💕 NOBODY'S BETTER 29 💕

Start from the beginning
                                        

"Heh! Hindi no! Ano kaba!"

"Eh bakit namumula ka diyan? Ayiehhhhh! Krass niya si Kelvin! Bwahahaha!" binatukan naman ako ni ajumma dahil sa sinabi ko.

"Aray ko naman!"

"Yan! Yan ang napapala ng mga taong iba ang iniisip!"

"Eh bakit mo siya hinahanap?" napa tigil naman siya sa pagpapalo niya ng mahina sa balikat ko at hinarap ako.

"Yong Koryano kasing yon kinuha yong notebook ko kanina sa media and info. literacy natin eh hindi ko pa nagawa yong assignment don. Hindi ko magawa gawa dahil nasa kanya."

"Ahhh kala ko naman kung ano na."

"Nagawa mo na assignment don?" tanong niya. Ngumiti naman ako ng maliit sabay sabing "Oo."

"Pakopya naman! Beke nemen!"

"HAHAHA! Ayoko nga!"

"Ehhhh!"

At sinimulan niya na kong kulitan hanggang sa napa oo niya ko. Nyamet ten!

❌❌❌

"Keisha!" napa tingin ako sa tumawag sa akin at nakita si Ceejay na kasama ang iba pang mga barkada nila ni Kelso. Nasa harap sila ng tindahan namin at tumitingin ng ilang tinda namin. Naubos na kasi yong iba kaya kaunti na lang ang tinitinda namin ngayon. Busy rin kasi akong ilista yong mga pinag bentahan ko kaya ngayon ko lang sila napansin.

"Oh hi Ceejay! Anong bibilhin niyo?" tanong ko sa kanya. Napa chuckle naman siya sa sinabi ko. Ang kyot naman ng tawa niya hehe!

"Hindi kami pumunta dito para bumili. Pumunta kami dito para kidnapin ka."

"Ha?" tama ba yong narinig ko? kikidnapin nila ako? wahhhhh noooo!!!

"Hoy! Hindi nakakatawa yang binabalak niyo ha! Ayoko yang ideya na yan!" wika ko habang binibigyan ko sila ng death glare.

"Huwag kang mag aalala hindi ka naman namin sasaktan eh! Pinadala lang kami ng ulupong na yon para sunduin ka. May surpresa daw kasi siya sa'yo." napa kunot noo naman ako sa sinabi ni Ceejay.

"Ulupong? You mean si Kelso?" natatawa ngunit may halo pa ring kaba yong boses ko. Malay mo di ba inuuto lang nila ako para sumama sa kanila kaya dapat huwag muna magtiwala hihi.

"Yeah! Kaya sumama ka na sa amin para makita mo na din yong 'Love of your life' mo." wika niya. Tinignan ko naman siya ng mabuti kung seryoso ba talaga siya pero nong napagtanto ko naman na seryoso nga siya, baka papayag na rin ako.

I heave a sigh. "Sige, sasama ako pero sino magtitinda ng mga tinda ko?" tanong ko sa kanya. "Wala kasi sila Rose dito kaya walang magbabantay." pasingit na habol ko pa.

Ceejay just smile at me. "Ano ka ba wag mong isipin yon. Kaya ko nga rin isinama tong mga tropa namin dahil sila ang gagawa ng trabaho mo atsaka nagpaalam na din ako don sa kaibigan mo at pumayag naman siya kaya wag ka ng mag alala."

"Eh nakakahiya sa inyo." I whined.

"It's okay Keisha atsaka kung ipipilit mo pa ang gusto mo, hindi mo na makikita yong surprise ni Kelso." Napa isip naman ako sa sinabi niya. "Sige na nga! Sasama na ko."

"I knew it. Tara na?" I just nod at nag simula na kaming umalis don para imeet si Kelso.

❌❌❌

Nagkwekwentuhan habang nag aasaran lang kami ni Ceejay at hindi namin namalayan na naka labas na kami sa school gate. May puting kotse ang bumungad sa amin at bigla itong bumisina ng napakalakas dahilan para mapatalon ako sa gulat.

NOBODY'S BETTERWhere stories live. Discover now