CHAPTER 14 ~ I Don't Know ~

Start from the beginning
                                    

"Sinabi ni tita na tutulong tayo lahat sa pagpeprapare." panghuhula ko.

"Well, yeah. With free lodging, food and drinks!"

"And mangoes!" singit ni Snow na talon parin ng talon. Napailing nalang ako nang makita ko ang isa pang tao na hindi ko napansin kanina. Si Phoenix na nasa baba ng kama sa bandang likuran ni Snow. Naka handa na ang kamay niya incase na tumalsik si Snow sa kakatalon niya.

"Lumabas na kayo. Mag-aayos na ako. At kuya Thunder magpaalam ka muna kaila King."

"Hindi na kailangan-"

"Nakapagpaalam ka na? Good."

"Hindi. Kasama kasi sila eh. Sige, maiwan ka na namin. Snow tara na!" tawag ni kuya Thunder sa kapatid namin na ginagawa paring trampolin ang kama ko.

"Ayoko!"

"May mango chantili cake sa bahay."

"Woo! Carry, Phoenix!"

Kaagad na binuhat ni Phoenix si Snow at sinundan na nila si kuya Thunder palabas ng kwarto. Huminga ako ng malalim. Mukhang hindi ko din maiiwasan si King. But maybe I don't need to. Wala lang naman siguro sa kaniya ang naging pag-uusap namin kahapon.

Tumayo na ako at naglagay ng mga kakailanganin ko sa isang bag at pagkatapos ay pumasok na sa bathroom para maligo. Pagkalipas lang ng trenta minutos ay nakaayos na ako. Bumaba na ako at naabutan ko pa sila Phoenix, Snow at kuya Thunder doon na kumakain ng cake. "Bakit hindi na lang sa kwarto ninyo kayo kumain niyan?"

"Wala akong pinggan." ngumunguyang sabi ni kuya.

Tinignan ko si Snow na ngumiti at dinilaan ang tinidor na hawak niya. "May pinggan ako pero wala akong cake!"

Napabuntong-hininga ako nang kay Phoenix naman dumako ang paningin ko dahil tinuro lang niya si Snow na para bang explanation si Snow kung bakit siya nandito. Kung sabagay, kahit saan naman pumunta si Snow ay nakasunod iyan.

Napatakip ako sa tenga ko at ganoon din si kuya Thunder at si Phoenix na tinakpan ang tenga ng kumakain parin na si Snow nang bigla na lang kami nakarinig ng matinis na tunog na animo static ng isang megaphone.

"BHO TRIPLETS AND SNOW'S BOYFRIEND, HURRY UP!"

Dinampot ko ang bag ko at tinignan ko ng masama ang tatlo. "Throw everything. Including the plates. Kapag nagkalanggam dito ibibitin ko kayong tatlo ng patiwarik."

Automatic kasing napupunta ang mga basura sa thrash can sa main kung saan hahakutin iyon ng mga BHO CAMP staff para tuluyang itapon. In short dapat sigurado ka muna sa itinatapon mo dahil malaki ang possibility na hindi mo na makita iyon ulit.

Nang makalabas kami ay naabutan namin si Dawn sa labas ng BHO CAMP Bus at pilit na iniiwas ang hawak na megaphone kay Triton na pilit na inaagaw iyon.

"Stop it! Nasa labas na sila!" sigaw ni Dawn kay Triton.

Sumimangot si Triton. "KJ."

Ibinaba na ni Dawn ang megaphone dahil mukhang sumuko na si Triton. Pero pagkababa na pagkababa niya no'n ay mabilis na inagaw niya iyon kay Dawn at lumayo.

Itinapat ni Triton ang megaphone sa bibig niya. "HI PARENG THUNDER!"

Tinapik siya ni kuya Thunder nang naglakad ito papasok sa bus. "Yow!"

"HOW'S PRINCE ALBERT?!"

"Seriously, dude. My buddy's not up for discussion."

Nakangiwing umiling ako at sinundan si Snow at Phoenix. Abnormal talaga ni Triton. Kailangan talagang isigaw sa megaphone ang tungkol sa piercing ni kuya 'doon'?

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantWhere stories live. Discover now