💕 NOBODY'S BETTER 28 💕

Start from the beginning
                                        

"Bakit naman?"

"Kasi di ba Anae kita at ang Anae ay Korean word para sa Wife, kaya deserve ko din na tawagin mo kong Nampeon dahil husband mo na ko." napa kagat labi naman ako sa sinabi niya.

"Ang cheessy niyo mga letse plan. Makaalis na nga lang." biglang sabi ni ajumma sa likod ko. Nandito pa pala siya nakalimutan kong nag eexist pala siya dahil na kay Kelso na ang paningin ko eh. Napa irap naman si Kelso sa kanya. May ganito din pala siyang side.

"Kelso huwag mo na siyang pansinin." wika ko ng tuluyan na nga kaming dalawang iniwan ni ajumma. "Tara na, pupuntahan pa natin ang lugar kong saan nandoon ang aking surpresa." sabi ko sabay kuha ng kamay niya.

"Talaga? Saan?"

"It's a surprise kaya tara na!" at hinila ko na siya palabas ng gym with our intertwined finger. Sana hindi na matapos ang araw na ito. Sana.

❌❌❌

Hinila ko si Kelso sa may likod ng building kung saan nandoon yong napaka gandang garden ng school namin. Remember, dito din niya ko pinunta nong panahong gusto niya kong ligawan (though nililigawan pa din niya ko hanggang ngayon pero para sa akin especial ang lugar na ito kaya napag disesyunan ko na ding dito gawin yong surprise ko.)

Pagdating namin sa garden, mayroong naka set na doon na table at nandoon yong kaunting pagkain na niluto ko. Ito talaga yong plano ni Dorcas eh! Na lutuan ko daw ng favorite food si Kelso since mahilig siyang magluto para naman daw maexperience niya na lutuan din siya hindi lang iyong siya yong magluluto kaya ayon.

"Wow!" ang nabanggit lang ni Kelso pagkakita niya ng mga nakahain sa table. "Anae, lahat ng 'to favorite ko ah! Ikaw nagluto?" hindi mawala wala sa mga mata ni Kelso ang pagka amaze at dahil doon tanging nahihiyang tango lang ang isinagot ko. "Kanino mo naman nalaman na favorite ko 'tong mga 'to?" tanong niya ulit habang kumukuha na ng mga pagkain.

"Sa totoo lang hindi ko alam yong mga gusto mong pagkain kaya tinanong ko si Jenicha." nagnod naman siya pagkatapos ay sumubo na. Napatigil siya sa pagnguya dahilan para mapakagat labi ako. "Hindi mo ba nagustuhan?" tanong ko habang hinihintay ko pa din hanggang ngayon ang reaksyon niya. "Ang sarap anae!" napa ngiti naman ako sa sinagot niya.

"Alam mo bang ang hirap iluto yang pagkain na yan. Kahit ako hindi ko alam iluto yan at kung alam ko man ay palaging hindi masarap ang kinalalabasan pero yong sayo iba eh. Masarap!"

NOBODY'S BETTERWhere stories live. Discover now