AKALA

47 0 0
                                    


Ang mga mata mo'y tulad ng bituin,

Kumikinang kahit nasa dilim.

Kasingkintab ng diyamante ang iyong luha,

Na di dapat sinasayang para sa taong walang kwenta.


Ang labi mo'y tila rosas sa pula,

Mas mapula pa sa akin sinta.

Ikaw ang prinsepe ng aking buhay,

Sa panaginip kong panghabang buhay.


Iyong mata'y nakatuon sa iba,

Sa babaeng walang ibang ginawa kundi ang saktan ka.

Sa babaeng walang ibang ginawa kungdi ang paluhain ka,

Sa babaeng minahal mo kahit ganyan siya.


Mula sa malayo ako'y nakatanaw,

Kung makatanaw ay para kang tinutunaw.

Pasensya ka na dahil ako'y uhaw,

Uhaw sa pagmamahal na ang makapagbibigay lang ay ikaw.


Gabundok na ang problema,

Bakit dumagdag at sumiksik ka pa?

Kung bakit kasi hindi na lang ako ang minahal mo't pinasaya,

Eh di sana wala kang problema problema at sakit na nadarama


Dragon kung wala ka,

Palaging galit at walang preno kakasalita.

Samantalang nagiging maamong aso kung nasa malapit ka

Nakatutok ang mga mata sa iyo sinta.


Isang araw, di ko inaasahan,may tumulak sa akin at ika'y nakabanggan

Akala ko'y magagalit ka,pero bigla kang ngumiti at nagpakilala.

Tinanong mo kung pwede mo akong maging kaibigan,

Siyemper oo ang aking sagot,ako'y mag-iinarte pa ba?


Nang dahil doon,mas lumalim ang nadarama

Hindi mo alam,at wala akong balak na ipaalam

Dahil natatakot akong kapag nalaman mo

Mag-iiba ang pakikitungo mo.


Simula noong araw na iyon, tayo'y naging matalik na magkaibigan na

Palagi mong kasama kahit saan man magpunta

Sana ay hindi na matapos ang pangyayaring nagaganap

Dahil baka isang araw paggising ko'y, hindi na malasap.


Naging instant bestfriend ako ng wala sa oras,

Kasama mo sa hirap at sayang dinanas.

Tuwing kasama ka, puso'y tumitibok ng kay lakas

Na parang kabayong kumakaripas.


Ngunit ang sayang iyong ipinararanas,

Ay tila isang pinturang nababasa, unti-unting kumukupas.

Parang sinunog na papel na naging abo,

Parang puso na unti-unting nagiging bato.


Ako'y nanghihinayang,

Sa panahong aking sinayang

Na dapat ay umamin na ako

Para naman hindi gaanong sumakit ang puso.


Pagkatapos mong mawala,

Iyak mula sa ulap ay kumawala

Totoo nga ang sabi nila,

Ang oras ay lumilipad kapag ika'y masaya.


Akala ko okay na,

Akala ko tapos na ang problema,

Akala ko may pag-asa na,

Ang lahat ng iyon ay, Akala ko lang pala. 


---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hehehhehehehehe! Enjoy reading. :) Di naman nakakaiyak, gusto ko lang magsulat.. hehehehehehe ..


ang cute ko talaga.. :)


from your cute author, 

monnicalee



Just Random ThoughtsWhere stories live. Discover now