37. Mangangamusta..

128 4 1
                                    

Author's Note:

Hmm..dahil mahal na mahal ko sila Terrence..may munting poem dedication mula sa chapter na ito..
(Some are from my short poems book "Secret Words" But I'll try to create new ones if I have spare time.)

So..tadaaa...there it goes.

Thanks a lot and mabuhay!

Lovelots,

Rusz-Avhin

-----------------------------------

******************************

How I wish I could do that,

Like how you make your voice flat,

Everytime we'll cross the path,

Like I'm nothing but another boring math..

****************************

Janna:

Tinawagan ako kanina ng mama nila Terrence. Namimiss na raw nila ako. Kailan raw ako dadalaw ulit sa hospital.

Naubusan ako nang alibi.

Besides..nabanggit sa akin ni Fiona kanina na may meeting si Terrence ngayon sa pamunuan ng One Championship. Excited niya iyong ibinalita sa akin. Kaya naman..medyo lumakas ang loob ko na pumunta ng hospital.

At least..malaki ang chance na hindi kami magkakaharap ni Terrence.

Alam kong matagal kong hinintay ang pagbabalik niya..at akala ko talaga matagal ko nang naihanda ang sarili ko sa mga ganitong posibilidad.

Pero iba pa rin talaga yung sakit kapag nasa harap mo na siya mismo..at paulit-ulit na ipinararamdam sa'yo na wala ka ng lugar sa kanya.

Like the last time we talked here.

Huminga ako nang malalim bago kumatok sa pinto nila Jasper sa hospital.

Ang parents nila ang nagbukas niyon at masuyo akong sinalubong ng yakap. Pa

simple kong inilinga ang paningin ko at nakajinga nang maluwag nang wala roon si Terrence.

"Nagkamalay na si Jasper kanina."
Masaya nilang balita.

"Thank God!" Bulalas ko. Sinulyapan ko si Jasper na mahimbing na ulit na natutulog.

"They gave him a sedative. He freaked out when he saw Amanda's situation."
paliwanag ni Tito.

Napatango tango ako.

"Janna..are you avoiding Terrence?"
Mula sa ilang oras naming pag-uusap ay biglang isiningit iyon ni Tita.

Napalunok ako.

"Hindi naman po."

She smiled at me. "That's good to hear.
Uuwi muna kasi kami sa bahay nila Jasper..so I guess it's okay if you'll accompany him here?"

Ang nasa isip kong him na tinutukoy niya ay si Jasper. Iniisip kong titinatanong niya kung ayos lang bang mag-isa muna akong magbabantay kila Amanda, kaya naman agad akong tumango.

"Thank God. He's on his way here. Katatapos lang ng meeting niya sa One Championship."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Tita. Lalo pa at pagkatapos sabihin iyon ay bineso na nila ako tanda ng pagpapaalam.

Holy Cow!

"Pero Tita..-" Nakalabas na agad sila ng pinto bago ko pa matapos ang sasabihin ko sanang pagbawi sa pag-oo ko na magbantay dito. Nailapat rin nila agad ang pinto.

His Mistakes...Kde žijí příběhy. Začni objevovat