💕 NOBODY'S BETTER 27 💕

Mulai dari awal
                                        

"Finally, nakilala na din kita," wika nito habang nakangiti. "Nice meeting you." Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko tila gustong makipag shake hands pero tinignan ko lamang to pero sa huli, nakipag shake hands pa din ako.

"Ako naman ang point guard namin. So ayon Anae, nakilala mo na sila, tawagin ko muna si coach para makilala ka na din niya." Sabi niya sabay halik sa pisngi ko dahilan para maging kamatis na ko dito. Umalis naman na siya pagkatango na pagkatango ko sa sinabi niya.

"So, Keisha right?" Napatingin ako sa nagsalita at nakitang si Ceejay pala ito kaya ang ginawa ko ay tumango lamang. Nahihiya kasi talaga ako sa kanya. "Alam mo bang lagi kang kwenikwento ni Kelso sa aming magkakabarkada kung gaano ka kaganda at kung paano ka niya kamahal. Though ang alam namin nong una, fling ka lang niya pero nakita naman namin na seryoso siya sa yo kaya narealize namin na baka nag bago na siya." Nakikinig lang ako sa sinabi niya. Alam ko naman noon pa na maraming nalilink sa kanya at nagkakagusto sa kanya mapababae man o bakla pero di ko aakalain na ako ang unang babaeng seseryusohin niya. Kelso, ganoon mo ba ko kamahal?

"Pero alam mo bang bago ka niya ligawan, kilala ka na namin kasi mukhang patay na patay ka sa kanya noong grade eleven pa tayo." Natatawa niyang kwento kaya napatawa naman ako. "I mean kapag nandyan si Kelso lagi kang namumutla, o kaya napapatigil kapag nakikita mo siya. Alam mo bang dahil doon na curious sa yo si Kelso at nainlove siya sayo pero nong time na parang wala ka ng nararamdaman para sa kanya parang nawala na din yong sigla niya kaya ginawa nila ng pinsan niya yong plano niya para maexpress niya yong feelings niya sayo at nagbunga naman to." Pahabol na kwento niya. Habang nakikinig ako, parang narealize ko yong mga ginagawa ko nong nakaraan. Akala ko talaga hanggang krass ko lang siya at hindi na kami aabot sa ganito pero katulad nga ng sinabi ni Ceejay, nagbunga lahat ng plano nila. Buti din pala naglaylow yong feelings ko sa kanya kasi kung hindi baka wala kami sa ganitong sitwasyon ngayon.

"Bakit mo pala kwenikwento to sa akin?" Bigla siyang napatigil sa sinabi ko at napa ngiti ng maliit pero halata mo namang pilit ito. "Sa totoo lang, ayaw kong ikwento to sa'yo eh kasi gusto ko ikaw mismo ang makadiscover nang totoong nararamdaman ni Kelso pero alam ko naman na curious ka din at halata to sa mga mata mo kaya sinabi ko na pero," bigla niyang hinawakan ang kamay ko na naka patong sa may lamesa dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko alam na dahilan. "Sa totoo niyan, matagal na kitang gusto. Nong first day of school last school year nabighani na ko ng kagandahan mo Keisha pero natakot ako na baka hindi mo ko magustuhan kaya kinalimutan ko na gusto kita. Hanggang sa dumating sa point na nasaksihan ko kung paano napunta ang atensyon mo sa bestfriend ko nong seminar na 'yon. Kung paano ko alam, simple lang, noong sumasayaw ako, kami pala ay sa'yo lang ako nakatingin ngunit kay Kelso napukaw ang atensyon mo at nagsimula ka ng humanga."

"Sa akin tinanong ng kaibigan mo kung ano ang pangalan ni Kelso. Pinapanood kitang nakangiti nong time na 'yon sa kanya habang naglalaro non sa larong pinalaro ng SSG members. Nandoon ako nong time na lagi mo siyang sinusundan ng tingin sa mga karinderya kapag malapit kayo sa isa't isa. Nandoon ako nong intramurals habang nakamasid ka at pasimpleng chinicheer mo siya nong maka three points siya. Nandoon ako Keisha nong panahong nasaktan ka niya dahil sa mga flings niya," hinigpitan niya ang kapit sa mga kamay ko habang nakatingin siya sa akin ng malungkot. "Nandoon ako nong time na malungkot ka dahil hindi siya nakasama sa night show ng dance troupe. Keisha nandoon ako sa panahong masaya ka, nasasaktan at malungkot ng dahil sa kanya pero alam mo ba, wala akong magawa kundi tignan ka lang sa malayo habang masaya sa kanya. Habang nasasaktan ka na ng dahil sa kanya. Nandoon ako Keisha nandoon ako pero patawarin mo ko kung duwag ako at hindi ko to ipinadama sa'yo. Alam ko kasing sa kanya ka lang liligaya kaya nilet go na kita."

