I: TRISHA (SCHOOLYARD MYSTERIES)

133 18 17
                                    

Then one night there's a scream in the night

And you'll wonder who could that have been

And you see me kinda grinnin' while I'm scrubbin'

And you say, "What's she got to grin?"

 I'll tell you.

Nina Simone ("The Threepenny Opera")

"...Kahit hanggang high school, ikaw pa rin ang best friend ko."

 "Do you promise?"

"Okay. I promise."

Tim Crespo to Trisha Navarro, Grade 6

____

Love will not save you.

Ito ang paulit-ulit niyang iniisip…habang hinahanda ang sarili sa liblib na parte ng kakahuyan, sa ilalim ng palubog na araw.

Sinuot niya isa-isa ang mga damit na gagamitin niya sa kanyang plano.

Maingat ang kanyang pagsuot, parang sundalong inaayos ang uniporme bago ang digmaan…o parang pari, bago magdaos ng misa.

Love will not save you.

Sinuot niya ang itim na roba, at pinatong ang sumbrero sa ulo niya. Hinuli niya ang maskarang magtatago sa mukha niya: isang maskarang may mahaba at matalim na tuka.

Kung may nakakita man sa kanya, maari siyang mapagkamalang isang nakakakilabot na halo ng tao at uwak.

Sa wakas, handa na siya.

Pinulot niya ang huling bagay na dinala niya: ang asul na mapa ng isang malaki at malawak na paaralan.

Saint Jude of Galilee Academy.

Ito ang lugar. Nalalapit na ang oras. I will bring darkness to their halls and love will not save you.

Tiniklop niya ang mapa at tinago sa bulsa niya. Ilang sandali lang, inumpisahan na niya ang ritwal.

____

Malapit nang mamatay ang liwanag sa alapaap. Tapos na ang ritwal.

Naghanda na siyang umalis mula sa kakahuyan. Pero ilang yapak pa lang, napalingon siya, at tinignan ang kinatayuan niya kanina.

Sa likod ng maskara, ngumiti siya nang makita niya ang kanyang ginawa.

“Ahihi.”

Naglaho lahat ng mga puno, bato, at talahib sa kanyang kinatayuan. Ang tanging nandoon na lamang ay kadiliman: puro at walang repleksyon.

Nakapalibot ang dilim sa lupang tinayuan niya, isang malawak na bilog.

Para bang tumawag siya ng isang pwersa…pwersa na humugot sa lugar na iyon mula sa realidad, at nag-iwan lamang ng kawalan.  

Isang black hole, sa gitna ng mga talahiban ng Alhambra Village.

Pinagmasdan niya ang madilim niyang obra, at tinaas niya ang kamay sa galak, isang obispo na binabasbasan ang kadiliman.

My parishioners will come. They will gather, and they will bear witness.

 Love will not save you all…but the Black Mass will.

This I promise.

Hidden Hearts: The Black Mass IncidentOnde histórias criam vida. Descubra agora