18_Broken Past

Magsimula sa umpisa
                                    

“Oo! Dali na. Puntahan mo na at kanina ka pa ata hinihintay.” Tinulak na niya ako mula sa upuan papunta sa pinto. Nakita ko si Casey na nakasandal sa pader malapit sa pinto.

Nang mapansin niya ako ay agad niya akong hinawakan sa kamay at hinatak pababa ng building.

Bakit ganon? Ang tahimik niya ngayon.

Marahas kong tinanggal ang kamay niya nang makababa kami sa building.

“Ano bang problema mo?” tanong ko dito. Nasa bulsa na nito ang dalawa niyang kamay habang naglalakad kami palabas ng university.

“Wala.” Ngumiti ito sa akin at tinanggal nito ang isang kamay nito sa bulsa niya at inakbayan ako habang naglalakad kami.

Halos lahat ng estudyante na madaanan namin ay napapatingin sa amin. Sino ba naman hindi? Ikaw ba naman, kasama mo ang isa sa mga tinaguriang HOT dito sa university, malamang, mapapatingin sila. Lalo na at naka-akbay pa siya sa’yo. Oha?

“Lalim ng iniisip mo.” Puna nito at saka pisil sa ilong kong matangos na lalong tatangos pa. Hahaha! Agad ko naman tinabig ang kamay niya. Hindi na ako makahinga!

“Ano ba. Problema mo? Bakit ang sweet mo ngayon?” Pakingsyet! Sweet?!

“Hahahaha! Gutom na kasi ako kaya ako sweet sa’yo. Magpapalibre sana ako.” Para-paraan talaga nitong si Casey.

“Ah, ganon?!” kinurot ko siya sa tagiliran.

“Aray! Ikaw.” Pinisil ulit niya ang ilong ko. Argh!

Nagkulitan lang kami hanggang sa makarating kami sa motor niya. Naunang siyang umangkas at sumunod naman ako sa kanya pagkasuot ko ng helmet.

Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Iyong lagi mong nayayakap ang taong mahal mo kahit na hindi naman niya alam na mahal mo siya.

Kung titingnan nga, para kaming mag-boyfriend. Simula kasi noon tangkain akong i-bull’s eye ni Brent sa bar niya ay lagi na niya akong sinasabay kaya si Tatay Roger muna ang driver nila Mom at Dad. Kahit na hindi halos magkasabay ang sched namin, matyaga pa rin niya akong hinihintay dahil gusto nga niya akong protektahan.

Nang makarating na kami sa bahay ay agad akong bumaba sa motor niya at nagpaalam.

Papasok na ako ng kwarto nang tawagin ako ni Ate Alexis.

“Alex, halika ka nga rito.”

“Bakit?” Pumasok ako sa kwarto niya. Ito ang pangalawang beses na nakapasok ako sa kwarto niya. Syempre, ano pa ba ang makikita ko? Puro mga kakikayan niya.

“Totoo ba?” Kumunot ang noo ko sa kanya.

Lab U, Insan! (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon