💕 NOBODY'S BETTER 28 💕

Start from the beginning
                                        

"Eh kasi ano... Ummmm, nangako ako kay Kelso na bibigyan ko siya nang surpresa kapag nanalo sila sa laban nila. Ewan ko ba kung saan ko nahugot o nakuha yong idea na yon at ngayong nanalo sila, kinukuha niya na yong surpresa niya. Eh, wala akong maibigay sa kanya. I'm so stupid! Huhu!" wika ko habang nakikinig lang sila ng maimtim. Isang nakakarelax na katahimikan ang naghari sa aming lima rito at tanging hilik lang ni ajumma ang naririnig namin sa kwarto ko ngayon pero nabasag to ng nagsalita si Appii.

"What if iyong surprise mo o ang ibibigay mo sa kanya ay yong matamis mong oo, alam ko sasaya yon!" Napa snort naman ako sa sinabi niya. Di pa ko handang ibigay sa kanya ang matamis kong oo, kailangan niya pang kunin ang basbas ng parents ko at tiwala ko para maibigay ko yong gusto niya.

"Paano kung gumawa ka ng banner or something na nagsasabi na proud ka sa kanya. Alam ko mas sasaya yon." Napa iling naman si Appii sa sagot ni Dorcas pero ako'y napa isip lang dito sa isang tabi. Hmmmm, pwede rin.

"Bigyan mo siya ng special na bagay na galing sayo. Alam ko magugustuhan niya yon."

"May point ka naman don Moriah pero hindi ko nga alam yong mga bagay na gusto niya eh." sagot ko sa sinadgest niya. "Sabi ko nga."

"Kantahan mo na lang siya since maganda naman boses mo. Yon kasi ang ginagawa ko kay Rain eh. Kinakantahan ko siya kapag pagod siya. Sabi niya kasi sa akin, na gumagaan ang araw niya kapag kinakantahan ko siya." napa isip naman ako sa sinadgest sa akin ni Margaret. Parang alam ko na ang gagawin ko ah. Hahaha! Pero nagdadalawang isip pa din ako kung susundin ko ba yong mga suggestion nila o hindi.

"Hayyssss!"

"Beshywapsky, alam namin na nahihirapan ka ngayon pero handa naman kaming tulungan ka eh." sagot ni Appii sa akin habang mahinang tinatap niya ang balikat ko. Tila inaassure niya sa akin na magiging ayos na ang lahat.

"Sana nga." wala sa sarili kong sagot. Bigla namang napatayo si Dorcas sa kanyang pagkakahiga. Katabi niya kasing nakahiga ngayon si ajumma Rose habang si Dorcas naman ay nakadapa sa tabi niya habang ako, si Margaret at Moriah naman ay naka indian seat sa baba ng higaan ko. Kaya nagulat kami ng bigla siyang tumayo.

NOBODY'S BETTERWhere stories live. Discover now