MGP ~ Chapter 18

462 16 12
                                    

[ Sabrina's Point of view ]

"Hello?"

Pero walang nagsasalita. Bakit pa sya tumawag kung hindi naman pala sya magsasalita.

( Lumabas ka. )

Hindi na ako nakasagot dahil pinutol nya na ang tawag. Teka bakit ako lalabas?

Bumaba ako ng hagdan at sumilip sa bintana.

Anong ginagawa nya sa labas ng bahay namin!? O__O

Lumabas ako ng pinto at dahan dahang binuksan ang gate.

"Anong ginagawa ko dito?" Salubong ko sakanya.

"Makikitulog."

"Huh!?" Teka anong sinasabi nito?

"Uy Stephen!" Tinatawag ko sya pero dere derecho syang pumasok sa bahay namin.

Nilock ko yung gate at pumasok narin. Anong dito sya matutulog? Teka hindi pwede!

"Baka makita ka nila Mama. Umuwi ka na." Pero hindi nya ako pinapansin.

Dere derecho syang pumasok sa kwarto ko habang ako nakasunod sakanya.

*click*

"U-uy ba't mo nilock? Umuwi ka na. Nababaliw ka na ba?"

"Hmm, maybe?" Sabay upo nya sa bed ko.

"Lagot ako pag nakita ka ni Kuya dio baka kung anong isipin nun!"

Humiga na sya sa kama ko at nagkumot. Ano bang trip neto? Ilang linggo na niya akong hindi pinapansin tapos makikitulog sya sa kwarto ko?

"Bahala ka! Dito ako sa lapag."

"Okay." Aba bwiset talaga 'to!

Padabog akong kumuha ng unan at kumot. Inilatag ko sa sahig yung kumot at humiga.

"Kung pinagtritripan mo nanaman ako pwede ka ng tumigil." Pero hindi sya sumagot.

Isang oras ang lumipas. Tulog na siguro sya. Habang ako di makatulog dahil sa tigas ng sahig.

Bumangon ako at lumapit sa kama kung san sya natutulog.

"Sarap ng tulog mo eh no. Hiyang hiya naman ako feel na feel mo yung kama ko." Bulong ko.

Kumuha pa ako ng isang unan at tinignan sya ng malapitan kung natutulog na ba talaga sya.

"Ang gwapo parin kahit tulog." Bulong ko.

Aalis na sana ako ng biglang "Ay gwapo! Ho-hoy! Bitawan mo 'ko!"

Pano ba naman hinila nya ako at ngayon nasa ibabaw nya ako habang nakayakap sya sakin!

"Wag ng maarte. Tabi tayo." What!?

"A-ayoko! Manigas ka!" Pinipilit kong kumawala sa yakap nya.

"Edi matutulog tayong nasa ibabaw kita. Night."

"Oo na! Basta bitawan mo lang ako tatabi ako sa-aray!" Hinagis nya ako sa tabi nya.

Wala nanaman sigurong magawa itong si Stephen kaya ako nanaman ang napagtripan.

"Goodnight." Tumalikod na ako sa kanya.

"U-uy!" Hinila nya ako paharap sakanya at niyakap.

Hindi sya umiimik. Nakayakap lang sya sakin habang nakapikit.

Namiss ko 'to. Oo na ang landi ko na. Pero namiss ko talaga si Stephen. Lalo na yung yakap nya.

Aasa nanaman ba ako? Ang tanga tanga mo Sabrina. Tama na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Gangster Prince Where stories live. Discover now