INTRO

132K 3.2K 301
                                    

Intro:

Ibinaba ni Dustin ang hawak niyang baso at ipinikit ang mata niya.

Naalala niya yung sinabi ng dalawang babae na importante sa kanya.

 

“Magpapakasal ka,whether you like it or not.”

“Dustin Gonzales,if saying I love you para huwag mo lang pakasalan ang demonyitang yon. Then,I love you! Wag mo lang siya pakasalan,please?”

Itinaas  niya uli ang baso at uminom ng alak.

Napahilamos si Dustin sa mga problemang mayroon siya ngayon. Hindi na niya alam kung paano niya haharapin ang mga problema niya at kung ano ang gagawin niya.

 

“S-si Yohan.. a-anak mo siya..”  

 

Napangiti ito ng maalala niya ang sinabi ni Hana pero unti-unti din nawala ang ngiti niya ng maalala niya din ang sinabi ng mommy niya.

 

“Bibigyan kita ng choice, papakasalan mo si Allison pero makakasama mo pa rin ang mag-ina mo. Pero kung pipiliin mong hindi,asahan mong hindi mo na makikita ang mag-ina mo at mawawala ka ng ina.” 

Muli,napahilamos ito ng mukha.

Ano bang dapat yang gawin? Ano ba dapat niyang piliin? Dahil kilala niya ang mommy niya,alam niyang gagawin at magagawa niya ang mga plano niya.

Kung papakasalan niya si Allison,makikita at makakasama pa rin niya ang mag-ina niya. Pero… gugustuhin ba niya o magugustuhan ba ni Hana na maging kabit ito?

No.

Pero kung tatanggihan niya ang kasal,paano ang mag-ina niya?

Ano ba ang dapat niyang gawin?

Mabubuo niya kaya ang sariling pamilya niya o matatrap siya sa plano ng ina niya na ipakasal siya kay Allison?

 

Subaybayn natin ang pambansang budoy ng wattpad.. Dustin Gonzales at ang kanyang labanos na si Hanako Cruz. Isama pa ang pasaway na Titi boy na si Yohan.

 

Magiging masaya kaya ang kalalabasan ng story nila? mageexist kaya ang mga salitang ‘And they live happily and in love forever’ sa story nila? or magiging  ‘Happily ever after turned into Once upon a time’? 

Forever You and I,Promise! (FYIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon