💕 NOBODY'S BETTER 29 💕

Start from the beginning
                                        

"Ano ba! Ang tagal niyo naman!" sigaw ni Kelso pagkababa na pagkababa niya sa kotse habang naka cross arms. Siya po kasi yong nagbusina kanina eh.

"Pasensya na! Ang hirap kasing kumbinsihin si Keisha. Akala niya kasi niloloko ko siya." sagot ni Ceejay habang nakapamulsa.

"Paano sabi mo sa akin, kikidnapin mo ako kaya natakot ako." sagot ko naman sa sinabi ni Ceejay kay Kelso.

"I'm just joking." wika naman niya.

"Yon naman pala eh tinakot mo pala siya bro kaya hindi sumama." singit naman ni Kelso sa amin. "Atleast napa payag ko siya sa bandang huli." mahinang bulong ni Ceejay ngunit narinig ko naman.

"Oo na."

"So Anae, tara na!" tanong ni Kelso sa akin. "Ummm, yeah pero saan ba tayo pupunta?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"You'll see."

"Ehem!" kunwaring ubo ni Ceejay dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon naming dalawa.

"Ahh nandyan ka pa pala." naka smirk na sabi ni Kelso sa kaibigan nito.

"Yeah! Super busy kasi kayo dyan ng love of your life mo kaya hindi mo na ko napansin." sagot nito sabay glance sa akin. Napa blush naman ako.

Nag smirk lang ulit sa kanya si Kelso. "Ofcourse."

"Oh siya aalis na nga ko nakaka abala na kasi ako sa inyo. See you soon love birds. Hihintayin ko ang magiging inaanak ko ah!" wika nito sabay wink sa akin. Mas lalo tuloy akong namula dito na parang kamatis.

"Don't mind him anae." ang mahinahong tugon ni Kelso habang pinagmamasdan namin ang pagkalaho ni Ceejay.

"So tara na?" I just nod. Hinawakan naman niya ang kamay ko at mahinang pinisil ito pagkatapos ay ginuide niya ako sa pagpasok ng kotse niya. Such a gentlemen.

"Fasten your seatbelt anae. This ride will be so long so please bear with it." maliit na ngiti lang ang sinagot ko.

Nag umpisa na kaming bumyahe sa kung saan man kami papunta. Habang nasa byahe, napansin kong parang papunta ito sa park kaya nagtanong ako sa kanya.

"Pupunta ba tayong park ngayon?" tanong ko. Isang napakatamis na chuckle lang ang narinig ko sa kanya.

"Yeah. How do you know?" siya naman ngayon ang nagtanong. "Wala instict ko lang pero dito kasi papunta yong park eh kaya ayon nalaman ko." sagot ko.

"Hmmm. You're an observer anae."

"Yeah. Yon din ang sabi nila sa akin."
sagot ko habang nakatingin sa kanya. "Kaya nga umpisa pa lang, ikaw na nakakuha ng pansin ko kasi isa akong observer." pahabol ko pero this time nasa bintana naman na ko naka tingin. Ramdam ko na kasing namumula ako ngayon.

Narinig ko na naman ang sweet niyang chuckle. "So matagal mo na palang naobserbahan yong kagwapuhan at galing ko sa pagsasayaw. I see." sinuntok ko naman siya sa dibdib. Ang kapal eh.

"Aray ko anae!" ngiwi niya. Napatawa naman ako. Ilang minuto ang nakalipas at sa wakas nakarating din kami sa park. Agad namang nagpark si Kelso at bumaba na kami. Dumiretso naman siya sa bumper ng kotse niya at kinuha ang laman nito. Isang malaking basket ang kinuha niya at feeling ko alam ko na ang gagawin namin dito sa park.

"Mag pipiknik tayo?" tanong ko sa kanya pagkasara na pagkasara niya sa apartment ng kotse niya.

"Yeah. Yon yong surprise ko sayo. Gusto ko kasing magdate tayo under the shade of tree so napag isipan kong picnic na lang since yon din naman yon eh." namula naman ako sa sinabi niya at tahimik na lang na sumunod sa kanya. Pangarap ko din kasing mag picnic kasama ang taong mahal ko. Yong tipong kaming dalawa lang under the shade of tree at akalain mong parehas pala talaga kami ng taste ni Kelso.

NOBODY'S BETTERWhere stories live. Discover now