“Ito naman yung coverage ng article mo .. “ nakangiti pa si Araya ng abutin ang isang papel .. now .. simula na ng pangarap nya ..

“What?! Aragon Clan?” hindi makapaniwala na sabi ni Araya ng makita nya ang nakasukat sa papel.

“Yes .. madali na lang para sayo yan dahil kaibigan mo naman sila .. just get all the detail about them ..”

“Pero alam ba nila ito?”

“It’s up to you if you wanted them to know or not .. basta I need your article about Aragon, before the next semster start. You still have all the time.”

Napako sa malalim na pag iisip si Araya .. bakit naman sa dinami dami nga mga pwedeng isulat ang tungkol pa sa mga kaibigan nya? Pwede naman ang buhay ng aso, pusa .. ang online world .. ang corruption ng gobyerno ..

Bakit ang Aragon pa?! ano bang meron sa pamilya nila? Bakit ang dami atang naku curious sa kanila?

“Hey Araya!” lame ang pag ngiti ni Araya ng lumingon sya sa manliligaw nya .. sino pa edi si Storm.

“Hi.” Maikling sagot ni Araya.

“Ooh bakit ganyan ang mukha mo?” umakbay si Storm kay Araya. Pasimpleng inalis yun ni Araya dala ng pag kailang.

“Wala.”

“Lokohin mo lelang mo .. anong wala? Ano nga?”  kulit ni Storm na humarang pa sa daraanan nya ..

Iling lang ang sinagot ni Araya.

“Wait. Upo ka lang dyan ah? Bibili kita ng ice cream.” Mabilis na tumakbo si Storm para bumili ng ice cream ni Araya.

Sa paglayo ni Storm ay napabuntunghininga sya .. sa pagpunta nya dito sa syiyudad hindi nya naisip na magkakaroon sya ng mga kaibigan na ganito .. ng ganitong karangyang buhay . ng totoong pamilya. wala  na sana syang mahihiling pa ..

Pero dahil kay Storm nagulo ang isip nya .. akala nya nung una si Iko talaga ng magiging ultimate crush nya .. oo crush nya ito ng konti .. pati din naman si Clinton .. pero hanggang doon lang yun .. pero nang naging malapit sila ni Storm nag iba ang  lahat. Yung pagiging makulit nito .. yung pagiging malapit nila sa isa’t isa .. at lalo na sa lahat ang pagiging totoo nito sa kanya.

Yung oras na  natulak nya si Dara na nakahalikan nito si Iko .. yung sinugod ni Dara si Storm sa bahay nila .. yung nalasing si Storm .. doon sya nagbago.

“Raya mahal ko pala si Dara.” Napalingon si Araya sa sinabi ni Storm .. nasa malayo lahat ng mga kaibigan nila t may kanya knayang ginagawa ..

“Weh?” di makapaniwalang tanong ni Araya.

“Bakit ko ba kasi ginawa yun?”  tanong ni Storm.

“Ang alin?”

“Di mo kasi ako naiintindihan Araya,”

“Edi ipaliwanag mo ..”

“Mahal ko si Dara .. nagseselos ako sa pakikipaglapit nya kay Iko .. nagseselos ako kay Elo kasi mahal sya ni Dara .. naiinis ako sa sarili ko kasi ang tanga tanga ko ..”

Pinagmasdan lang sya ni Araya ..

“Mahal nya si Dara.” Pabulong na sabi ni Araya sa sarili ng makitang  papalapit n asi Storm ..

Si Storm nama  na papalapit kay Araya ay napabilis ang tibok ng puso .. bakit kaya ganoon na lang makatingin sa kanya si Araya.

Ngayon lang nya narealize na iba pala ang meaning ng crush sa love. All along tinuring nyang crush si Dara ang akala nya  pagmamahal na yun ..

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon