23

1.4K 5 0
                                    

Isang linggo nang hindi nagpapansinan ang magkapatid na Steffi at Matteo.

Araw ng Sabado, pumunta sa bahay si Alice, ang pinsan nila, kasama ang nanay nito.

Kinausap ng mommy nina Steffi at Matteo si Alice.

Ikinwento ni Alice na magkatext sila ni Matteo at magkunwari na di sasabihin kay Steffi ang mga pinagusapan ng dalawa.

Nalaman ng ina ni Matteo na umamin ito kay Alice na hindi pa sila hiwalay ni Guila.

Napagdesisyunan na kausapin ni Alice si Matteo. Mangamusta kung ano ng nangyari.

Lumipat si Alice ng bahay na karugtong ng bahay nina Matteo.

Kinausap niya ang pinsan at nagtanong kung kinakausap na nito ang Ate nito.

Umiling si Matteo at sinabing naiinis siya kay Steffi dahil nangingialam ito.

Dahil duon, sinabi ni Alice na may nakarecord si Guila at si Gino ng pag-uusap ng mga ito sa phone ni Steffi.

Bumalik sa kabilang bahay si Alice at hiniram ang cellphone ni Steffi.

Pinakinggan ni Matteo ang tatlong recordings ng pag-uusap ni Guila at Gino.

Kahit alam niyang marupok ang nobya ay di pa rin mapigilan nito na madisappoint sa dalaga.

May nobyo ito pero balak pang makipagkita sa isa pang binata na alam naman nitong umamin agad na gusto siya nito.

Nakiusap si Matteo kay Alice kung pwede muna siyang iwan nito.

Nang maibalik ni Alice ang cellphone kay Steffi, ginawa naman ni Steffi ang matagal na niyang gustong gawin - ang ipakita sa kapatid niya ang mga text messages ni Guila kay Gino.

Dahil madami ang mga kinuha niyang litrato ng mga text messages ng mga ito, namili lamang si Steffi ng mga text messages na makapagbibigay sa kapatid niya ng dahilan para hiwalayan nito si Guila.


MY DAY

👩 Look, gusto sana kitang ientertain para mas makilala pa kita


MY DAY

👩 Nakahiga lang ako sa kama ngayon.

MY DAY

👩 Gusto mong samahan ako?

MY DAY

👩 Ayokong maniwala kasi through text and call lang tayo. Gusto kong malaman lahat in person. Baka kasi you're just fooling around.

MY DAY

👩 Nakakainlove ang boses mo. 😍😍😍

MY DAY

👩 ihhh kinikilig ako 😍😍😍

MY DAY

👩 Wala. Sige na. Tulog ka na bebeboy

MY DAY

👩 Dream of me hon



© HallyuStar

Save His Heart, Destroy Her Life [R18]Where stories live. Discover now