"Anae, mga kateam mates ko nga pala." Pakilala ni Kelso sabay turo sa kanila isa isa.
"Umm... Hello po." Nahihiyang bulong ko sa kanila sabay bow. Nahihiya talaga ako mga Besseu HUHU! First time ko kasi silang makilala at hindi ako sociable na tao kaya ganito ang inaasta ko ngayon. Nag hello din sila pabalik pagkatapos ay agad pumunta sa kinaroroonan ko si Kelso sabay akbay. Kakahiya besseu!
"Ito pala sila Xien, Klyde, kuya Gerald, Onel at Yuniko mga subs namin." Pakilala niya sa unang limang lalaki na nasa harap ko. Lahat sila may itsura at malakas ang dating. Now I know kung bakit maraming nagkakagusto sa basketball team namin kasi kahit sub lang sila, may ibubuga sila sa panlabas na katangian. At alam ko, magagaling din tong mga to.
"Hello po!" I waved at them and they waved back naman. Pumunta naman kami sa pwesto ng apat pang lalaki na nandito.
"Anae, si Mikael pala ang captain ball namin and the same time ang Power forward namin." Napatingin ako sa tinurong lalaki ni Kelso. Matangkad siya at katulad ng lima pa na nauna, may itsura din siya. Mga matang sobrang expressive, ilong na matangos at may dimple din siya besseu! Pero nakaka intimidate siya sa totoo lang! Huhuhu! Feeling ko nga matutunaw ako sa tingin niya eh.
"Nice meeting you po." Ay si kuya nag nod lang! Pati pala ugali iba.
"Pagpasensiyahan mo na siya Anae ah! Nagbreak kasi sila ng girlfriend niya kaya ganyan siya makaasta ngayon." Ang bulong ni Kelso. Tumango na lang ako at lumunok. Katakot talaga siya besseu pero I understand naman him hehe!
"Siya pala si Apollo ang center namin." Sabay turo nito sa lalaking medyo matangkad na may mapunggay na mata. Ngumiti siya sa akin dahilan para ma mesmerized ako sa kagwapuhan niya. Ngumiti naman ako pabalik na parang timang dahil na amaze ako sa kagwapuhan niya. Ganito pala talaga pag nakaka kita ka ng pogi. Magmumukha kang timang sa harap nila. HAHAHA! "At itong katabi niya ay si kuya Ian ang shooting guard." Kwento ni Kelso sa akin habang nakatingin lang ako kay kuya Ian. Gwapo siya mga Besseu! Para siyang Korean na Japanese na ewan dahil sa features niya. Buhok na fluffy, kilay na makapal, matang di mo alam kung kulay itim ba o asul dahil iba yong kulay niya sa mata ng isang normal na Filipino, ang ilong niyang katulad ni Zion na matangos (though matangos din ang ilong ni Apollo, mas prefer ko pa din tong kay kuya Ian at Mikael) at mga labing medyo namumula. Maputi din siya kaya aakalain mo talagang pure siya.
"Kuya Ian, ummm, half ka po ba or pure? I mean, pure Korean ka po ba or may lahi? Pasensya na po sa tanong ko. Hehe!" Bigla ko na lang tanong nang makita ko yong buong features niya. Nacucurious kasi ako eh! Hahaha!
"No it's okay." naka ngiting wika niya sa akin. "Ummm, I'm half Filipino and Korean pero dito ako sa Philippines lumaki." Napa 'ahhh' na lang ako. Para pala siyang si Shung-Ah. Now I know.
"Ako din Anae, nong unang kilala ko si kuya Ian, kala ko pure Korean siya pero half lang pala." Bulong ni Kelso sa akin habang natatawa. Natawa din ako sa kanya. By the way, naka akbay pa din siya sa akin hehehe! Kilig ako enebe!
"At last, si Ceejay," sabi ni Kelso sa akin sabay alis ng akbay niya sa akin at pumunta siya kay Ceejay para dito siya umakbay. "May bestfriend and the same time ang shooting forward namin." Tinignan ko lang si Ceejay at kinain ako ng hiya ko. Kilala ko na last year pa si Ceejay dahil siya yong ginawa kong panakip butos kay Kelso. Don't get me wrong, inisip ko kasi at pinilit sa sarili ko na siya na ang magiging krass ko since parang nag lalaylow na yong nararamdaman ko kay Kelso ng mga panahon na 'yon pero di nagtagal, bumalik lang din kay Kelso yong feelings ko. Wala eh! Kahit anong gawin ko, pagpilitin ko man ang sarili ko sa iba, si Kelso at si Kelso pa din ang laman nitong puso ko.
YOU ARE READING
NOBODY'S BETTER
Teen FictionNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...
💕 NOBODY'S BETTER 27 💕
Start from the beginning
