kong di lang ako ang masasaktan dito.

"O-k hon,  see- you!", alam kong kinabahan ka Josh. Kabahan ka lang diyan at magugulat ka mamaya kung makita mo na ako.
Ibang-iba na ako sa girlfriend na iniwan mo sa party. Dalawang araw palang ang lumipas pero malaki na ang nagbago sakin dahil nagising na ako sa kabaliwan ko sayo.

Humanda kayong dalawa ni Irene dahil lalabanan ko kayo sa paraang gusto niyo. Traydoran ang gusto niyo di ba? Pwes, ibibigay ko iyon sa inyo.

" Ms. Luchille, nandito na po tayo.", pukaw sakin ng isa sa mga bodyguard na kasama ko sa sasakyan.

Oo, may bodyguards ako, dahil pinoprotektahan ako ng mga magulang ko laban sa mga taong posibleng manakit sakin pero di namin napansin na nakapasok na pala sa buhay namin ang mga taong dudurog sa puso ko.

Kahit gaano ako pinoprotektahan ng mga nagmamahal sakin ay may mga laban talagang kinakailangang mag-isa lang akong lalaban. Tulad ngayon, mula sa kinaroroonan ko ay tanaw ko ang masayang tawanan ng dalawang taong minsan ay  pinahalagahan ko higit pa sa sarili ko. Wala akong ibang maasahan upang labanan ang sakit at pait na nararamdaman ko kundi ang sarili ko lang.

Ngayong nakikita ko na sila ay nasayang lahat ng mga inaral kong paghahanda sa muling paghaharap namin dahil gusto na namang tumulo ng mga luha ko. Ang sakit parin pala, ang hirap pala balewalain ng 5 years na pagsasama. Nagsimula kasi kami sa pagiging magkaibigan noong 10 years old kami. Naging boyfriend ko siya noong 14 years old ako hanggang sa nalaman ko ang kasinungalingan nilang dalawa ng pinsan ko.

Parang ayaw ko silang harapin kasi di pa ako handa. Napagdesisyonan ko nang umuwi nalang nang isang magarang sports car ang humarang sa paningin ko kaya natabunan na ang masakit na tinitingnan ko. Mula sa sasakyan ay lumabas ang isang lalaking salubong ang kilay na parang nanghahamon ng away! Kilala ko ang lalaking iyon!

CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon