"Naubos mo 'yong tinda mo?" Tanong ko sa kanya pagka abot na pagka abot ko ng juice na binili ko kay Kelvin.
"Oo ajumma! Kapagod nga eh pero keri ko pa naman!" Sagot niya sabay inom ng juice.
"Alam mo ba, ang daming oppa ang bumili sa akin! Shemms! Ang popogi nila! Nagpapicture pa nga ko sa kanila eh! Saglit kunin ko lang ang cellphone ko!" Kwento niya sa akin habang ako'y nakikinig lang dito sa isang tabi. Pagkakuha na pagkakuha niya ng cellphone niya, agad niyang ipinakita sa akin ang mga litrato ng mga iba't ibang mga estudyanteng bumili sa kanya. Halos lahat sa mga ito ay mga taga ibang school at aaminin ko, gwapo at may mga itsura sila pero wala pa ring lalamang sa kagwapuhan ni Kelso.
"Nga pala ajumma," napatingin ako sa kanya nang banggitin niya ang pangalan ko, kinabahan nga ko eh! Naging seryoso kasi ang tono ng boses niya hindi katulad ng kanina.
"Ano yon?"
"Napadaan ako sa lugar na pinagprapraktisan nila Kelso at sinabi niya sa akin na pumunta ka daw doon. Papakilala ka daw kasi niya sa mga kagroupo niya at sa coach nila." Sabi nito na kinikilig. Nadaig niya pa ako. Ahuehue!
"Ikaw ah! Lumelevel up na ang panliligaw ng lalaking yon sa'yo ha! Kahapon may payakap yakap effect pa kayo! Ang pda niyo masyado! Eww!" Wika niya sabay sundot sundot ng tagiliran ko. Tumawa tawa lang naman ako sa sinabi niya. Hahaha!
"Uy! Walang malisya yong kahapon! Kinokonfort ko lang siya kasi napaiyak ko siya!" Paliwanag ko. Napatigil naman siya sa kakatawa at napatahimik. Napalitan nga ng kunot noo ang kaninang nakangiting mukha niya eh.
"Alam mo ba ajumma, sabi nila, kapag daw ang lalaki umiyak dahil sa babae, ang ibig sabihin non, mahal nila yong babaeng yon." Paliwanag niya.
"So?" Curious kong tanong sa paliwanag niya.
"Anong 'so?', 'so?' ka diyan! Hindi mo ba nagets!?" Umiling ako though nagets ko naman ang sinabi niya bwahaha! Gusto ko lang ng maayos na explanation.
"Ang ibig sabihin non, mahal ka talaga ni Kelso walang halong biro o duda. One hundred percent kaya ikaw babae ka, mahalin mo siya kasi wala ng lalaking katulad niya sa panahon ngayon!" Turan niya sa akin habang nakapameywang. Napa ngiti naman ako sa sinabi niya. Matagal ko ng alam na mahal ako ni Kelso pero sa totoo lang, mas lalong tumibay ito dahil sa mga observation ng ibang tao sa kanya katulad na lang ng observation ni Ajumma Rose.
"Huwag kang mag alala ajumma, mahal ko naman 'yong mokong na 'yon eh! Hindi ko lang pinapahalata." Napangiti naman siya.
"Sige na alis na ko ah! Baka kung saan pa mapunta tong usapan natin!" Napatawa naman siya at pina alis nga niya ko. Walang ya! Gusto niya lang masolo si Shung-Ah eh! Di niya lang aminin. Chuchu!
❌❌❌
"Uy! Andiyan na siya oh!" Rinig kong sabi ng isa sa mga kagroupo/kateam mates ni Kelso nang pumasok ako dito sa locker room ng senior high school gym. Bago ako pumunta dito, sa shs gym ako dumiretso ngunit nang makita kong wala naman sila Kelso don at ibang naglalaro sa ngayon, naisipan kong dumiretso dito. Ewan ko ba kung bakit, baka lang sa instinct ko. HAHAHA! Pero teka, kilala niya ko? How come?
"Andyan ka na pala Anae!" Wika ni Kelso nang makita niya ko. Hindi niya kasi napansin yong presence ko kanina kasi umiinom siya ng tubig kaya ayon.
"Teammates, meet my girlfriend, Keisha from the ***** department." Pagpapakilala ni Kelso sa akin sa harap ng mga kaibigan niya. Napa blush naman ako ng kaunti pagkatapos ay ngumiti din. Pero teka, girlfriend? Hindi ko pa nga sinasagot tong mokong na to eh! Girlfriend agad? Di ba pwedeng asawa na? Charrot!
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Teen FictionNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...
💕 NOBODY'S BETTER 27 💕
Magsimula sa umpisa