"I'm sorry pero si Kelso talaga ang mahal ko eh." Wika ko sa kanya. Yon lang kasi ang mabanggit ko sa kanya. Para kasing kinain ko lahat ng bokabolaryo ko at hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ngayon ko lang kasi narealize na kahit ganito pala ako, kahit ganito ang itsura at ugali ko, may isa pa ding tao ang lihim na magmamahal sa akin kahit sa malayo.

"Alam ko naman eh! Kaya nga pinaubaya na kita sa kanya."

"Pero pwede ba kitang yakapin?" Tumango lang ako pero bago niya ko yakapin, biglang bumukas ang pinto at iniluwa non si Kelso.

"Anae, Lumayo ka nga sa kanya!"

Nagulat ako sa sigaw ni Kelso at marahas niya akong hinawi papunta sa likod niya. Tinignan niya nang masama ang kaibigan niya. Kinakabahan ako sa inasta niya at aaminin ko, first time ko lang siyang makitang ganito.

"Teka lang Kelso! Wala kaming ginagawang masama ng kaibigan mo! Infact nag uusap lang kami," napatigil ako ng mapagtanto ko kung ano ba ang nangyayari kaya palihim na napangiti. "Nagseselos ka ba?" Tanong ko sa kanya. Pero mas lumaki ang ngiti ko dahil sa sagot niya.

"I'm not jealous but when something is mine, it's mine. So Anae, basically you're mine and I don't want to share my possession especially if it is you." Namula naman ako sa sinabi niya at pinagpapalo ng mahina ang dibdib niya.

"Pwede ba Kelso! Huwag ka nang babanat ng ganoon kasi kenekeleg eke!" Napatawa naman siya at ginulo ang buhok ko.

"Pero teka Kelso ha, bakit mo sinigawan nang ganoon si Ceejay!?" Bulyaw ko sa kanya. First time naming nag away sa maliit na bagay at nakaka hiya pa sa harap ng coach niya at mga team mates niya pero I need answer.

"Kasi alam kong gusto ka niya." Sabi niya sabay crossed arms.

"Alam ko Kelso. Inamin na sa akin ni Ceejay pero huwag kang mag alala, sinabi ko na sa kanya na ikaw lang ang mahal ko kaya wag ka nang magselos. Sayo lang ako."

"Talaga?" Mapanuksong tanong niya. Tumango naman ako.

Marami akong nalaman at narealize sa araw na to pero isa lang ang masasabi ko. Mahal ko talaga tong lokong to eh!

"Anae," napa tigil naman ako sa paglalagay ng bimpo sa likod ni Kelso nang magsalita siya. "Cheer mo ko ah! Paghindi malalagot ka sa akin!" Wika niya sabay pout. Marahan ko namang itinuloy ang paglalagay ng bimpo sa likod niya ng sumagot ako. "Siyempre naman. Excited nga ko sa laban niyo ngayon eh! Kaya kailangan manalo ka kasi bibigyan kita ng price pag nanalo kayo."

Naging maaliwalas naman ang mukha niya ng marinig niya yong sagot ko. "Talaga? Paano pag natalo kami?"

"Edi wala!"

"Madaya naman oh! Anae gagalingan ko para sa'yo." Kinilig naman yong puso ko dahil sa sagot niya.

"Talaga lang ha?"

"Oo naman!"

Napa tigil naman kami sa kwentuhan ng pumasok na ang coach nila at sinabing laro na nila. Napa galitan pa tuloy kami malandi si Kelso eh. Ahuehue!

"Kelso, sa'yo lang ako."

He just smile. Oh I love his smile.

Sayo lang talaga ako Kelso at akin ka lang.

❌❌❌

NOBODY'S BETTERTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang