FYIP 3

99.3K 2.6K 813
                                    

FYIP 3

Hana’s POV

“Yohaaan!” sigaw ko.

Tumakas na naman kasi ito. I mean,sinabihan ko siyang maligo na kaso lumabas ito ng kwarto. Magtatago na naman ang pasaway na batang yun kung saan.

“Kapag hindi ka naligo hindi ka tatabi sa akin!” sigaw ko uli. Hindi pa kasi ito naliligo at anong oras na!! late na.

Nakasalubong ko si Ming. Dahil sa sanay na din si Ming na ganito hindi na siya nagtanong kung bakit ako nagsisisigaw.

“Kita mo siya?” tanong ko.

“ Hindi Ate. Lalabas lang po ako.” Sabi niya. May hawak itong plastic siguro magtatapon siya ng basura. Bukas kasi ang pangongolekta ng basura sa subdivision kaya dapat lahat ng basura ay nasa labas na para makuha na. kung hindi maghihintay ka na naman ng isang linggo bago nila kunin yun.

“Ok.”

Asan kaya nagtago ang batang yon? Pumunta ako sa kusina at hinanap siya. Tinignan ko din yung mga sulok-sulok at mga cabinet pero hindi ko mahanap.

“Yohaaaan!”

“Kapag hindi ka nagpakita hindi na kita bati.”

“Hindi kita bibigyan ng kiss.”

“and hugs.”

“Hindi na kita love.”  Syempre joke lang yun.

Waaaaaaah.bakit ayaw niya pa lumabas?

“Yohaaaaaaaaaan!”

“Hahanap ako ng bagong baby sige ka.”

Hindi pa rin ito lumalabas. Andito kaya talaga siya?

“Sige ka,sasabihan ko si Tito Gab na huwag na pumunta dit—“

“No way Mimi! That’s unfair!!” sigaw niya.

Tumingin naman ako sa likuran ko at doon ko nakita ang kanina ko pang hinahanap at mukhang mas love pa ata niya si Gab kesa sa Mimi niya.

“San ka ba nagtago ha?” linapitan ko ito at binuhat.

“There.” Sabay turo sa kahon na nakalagay sa gilid ng hagdan.

Ha? PAano to nagkasya don?

“Dun ka lang nagtago?”

“a-huh.”

Forever You and I,Promise! (FYIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon