💕 NOBODY'S BETTER 28 💕

Comenzar desde el principio
                                        

"Keisha alam mo ba ang mga hobbit niya?" nagnod lang ako habang yong mga kasama ko ay masama ang tingin sa kanya dahil nga nag gugulat siya. "Edi, yon yong gawin mo." Napakunot noo naman kaming lahat sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Well, kung magiging supportive ka sa kanya, sa mga hobbit niya edi sasaya siya." Napa isip naman ako.

"Pero paano?" Napatingin naman si Dorcas kina Appii, Margaret at Moriah. "Hoy! Ano yang balak mo? Ayaw namin ha!?" rinig kong bulong nila kay Dorcas.

"Ano ba! Huwag nga kayong oa!" sigaw niya sabay rolled eyes. "Tutulungan natin si Keisha!" Napa 'ahhh' naman sila.

Bumaba sa higaan ko si Dorcas habang umupo siya sa harap ko. "So ready ka na?" tanong niya. I nod. At nakita ko na lang ang sarili ko na hila hila ni Dorcas palabas ng kwarto ko kasunod ang iba pa naming mga kasamahan. At kung anong gagawin namin? Hindi ko alam! TT_TT

❌❌❌

Kinabukasan...

Nandito na ko naka upo sa isa sa mga bleacher. Buti na lang at medyo nakatulog ako kahapon ng maayos dahil na rin sa pagod sa pinag gagawa namin kagabi. Speaking of kagabi, sinamahan at tinulungan nila akong gawin yong surprise ko kay Kelso. Well, may surprise na kong regalo para sa kanya at mga tatlo din yon. Iyong isa, regalo ko para kahapon dahil nga nanalo sila kahapon at yong dalawa para ngayon kung sakaling manalo ulit sila. Well, kung matalo man sila ngayon, okay lang dahil manalo at matalo ibibigay ko pa din yon.

"Uy! Okay ka lang?" nagulat ako sa tanong ng katabi ko pero nag nod lang ako sa kanya. "Okay lang ako ajumma, medyo kinakabahan lang pero keri naman." tumango na lang siya.

Kung nagtataka kayo kung bakit hindi kami nagtinda ngayon ni ajumma ay dahil naubos na kaagad agad ang tinda namin at kaunti lang talaga ang tininda namin. Halos na sa may junior high at college gym nga napunta yong mga tinda namin kasi sabi ni Dorcas sila na daw ang magtitinda ng mga tinda namin para mapanood ko si Kelso at para ma-execute ko yong surprise.

Nagising ako sa malalim na pag mumuni muni ko ng biglang nagsigawan ang mga tao dito sa loob ng gym. Nagsilabasan na pala ang mga maglalaro at nakita ko si Kelso na masayang nagwave ng kamay sa akin kaya nagwave back naman ako. Nakita kong ngumiti siya ng napakatamis kaya ibinalik ko lang ang ngiting yon sa kanya.

"Tama na ang landian! Uy!" rinig kong bulong sa akin ni ajumma pero hindi pa din namin dalawa ni Kelso tanggalin ang tingin sa isa't-isa. Naputol na lang to ng biglang nag whistle na ang referee kaya napatingin ako kay ajumma. "May sinasabi ka?" nagtataka kong tanong.

"Wala, wala."

❌❌❌

Kakatapos lang ang third quarter at lamang ng lima ang kalaban namin. Kitang kita ko na din na pagod na pagod na ang mga players namin especially si Kelso dahil siya ang gumagawa ng puntos. Sa buong laro, tahimik lang ako dahil nahihiya ko namang icheer sila especially si Kelso pero ngayong fourth quarter na, ichecheer ko na talaga siya.

NOBODY'S BETTERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora