💕 NOBODY'S BETTER 28 💕

Start from the beginning
                                        

"Uy ajumma! Nakatingin sayo si Kelso o! parang hinihintay niya na icheer mo siya." napatingin naman ako kay Kelso dahil sa sinabi ni ajumma at nakitang nakatingin nga siya sa akin. Pagod na pagod na siya at kitang kita ko sa mga mata niya. Napabuntong hininga na lang ako at nag smile sa kanya. Isang maliit na ngiti na lang ang ibinigay niya sa akin at bumalik na sila sa court dahil nga mag uumpisa na ang last quarter.

"Ichecheer mo siya o masasayang yang banner na ginawa niyo kagabi?" pantakot sa akin ni ajumma ng napansin niya ang banner na nasa baba ng upuan ko. "Ichecheer ko na siya."

"Good."

Isang malakas na whistle galing sa referee, isabay mo pa ang nakaka binging sigawan at hiyawan sa mga nanonood ang tanging naririnig ko ngayon pero hindi yon naging hadlang para sumigaw din ako ng sobrang lakas kasabay ng pagtaas ko ng banner na ginawa namin kagabi.

"Gooooo Kelllssssooooo! Kaaaayyyyaaaa moooo yaaannnn! Saaaarrraaannnggghhhaaeeeee!" napatigil naman ako sa pagsigaw ko dahil napatingin sa akin ang mga tao na nakarinig sa akin kasama na don si Kelso pero si Kelso, isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin pagkatapos ay sa banner na ginawa ko. Napablush naman ako. Sana hindi niya nagets yong nakasulat huhu! TT_TT

Dahil sa pagchecheer ko kay Kelso ay nagsimula ng makabawi sila sa pagshoshoot at dahil don, nanalo sila. 125 to 110. Akalain mo yon? Ahuehue.

❌❌❌

"Congrats~" bati ko kay Kelso pagkababang pagkababa namin ni ajumma para batihin siya.

"Salamat Anae." wika niya sabay pakita sa akin ang matamis niyang ngiti. "Nagustuhan ko yong banner at yong pagchecheer mo sa akin. Dahil don mas lalo kong ginalingan ang paglalaro." napablush naman ako sa sinabi niya.

"Speaking of, nasaan pala yong surprise mo Anae? Nanalo ako ngayon tsaka kahapon eh! Nasaan na? Excited na ako!" wika niya habang tinitigan niya ko dahilan para mawala yong boses ko. Kahit kailan talaga ang ganda ng mga mata niya.

"Ummm, sa totoo lang hindi naman masyadong bongga yong surprise ko sayo." sabi ko sabay divert ng mata ko sa ibang direksyon. Ayaw ko kasing titigan iyong mga mata niya eh. "Tsaka yong pagchecheer at paggawa ng banner yong isa sa mga surprise ko." dagdag ko. "Pasensya na kong di yon ang iniexpect mo sa akin."

Hinawakan naman niya yong chin ko at itinaas ang mukha ko dahilan para magkatitigan kami.

"It's okay Anae. Ang saya ko nga eh dahil chineer mo ako though nong una nasaktan ako dahil hindi mo ko chineer pero nawala yon noong pinakita mo yong banner sabay sigaw mo ng Saranghae." napablush naman ako ng todo. "Alam mo ba na ang tagal kong hinintay na tawagin mo kong Nampeon."

NOBODY'S BETTERWhere stories live. Discover now